Chapter 2

1616 Words
Ilang beses ko nang pinagpipindot ang password ng pinto namin pero nage-error pa rin iyon. Sa sobrang inis ko ay muntik ko nang maihampas dito ang phone ko. Buti na lang at napigilan ako ni Winwin. Pumunta siya sa harap ko at pinaatras ako para siya na ang magbukas ng pinto. Nakatira kami sa isang dorm na parang condo ang datingan, a minute stroll to university. Ayos na rin dito kasi mahigpit ang security (may curfew nga lang). May dalawang kwarto, isang CR, kitchen, at sala. Para ka na ring nasa bahay. "Ikaw ata ang lasing e," natatawang saad niya habang ineenter ang passcode. Nang bumukas ito ay ako na ang naunang pumasok at padabog na inalis ang rubber shoes ko. Umupo ako sa sofa at dinampot ang unan sa tabi ko. Inilagay ko ang unan sa mukha ko at napasigaw sa sobrang galit. "Chill ka nga." tinanggal niya ang kaniyang sandalyas at nilagay sa lalagyanan ng mga sapatos. Inilagay niya rin ang shoes ko roon. "E pa'no ba naman kasi..." napakagat labi ako sa irita habang iniisip ang mga sinabi ng lalaking iyon kanina. Umupo siya sa tabi ko at kumuha rin ng unan saka ipinatong sa lap niya. Nagaalinlangan pa akong sabihin iyon pero 'di ko na talaga kaya. "M-magusap daw kami sa kama. Iyon ang sabi niya," pagamin ko habang hinihigit higit ang tela ng unang hawak ko. Halos masira ko na ata 'tong punda ng unan. "Tapos?" natatawang saad niya na tila gustong gusto pa ang mga naririnig niya at walang masama sa sinabi ng lalaking iyon. Natigil ako sa paghigit higit ng tela at tumingin sa kaniya. "Winwin, nakakabastos 'yong sinabi niya! Hindi naman ako tulad ng mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya 'no," depensa ko pa at huminga ng malalim, "Fuckboy." "Okay?" humalakhak siya at umiling iling pa, "Masanay ka na, Claret. Iba ang buhay mo ngayong college. Palibhasa kasi noong high school tayo e bahay,school at ballet class ka lang. Tapos napaka-strikto pa ng dad mo." Ngumuso ako at muling pinaglaruan ang unan. Winwin's right. Simula elementary at high school e wala na akong ibang inatupag kung hindi ang pagaaral at ang ballet. Ni-wala nga akong matandaang naging crush ko noon e--may isa siguro pero 'di ko na matandaan ang mukha kasi bata pa ako noon. For sure, infatuation lang iyon, puppy love kumbaga. Si dad nga kahit isang lalaki ay ayaw palapitin sa akin samantalang si mom naman e todo pakilala sa mga anak ng naging kasama niya noon sa sayaw. Pero nawalan na rin ako ng gana. Ang nasa isip ko lang e 'yong mga pangarap ko at pangarap ng magulang ko para sa akin. Wala sa isip ko ang magmahal o mag boyfriend. "Since pagaaral na lang inaatupag mo, try mo rin kayang maghanap ng love life? You know, seniors are more better and CFAD din. Matutulungan ka na sa academics mo, masarap pa," aniya at nag-thumbs up pa. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nang makita niya ang ekspresyon ko e bigla siyang humalakhak. "Adik ka ba?!" pasigaw kong sabi. "Tsk, nagsasabi lang ako ng totoo. Boring na nga ng high school life mo tapos boring pa rin sa college?" hirit pa niya then she yawned, "I feel sleepy na. Tutulog na ako." Tumama ang unang ibinato niya sa mukha ko. Boring? Pagiging boring ba talaga kung walang lovelife ang isang tao? Tsk. Ewan ko ba kung bakit ganiyan magisip ang kaibigan ko. Buti na lang at 'di ako nagpapadala sa mga sinasabi niya. Gosh, hindi naman umiikot ang buhay ng tao sa pagbo-boyfriend o asawa lang. Okay nang maging single for life at least nakabawas naman sa lumalaking populasyon. I will be a good rich tita na lang siguro. Uso na 'yon ngayon. Pumunta na rin ako sa aking silid. Hindi pa ako makatulog kaya napagpasyahan kong manood na lang muna ng ballet videos sa YouTube. I pressed my lips as I saw my cousin's video. Sikat na siya ngayon. Ang noong parang anino ko lang e mas kilala na ngayon. Hindi na rin ako hinanap ng mga tao simula nang magpakitang gilas siya. Inagaw niya lang naman sa akin ang posisyon ko e. I really hate that two-face b***h. Inis kong binato ang phone ko sa kung saan at inilublob ang mukha ko sa malambot na unan. Ramdam kong unti unti itong nababasa. Umiiyak na pala ako. Iniharap ko ang aking mukha sa kisame. Ramdam ko pa rin ang init ng tubig na pumapatak sa gilid ng mga mata ko. Ang daming what ifs na naman ang pumapasok sa utak ko. What if hindi ako naaksidente noong araw na iyon? What if hindi ako nagkaroon ng pilay sa paa ko? Siguro ako ngayon ang nasa posisyon ni Hannah. Siguro siya pa rin ang nagsisilbing anino ko ngayon. Siguro hindi ako minamaliit ng pamilya niya ngayon. Kung hindi lang dahil kay tito ay talagang isinumpa ko na ang mag-inang Monsanto na iyon. Napakamalas ni tito sa mga demonyong iyon. Natawa ako na parang baliw at pinunasan ang basa kong pisnge. I'm being a hypocrite sometimes. Minsan kong hiniling na mabulag o mapilayan din ang babaeng iyon. She doesn't deserve to wear pointe shoes, she doesn't deserve dancing on stage, and she doesn't deserve to be a ballerina. Pero ano pa bang magagawa ko kung iyon ang kagustuhan ng tadhana. Wala akong laban. Walang wala. