Kabanata 16

1310 Words
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kubyertos na napulot niya habang nakatitig sa nangyayari sa ilalim ng mesa. Marahan ang paghaplos ni Nik sa hita ni Andrea habang patuloy ito sa pagsasalita tungkol sa pulitika. Lumunok siya ng ilang beses para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan at hindi siya tuluyang maiyak. Nang masiguro niyang kalmado na siya ay saka palang siya umayos ng upo. Sumulyap sa gawi niya si Andrea at matamis na ngumiti subalit alam niyang sa likod ng mga ngiting iyon, kinukutya na siya nito. Gayunpaman, hindi niya hahayaan na magsaya ng tuluyan ang babae at nginitian ito pabalik. Hindi siya iiyak sa harapan nito kahit pa parang pinipiga na ang puso niya sa sakit. "Nik's wife is nice naman pala. Now I can rest assured that my friend is in good hands after meeting Victoria and sharing a dinner with her, Tita," magiliw na wika ni Andrea. Tipid na ngumiti si Natalia bilang tugon. "Well, siguro nga," kibit balikat nitong sagot. Huminga siya ng malalim bago ibinaling ang atensyon kay Andrea. "Nasa mabuting kamay talaga si Nik dahil mahaba ang pasensya ko kahit pa anong gawin niya at ng kasama niya," makahulugan niyang sambit. Nakita niya ang unti-unting pagkapalis ng ngiti sa labi ni Andrea. Maging si Nik ay natigilan sa naging sagot niya. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang dalawa. Nang matapos ang hapunan, napagpasyahan niyang magtungo muna sa malaking terasa ng mansion para doon lumanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam niya halos hindi siya makahinga kanina noong nasa hapag sila. Tahimik siyang nagmamasid sa kapaligiran nang maramdaman niya ang pagdating ng isang presensya sa kinaroroonan niya. Hindi paman siya tuluyan na nakakalingon, tumapat na sa kinatatayuan niya si Andrea habang may hawak itong isang kopita ng wine. "Bilib din ako sa tapang mo ha. You really managed to climb up here acting tough like a real damn wife. I must commend your courage and thick-face, Victoria." Isang matalim na titig ang ipinukol niya sa babae. Hindi man siya kasing sosyal nito na may paenglish-english pa, hindi naman siya bobo para hindi maintindihan kung ano ang nais nitong iparating. "Thick-face? Mas bagay yata sayo ang salitang yan dahil makapal ang mukha mong makipaglandian sa lalaking may asawa na at sa harapan pa ng pagkain!" Matapang niyang asik. Nakita niyang rumehistro ang gulat sa mga mata ni Andrea dahil sa pagsagot niya. Walang pag-aalinlangan naman siyang nakipagsukatan ng titig sa babae. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila subalit maya-maya lang ay mahina itong natawa at maarte pang pumalakpak. "Wow. Matapang ka nga. No wonder you succeeded in your plan of marrying Nik pero alam mo ba, kahit anong tapang pa ang ipinapakita mo, all I can say is nakakaawa ka parin," anito bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "You're stupid. Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo. Sa tingin mo ba porket naagaw mo mula sakin ang tsansa na mapakasalan si Nik nanalo ka na. Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo sa kamay ni Nik. Siya mismo ang nagkukwento sakin. You're nothing but a wife for disposal. Hindi ka niya mahal. Hindi karin gusto. Ang tingin niya sayo, basahan. Now tell me, hindi ba nakakaawa ang ganyang klaseng babae?" Sarkastiko nitong turan. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakasagot pa. Ikinuwento ni Nik kay Andrea kung paano siya nito tinatrato? Hinawakan ni Andrea ang kanyang baba at malakas na tinapik-tapik ang kanyang pisngi. "Matuto ka kasing lumugar. Hindi ka nababagay dito, mahirap kalang, mayaman si Nik. Langit at lupa ang pagitan ninyong dalawa. Kahit kailan, hindi ka niya magugustuhan dahil wala ka namang maipagmamalaki at wala kang maitutulong sa kanya. Inshort, wala kang silbi!" Ilang sandali pa siya nitong tinitigan bago marahas na binitawan ang kanyang baba. Isang irap ang ginawa ni Andrea bago siya tinalikuran at tuluyan