Kasalukuyan akong nasa labas ng ER at naghihintay sa paglabas ng doctor sa loob, kung nasaan si dad. Kagabi ay okay pa ang kalagayan niya pero nang abutin nitong umaga ay muling umatake ang sakit niya sa puso. Buti na lang at wala na rito ang pamilya ni Arthur. Sa oras na ito ay siguradong mahimbing pa rin ang tulog niya. Dito rin kasi sa hospital dinala si dad kung saan naka-confine si Arthur. Ayaw ko rin namang malaman niya ito. Ayaw kong makadagdag sa problema niya. Hawak ko pa rin ang kamay ni mommy na nanginginig at kanina pang pumapatak ang mga luha. Sa kabilang kamay naman si kuya. She loves my dad so much. Naalala ko pa noon na naikwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala. Dad's such an arrogant but coward kaya si mom na ang gumawa ng first move. Ayaw na ayaw ni lolo kay