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi kakaiyak. Maaga kaming naghanda para sa gaganaping welcome walk. Isa iyong tradisyunal na ginagawa ng mga fresh men para maging isang official Thomasian ka raw. Tas naririnig ko pang sa graduation e dadaan ka ulit sa arch of the centuries. "Umiyak ka ba? Pansin ko kasing pugto 'yang mata mo kanina pa," tanong ni Winwin habang naglalakad kami papuntang College of Fine Arts and Design building. "Puyat lang," pagsisinungaling ko. "About ballet na naman?" Hindi ko siya sinagot hanggang sa makarating kami ng room. Nakita ko ang mga lobong nagkalat sa sahig at mga telang kulay pula at berde. Nakisali na rin kami sa ginagawa nila. Nakakahiya naman kung hindi kami makiki-cooperate diba? "Guys, tara na." paanyaya ng isa naming kaklase. Nagsilabasan na kami ng room. Nang makarating kami ng hagdan ay napatingin kaming lahat sa direksyon ng ingay na palakas ng palakas. Naningkit pa ang mga mata ko para maaninag kung sino ang tumatakbo papuntang direksyon namin. "Excuse me! Tabi tabi!" sigaw ni Arthur habang hinahabol ng mga babae sa likod niya. Iniiling ko ang aking ulo. Hahakbang na sana ako pababa nang maramdaman ko ang malakas na pwersa mula sa likuran ko. Nabunggo ako ng mga babaeng nagtatakbuhan! Nanlaki ang mga mata ko nang ma-out of balance ako. Naramdaman ko naman ang brasong pumulupot sa balikat ko. Pero huli na ang lahat, gumulong gulong na kami sa hagdan. Nakaramdam ako ng hilo at sakit ng katawan bago ko marinig ang pagsigaw sa pangalan ko. "H-hey? Okay ka lang ba?" Hindi ko maaninag ang lalaking nakayakap sa balikat ko ngayon. Unti unti na akong nawalan ng malay at 'di na nakita ang sunod na nangyari. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako rito at inilibot ko ang aking mata sa paligid hanggang sa makita ko ang isang lalaki at nurse na halos magkalapit na ang mukha. Napalayo naman ang nurse nang makita akong magising. Mabilis itong lumapit sa akin. "Okay ka na?" Tumango ako at napatingin sa lalaking nagyo'y may benda ang kaliwang kamay. Kung ganon, si Arthur Amadeo pala 'yong yumakap sa balikat ko kanina? Napakamanyak talaga e. Tuluyan na akong bumangon pero pinigilan ako ng nurse. "Magpahinga ka pa ng kaunti, sigurado ka bang kaya mo na?" nagaalalang tanong nito. "Yes. Mukhang nakakaabala pa ako sa inyo rito e, aalis na lang ako." saad ko na ikinalaglag ng panga ng nurse. Si Arthur naman ay nagpipigil na ngumiti. "Isa pa, baka ako malate sa welcome walk," dagdag ko pa at tuluyang ibinaba ang paa sa higaan. Nagkatinginan ang dalawa at nagkibit balikat lang si Arthur. What's the meaning of that? "E halos kasi dalawang oras kang walang malay. Tapos na 'yong welcome walk..." pahina nang pahina ang boses ng nurse nang sabihin niya iyon. Nanlaki ang mga mata ko. "What?!" Humalakhak si Arthur. Ano bang nakakatawa doon? "Don't worry, 'di rin ako nakaattend ng welcome walk noon pero nakarating naman ako ng third year. Pasok labas pa nga ako roon. Don't believe on myths!" hirit niya. "Kasalanan mo 'to e!" sisi ko sa kaniya, halos mamula ako sa sobrang irita. Kagabi pa 'tong kumag na 'to e. Nawala ang mga ngiti sa labi niya at seryosong tinitigan ang mga mata ko. Napaiwas tuloy ako sa ilang. "May masakit ba sa'yo?" tanong niya at umiling ako. "That's because of me. Sinalo ko lahat ng pasa at sakit para sa'yo. Tapos ako pa 'tong sisihin mo sa katangahang taglay mo." aniya na tila ako pa ang may kasalanan sa pagiging malandi niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at binigyan siya ng isang nakamamatay na titig. "Hindi ko naman sinabing yakapin mo ako o saluhin! Paraan mo lang 'yon para maka-chansing e no?" giit ko sa kaniya. "Chansing? You think I'm that lowkey para gawin 'yon? Hell no." aniya at suminghap. Naiirita na ang mukha niya, "Ganiyan ka ba magpasalamat sa mga taong tumutulong sa'yo?" I just clicked my tongue. Kinuha ko ang bag ko sa gilid at lumabas na ng clinic. Nawawalan ako ng enerhiya sa lalaking iyon. Ayoko nang makipagtalo pa, palaban e alam namang siya ang may mali. Tsk. Hindi tuloy ako nakaattend ng welcome walk nang dahil sa lalaking iyon! Wait, nasaan ba si Winwin? -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD