Kasalukuyan lang akong naka-tulala sa bonfire hanggang sa may nag-abot sa akin ng isang lata ng beer. Agad ko namang kinuha iyon. Pinagpagan pa niya ang kaniyang kamay na may ilang buhanging nagsidikitan nang ipangtuon niya iyon para makaupo. "Problema?" ani Ycos at binuksan ang beer na hawak din niya. "Nothing, just random thoughts," sabi ko ko at nagkibit-balikat tsaka ininom ang beer. Gumuhit ang pait ng alak sa aking lalamunan dahilan para mapa-ngiwi. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Ycos. Nakita yata ang naging reaksyon ko nang inumin ko ang alak. Matgal-tagal na rin simula nang makatikim ako ng alcoholic drinks. Mahigpit ang pagbabawal sa amin ang pag-inom. Napatingin ako sa taas at nakita ang mga bituin. Nagpapaganda pa ng scenery ang bilog at maliwanag sa buwan na nag-refle