na nilisan ang terasa. Naiwan siyang nakatingin sa kawalan habang pabalik-balik sa kanyang isipan ang sinabi ni Andrea sa kanyang utak. "Wala kang silbi..." "Wala kang silbi..." Tuluyan ng nalaglag ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Ano ba ang gagawin niya para maging isang karapat-dapat na asawa ni Niklaus. Hindi pala sapat ang pagbibigay niya sa pangangailangan nito? Marahas siyang napasuklay ng kanyang mahabang buhok. Bakit pa ba niya tinatanong ang tungkol sa bagay na iyon gayong may patunay na nga. Ilang minuto ang pinalipas niya bago niya nilisan anh terasa at pumasok na sa loob ng silid na ginagamit niya. Nahiga na siya sa kama nang marinig niya ang pagtunog ng lock sa may pinto. Ilang sandali pa'y bumukas iyon at iniluwa si Nik. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga. Mabilis namang nakarating si Nik sa kinaroroonan niya at marahas na sinakal ang kanyang leeg. Gulat na gulat siyang napatitig sa lalaki. "B—bakit?" Nahihirapan niyang bigkas habang pilit na inaalis ang kamay nito sa kanyang leeg. "Nagtatanong ka kung bakit? Damn you! Anong karapatan mong pasaringan ako sa harap ng hapag at ng mga magulang ko? Anong karapatan mo, Victoria?!" Galit nitong asik. Mabilis na namalisbis ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ito na nga ang gumawa ng kababalaghan, tapos ito pa ang galit. "A—asawa mo ako, Nik. Natural lang ang naging reaksyon ko. Wala naman sigurong babae ang matutuwa sa ginagawa ninyong dalawa ni Andrea at sa harapan ko pa talaga!" Mas lalo pang humigpit ang pagkakasakal nito sa kanya kasabay ng isang sarkastikong tawa. Mariin siyang napapikit habang sinusubukan paring tanggalin ang kamay nitong nakahawak sa kanyang leeg. "Oh, nagseselos ka?" Natatawa nitong sambit. Napahikbi siya. Karapatan niyang magselos. Kahit asawa lang siya nito sa papel, hindi naman lingid sa kaalaaman ni Nik ang nararamdaman niya para rito. "Hindi mo ako masisisi na yun ang nararamdaman ko, Nik..." "You bítch! Wala kang karapatan na pagsabihan ako kung ano ang gagawin ko. I am free to do whatever I want. Asawa lang kita sa papel at sa kama pero wala kang karapatan na pagbawalan at sumbatan ako kung maghahanap ako ng ibang babae. Kasalanan mo rin naman ang nangyari! Kung hindi ka lang sana nagkasakit, eh di sana hindi ako lalapit kay Andrea! Kaya wag na wag mo akong aastahan ng ganyan!" Gigil nitong asik at marahas siyang binitawan. Naghihina siyang napaupo sa kama at panay ang ubo. Marahan niyang hinawakan ang nasaktan niyang leeg saka dahan-dahan na nag-angat ng tingin kay Nik. Nanlilisik parin sa galit ang mga mata nito. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya ngayon mula sa lalaki. Bakit biglang naging kasalanan niya ang nangyari? "The next time you'll act like high and mighty infront of me or anyone, hindi lang yan ang aabutin mo mula sakin!" Puno ng pagbabanta nitong wika. Napayuko nalang siya at hindi na nagsalita pa. Tanging hikbi niya lang ang maririnig sa buong silid. Ilang sandali pa'y may ibinato si Nik sa kanya na isang maliit na supot. Tumama iyon sa kanyang noo at tumalbog papunta sa sahig. "Pick that up. Inumin mo yan magmula ngayon," malamig nitong turan. Sa nanginginig niyang mga kamay, pinulot niya ang supot at tiningnan ang laman. Tumambad sa kanya ang isang pad na may maliliit na tableta. Mag-angat siya ng tingin sa nagtatanong na mga mata. "A—ano 'to?" Mahina niyang tanong. "Are you stupid? It's a birth control pill. Drink that so you won't get pregnant while I'm still using that body of yours," malamig nitong turan. Napalunok siya at muling tinitigan ang pad. "And don't you dare trick me, Victoria. Kahit magbuntis pa kita dahil hindi mo ininom yang pills na ibinigay ko sayo, I won't accept that child of yours if ever. I just want to have séx with you, wala akong planong magkaroon ng anak sayo. At kung talagang susubukin mo ang pasensya ko, ako mismo ang magpapalaglag ng batang dadalhin mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD