"I'm sorry, babe. I can't go. May emergency lang sa business ni dad dito sa hotel. Don't worry, I already told Arthur to pick you up," ani Ycos sa kabilang linya ng phone. Kanina pa kasing nauna sina mom and kuya kasi sinabi kong sabay na kami ni Ycos. Kung alam ko lang sana. "Uh, sige. You okay?" alalang tanong ko. "Yeah," sagot niya pero halos hangin na lang iyon. Mukhang stress na stress siya ngayon. "Sir, may nag-reklamo pong customer," ani ng boses ng babae sa kabilang linya. Sekretarya ata. "Gonna hung up. I love you," "I love you too," Binabaan niya ako ng tawag at ako nama'y napatingin sa screen ng phone ko. Naka-wallpaper pa ang picture namin ni Ycos na parehas nakangiti habang ako'y naka-peace sign. Sayang naman. Ngayon pa naman ang kasal nina Migs and he got invited too

