bc

Governor's Innocent Temptress (Bachelor's Temptation Series 2)

book_age18+
480
FOLLOW
7.7K
READ
billionaire
age gap
arrogant
heir/heiress
blue collar
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

WARNING ❗MATURE S~XUAL CONTENTS AHEAD WITH EXTREME EXPLICIT WORDS. Read at your own risk.

Natupad ang pangarap ni Victoria Perez na mapakasalan ang lalaking pinangarap niya na walang iba kundi amg governor ng kanilang lugar—si Warren Niklaus Ardiente kahit paman lupa at langit ang pagitan ng estado nila.

Akala niya ay siya na ang pinakamaswerteng tao sa balat ng lupa subalit nang makaapak siya sa mansion ng mga Ardiente ay ilusyon lang pala ang lahat.

Napagtanto niyang sobrang hirap palang makibagay sa mga taong matatas ang antas. Wala siyang kasama, walang kakampi. At higit sa lahat, hindi asawa kundi isang paraúsan lang ang turing ni Niklaus sa kanya.

Hanggang saan niya kayang manatili para sa pagmamahal niya kay Nik? Darating pa kaya ang panahon na masusuklian nito ang pagtangi niya? O tatanggapin nalang niya ang katotoohanan na hindi talaga sila para sa isa't-isa?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Isang masigabong palakpakan para sa ating bagong Gobernador, Warren... Niklaus… Ardiente!" Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong lugar. Nakatayo naman sa ibabaw ng entablado si Warren Niklaus Ardiente para magbigay ng kanyang pasasalamat sa mga taong bumoto sa kanya at naging dahilan kaya siya nanalo sa eleksyon. "Grabe ang gwapo talaga ni Gov Nik. Sobrang yummy pa!" Kinikilig na wika ng isang dalaga na kasama sa madla. "Sinabi mo pa! Nakita ko yan sa mansion noong nakaraan habang naliligo sa swimming pool, grabe ang matcho at ang kinis pa!" Segunda naman ng isa. Hindi maiwasan ni Victoria ang mapairap dahil sa inis. Sobrang gwapo din naman talaga kasi ni Governor Niklaus kaya ang dami niyang karibal. Halos lahat yata ng kababaihan sa La Paz ay may gusto sa binata. Napapitlag siya nang sikuhin siya ng kanyang katabi at matalik na kaibigan na si Jessa. "Kung makairap ka naman Tori akala mo ikaw ang asawa," natatawa pa nitong puna. Huminga siya ng malalim bago hinarap ang babae. "Eh kasi naman, kahit saan ako lumingon yan ang naririnig ko," reklamo niya. "Masanay ka na. Lagi namang ganyan." Wala na siyang nagawa pa kundi ang mapabuntong hininga nalang. Ilang sandali pa'y nagsimula ng magsalita si Nik kaya naman itinuon niya ang pansin sa lalaki na para bang isinasaulo niya ang bawat detalye ng mukha nito ay kung paano magsalita ang lalaki. "Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako dito ngayon. Kaya naman ipinapangako ko na hindi ko sasangayin ang ang inyong boto at susuklian ko rin kayo ng mabuting serbisyo." Muling napapalakpak ang mga nanonood kay Nik. Pati si Victoria ay nakipalakpak narin. Mas lalo pang nakaramdam ng paghanga sa lalaki. Sana matupad ang pangarap niya na makausap ito sa personal at makilala. Matapos nitong magsalita, muling bumalik sa upuan si Nik. Agad na nakakuha ng kanyang atensyon ang isang magandang babae na lumapit sa binata. Sandali pang nag-usap ang dalawa. Matagal na niyang sinubaybayan si Nik pero ngayon niya lang nakita ang babae. "Kilala mo ba yan?" Siko niya kay Jessa. Napasulyap naman ang babae sa direksyon ni Nik bago ito nagsalita. "Ah, baka girlfriend niya." Agad siyang nanlumo sa narinig. May girlfriend na si Nik? Subalit bago paman siya tuluyang makapag-emote, napaigik na siya sa sakit nang pitikin ni Jessa ang kanyang noo. "Aray!" "Aray talaga! Tumigil ka na sa kakapantasya diyan sa lalaking yan. Sa gwapo niyan imposible na walang jowa yan tsaka ang laki ng agwat ng edad niyan satin no? Hindi mo ba naiisip na kakatwenty mo lang tapos yang si Gov nasa thirty plus na? Ang tanda na niya para sayo. Para ka na niyang pamangkin o kaya bunsong kapatid!" "Grabe ka naman sa matanda," pagmamaktol niya habang hinahaplos ang nasaktan niyang noo. Isang pekeng