Nanginginig ang kamay ni Victoria habang papasok siya sa loob ng VIP room. Sa wakas, makikita narin niya sa malapitan si Nik! Sana pala ay mas nagpaganda pa siya para maimpress ito sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago kumatok sa nakasarang pintuan. Nang may nagbukas ay inihanda na niya ang kanyang ngiti. Muntik pa iyong mapalis nang makitang ang babaeng nais na magpakasal kay Nik ang nakita niya.
"Oh, the drinks is here!" Magiliw nitong wika.
Palihim niyang sinipat ng tingin ang babae. Maganda din naman ito kung tutuusin. Mukhang yayamanin pa at sobrang kinis ng balat.
"Let her in, Andrea."
Kahit na hindi pa niya nakikita ang nagsasalita, alam niyang boses iyon ni Nik. Niluwangan naman ng babaeng nagngangalang Andrea ang pinto at tuluyan na siyang nakapasok.
"Magandang araw po," bati niya sa mga ito at inisa-isa ng lapag ang drinks na kanyang dala sa mga kasama ni Nik.
Nang matapat na siya sa lalaki, sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kulang nalang yata ay himatayin siya lalo na nang magsalubong ang kanilang mga mata.
"P—para po sa inyo, Gov... Special po yan ng resort namin... C—congratulations po sa pagkapanalo ninyo," nauutal niyang wika.
Nakita niya ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi nito na para bang natutuwa ito sa kanya. Kulang nalang ay maglupasay siya sa sahig dahil sa kilig.
Oh my God! Nginitian siya ni Nik!
"Thank you," kaswal nitong sabi.
Nais na niyang mapapadyak ng paa. Pati boses nito lalaking-lalaki talaga at napaswabeng pakinggan!
"Y—you're welcome po," nahihiya niyang sambit.
Ramdam na niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Andrea. Agad na sumalubong sa kanya ang isang matalim na titig sa mga mata nito na hindi niya pinansin.
"Para po sa inyo, Ma'am," aniya at inilapag ang drinks na hinaluan niya ng drinks na nakalaan kay Nik.
Matapos niyang maihatid ang drinks ay lumabas na siya ng VIP room. Maingat niyang isinara ang pintuan. Nang siya nalang mag-isa sa hallway ay kilig na kilig siyang nagtatatalon. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang ewan sa kung may makakita man sa kanya. Masaya siya at napansin siya ni Nik.
Ilang minuto din ang lumipas bago siya kumalma at tumayo malapit lang sa VIP room. Halos isang oras din ang inantay niya at parehong lumabas na sa VIP room sina Nik at Andrea.
Inaalalayan ito ng babae habang naglalakad pero halata narin na tila nahihilo ito kaya naman agad siyang lumapit sa dalawa.
"Ma'am, ako na po ang magdadala kay Gov sa cabin niya," magalang niyang turan.
Agad na umiling si Andrea. "No. No. I will do it myself," agaran nitong tanggi.
Nakita niyang halos mapapapikit na ang talukap ni Nik kaya naman lumapit siya sa lalaki at inalalayan din ito na makatayo ng maayos.
"W—what are you doing?" Tanong pa ni Andrea sa kanya.
Sakto naman at nakita niya si Jessa na papalapit sa gawi nila. Agad niyang tinawag ang kaibigan kaya't mabilis itong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo.
"Anong nangyayari?" Tanong pa ng babae.
"Nahihilo kasi si Ma'am Andrea. Pwede bang ihatid mo siya sa cabin niya," tugon niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jessa sa kanilang tatlo pero nang muntik ng mabuwal si Andrea ay wala ng napagpipilian pa ang kaibigan niya kundi alalayan any babae.
Bago tuluyang nakalayo ang dalawa ay pinandilatan pa siya ng mata ni Jessa na para bang tinatanong nito kung ano ang nangyayari. Sinenyasan naman niya ito na saka nalang siya magkukwento.
Habang papalayo na sa paningin niya si Andrea ay hindi niya maiwasang mapaismid. Nungkang papayag siya na maikasal ito kay Nik!
Huminga siya ng malalim saka dahan-dahan na naglakad papunta sa cabin nito. Pasuray-suray silang dalawa. Nahihirapan pa siya dahil may kabigatan ang lalaki.
Nang sa wakas ay nakarating na sila sa loob ng cabin nito, pabagsak na napahiga sa kama si Nik. Namumula na ang pisngi pati ang bandang leeg nito. Sigurado siyang hindi pa ganun karami ang nainom nito pero dahil nga may gamot na pampatulog ang inumin ng lalaki, knockdown ito agad.
Inayos niya ang unan at kumot nito subalit habang ginagawa niya ang bagay na iyon, wala sa sarili siyang napatitig sa gwapo nitong mukha. Parang nais niya iyong haplusin kaya iyon ang kanyang ginawa.
Ang haba ng pilikmata nito. Idagdag mo pa ang matangos na ilong. Pati labi nito mamula-mula. Ano kaya ang feeling kapag nahalikan siya nito?
"Sobrang gwapo mo talaga, Gov. Crush na crush na kita noon paman kahit na alam kong imposible na mapansin mo ako," malungkot niyang turan.
Pinagsawa niya ang kanyang sarili sa pagtingin sa mukha ni Nik nang sumagi sa isipan niya ang plano ni Andrea. Siguro kaya nito nilagyan ng pampatulog ang inumin para iset-up si Nik na may nangyari sa kanilang dalawa kaya kailangan itong panagutan ng lalaki.
Oh my!
Hindi pwede!
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi habang nag-iisip kung ano ang nararapat niyang gawin. Ilang sandali pa'y isang ideya ang pumasok sa utak niya. Dali-dali niyang hinubad ang suot na damit ni Nik. Hindi pa niya maiwasang madistract nang makita niya ang maskulado nitong pangangatawan.
Dati matanda na ang governor sa lugar nila pero ngayon may abs pa!
Matapos niyang mahubad ang damit ni Nik ay isinunod naman niya ang kanyang saplot. Ikinalat niya ang mga suot nila sa sahig bago siya sumampa sa kama at tumabi sa lalaki.
Nang yumakap na siya dito ay hindi niya maiwasang mapangiti. Bukod sa gwapo, sobrang bango din ni Nik! Hindi niya tuloy mapigilan na isiksik ang sarili niya sa lalaki.
Bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Ang importante hindi magtagumpay ang Andrea na yun sa binabalak niya!
Nasa ganung kaisipan siya nang tangayin siya ng antok. Hindi niya alam kung ilang oras siyang tulog. Nagising nalang siya dahil sa malakas na katok mula sa labas ng pinto. At dahil antok na antok pa siya, halos pikit mata pa siyang nagtungo sa may pintuan at binuksan iyon.
Subalit ganun nalang ang pagkagimbal niya nang makarinig siya ng sunod-sunod na flash ng camera. Doon na tuluyang nagising ang kanyang diwa at nakita ang ilang mga taong may dalang microphone at camera habang nakaharap sa kanya.
"Miss, anong relasyon mo kay Governor Ardiente?"
"Totoo ba na magkasintahan kayong dalawa at balak na ninyong magpakasal?"
"Live-in ba kayo ni Governor kaya kasama mo siya ngayon sa loob ng isang silid?"
Nanlamig ang buo niyang katawan lalo na at nakitang walang tigil sa pagkuha ng video at larawan ang mga ito sa kanya! Doon din niya napagtanto na tanging pánty at bra nalang pala ang suot niya!