Nang makarating ako sa hospital at itinanong sa information desk kung saang room si Arthur Amadeo ay dali-dali akong pumunta. Nakita ko sa labas ng room si Thunder at nakade-kwatro. Napaka-kalmado niya pa rin ngayon. Umangat ang tingin niya sa akin nang marinig ang mga hakbang ko. Tumaas ang kilay niya nang makita ang suot ko. "What the hell... are you wearing?" aniya at unti-unting umayos ng upo, nakatingin pa rin sa suot ko. "W-where's Arthur? Is he okay?" tanong ko at binalewala ang tanong niya. Huminga siya nang malalim at tumingin sa kwarto, kung saan naka-confine si Arthur. "His head was injured and we will know what's the accident's impact on his brain when he wakes up," malamig na sabi niya. Kita ko mula sa pinto, sa maliit na transparent na bubog dito ang nakahiga at walang