ngiti ang sumilay sa labi ni Jessa bago hinawakan ang kanyang kamay at sinimulan na siyang hilahin palayo sa madla. "Teka lang Jessa!" Reklamo niya. "Kailangan na nating umalis. Wag ka ng magreklamo, makikita mo parin naman yang si Gov sa resort! Magtrabaho muna tayo." Labag man sa loob niya ay sumunod na siya kay Jessa at bumalik sa resort kung saan sila namamasukan bilang staff. Ngayong araw ay magiging abala sila dahil maraming VIP ang darating at isa na doon sina Governor Nik. "Saan ba kayong galing dalawa? Ang daming trabahong nakabinbin dito tapos kayo naglakwatsa pa!" Padabog na wika ng kanilang manager. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jessa habang napakagat labi siya. "Ikaw kasi eh!" Sikmat ni Jessa. "Nanood pa kasi kami ng speech ni Gov Nik, Ma'am," tugon niya sa mababang tono. "Hay naku! Magsikilos na kayo at bumalik sa trabaho!" Masungit nitong wika bago sila iniwan. Nang makaalis ang kanilang manager, agad na silang bumalik sa naiwan nilang trabaho sa resort. Naging abala na siya nang mga sumunod na oras lalo na at nakatoka siyang magserve sa mga customer ng resort hanggang sa inabot na sila ng gabi. Akmang ihahatid na niya ang inumin sa VIP nang makaramdam siya na pananakit ng kanyang tiyan kaya naman tumakbo muna siya sa banyo para magbawas. Ilang minuto din ang lumipas bago siya natapos. Naglalakad siya pabalik nang may mga boses siyang narinig dahilan para hindi na muna siya tumuloy at nagtago sa isang sulok. "Ito na ba ang drinks na para kay Nik?" Tanong ng isang boses. Nang marinig ang pangalan ni Nik, agad siyang sumilip para tingnan kung sino ang nagsasalita. Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang kaparehong babae na kausap ni Nik kanina sa entablado. Anong ginawa ng babaeng yan dito sa loob? "Opo, Ma'am. Ihahatid na po yan ng staff namin," sagot ng kanilang manager. May iniabot ang babae sa kanilang manager bago ito nagsalita. "Put this in Nik's drink. Be sure na siya talaga ang makakainom niyan, okay?" "Ano po ito, Ma'am?" Kinakabahan na tanong ng manager. Imbes na sumagot, inabutan ito ng babae ng isang puti at makapal na sobre. "I want to marry Nik and you will help me. Ang gagawin mo lang ay ipainom itong drinks sa kanya and I will do the rest. Don't worry, hindi mapapano si Nik diyan. Pampatulog lang yan kaya wala kang dapat na ipag-alala." Nagningning ang mga mata ng manager nang makakita ng limpak-limpak na salapi. Walang pag-aalinlangan siyang tumango at agad na itinago ang sobre na naglalaman ng pera. Naiyukom naman ni Tori ang kanyang kamao habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Nais nitong pakasalan ni Nik kaya may ipapainom ito sa lalaki na pampatulog? "Makakaasa po kayo, Ma'am," magiliw na wika ng manager at inihalo na ang ibinigay ng babae. "Good. Kapag naging successful itong plano ko, dadagdagan ko pa ang bayad ko sayo," anito bago naglakad paalis. Ilang sandali pa ang pinalipas ni Tori bago siya lumabas mula sa pinagtataguan niya. At gaya ng inaasahan niya, inutusan siya ng manager na ihatid mismo kay Nik ang inumin at siguraduhin na ito talaga ang makakainom. Patay-malisya naman siya at tumango bilang pagtalima sa utos ng manager saka dinala ang drinks sa labas. Habang naglalakad siya ay palihim niyang hinaluan ng inumin ni Nik ang isa pang baso bago siya tuluyang nagpunta sa VIP room. Kung inaakala ng mga ito na matutupad ang nais nitong makasal kay Nik, pwes hindi siya papayag! Kung kasal lang din naman ang usapan ay siya nalang! Bakit kailangan na sa iba pa mapupunta ang lalaki gayong pwede namang sa kanya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
317.5K
bc

Too Late for Regret

read
347.8K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.8M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
148.0K
bc

The Lost Pack

read
460.0K
bc

Revenge, served in a black dress

read
157.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook