Kabanata 3

1145 Words
Nagising si Nik na masakit ang kanyang ulo subalit hindi iyon ang nakakuha ng kanyang pansin kundi ang ingay sa kanyang paligid. Sapo niya ang kanyang noo at bumangon na mula sa kama. Nangunot pa ang kanyang noo nang makitang may mga taong may dalang camera ang nag-uunahan para makapasok sa loob ng silid. Doon na siya nahimasmasan at mabilis na nagpunta sa pintuan sabay hila sa babaeng halos hubo't-hubad na nakatayo sa may pinto at marahas iyong isinara. Pero kahit nakasara na ang pintuan, dinig parin niya ang walang katapusang tanong ng mga reporters sa labas. Nasapo niya ang kanyang noo. Damn! What the hell had just happened? Upon his confusion, dahan-dahang naibaling ang kanyang tingin sa babaeng nasa harapan niya. Sa hindi sinasadya ay sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. She's almost naked. Just wearing her undies. Maganda naman ang pangangatawan nito but the panty she's wearing had a pokemon design on it! "Anong nangyari?" Malamig niyang tanong. "G—gov..." Mahina nitong sambit. Ilang sandali siyang natahimik hanggang sa unti-unting nagsink in sa kanyang isipan ang lahat. "Fùck!" He hissed. "Get dressed!" Utos niya sa babae. Nagkukumahog naman ito sa pagdampot sa mga damit nitong nagkalat sa sahig at mabilis iyong isinuot. Siya naman ay nagsimula ng magbihis. Dinampot niya ang kanyang cellphone at akmang tatawagan ang kanyang ina subalit naunahan siya nito. "Ma—" "God damn it, Niklaus! What have you done! You're already at the news headline with a random naked woman in your cabin!" Singhal nito. Natigilan siya at marahas na napalingon sa babae na kasalukuyan na nag-aayos ng butones sa suot nitong damit. Did he just fell into this scheming woman's trap? "Magpapadala ako ng mga tauhan natin to drove those reporters at para narin makapag-usap tayo at magawan natin ng paraan itong isyu na pumutok ukol sayo!" Dagdag pa ng ginang at pinatayan na siya ng tawag. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang cellphone at mahigpit iyong hinawakan habang nakatingin sa babaeng marahan na naglalakad papunta sa may pintuan. Halos inisang hakbang lang niya ang kinaroroonan nilang dalawa saka marahas na hinawakan ang braso nito. "Where do you think you're going?" Naniningkit ang mga mata niyang tanong. Kinabahan naman si Tori sa nakikita niyang galit saga mata ni Nik. Parang balak yata siya nitong kainin ng buhay sa sama ng tingin nito sa kanya. "A—aalis na po ako. Uuwi na po ako sa amin," nanginginig ang boses niyang bigkas. Kagabi lang ay hindi naman siya natatakot pero sa sitwasyon na kinasusuungan niya ngayon, nanganagatog na ang tuhod niya. Ang akala niya ay siya lang at si Nik ang maghaharap para sa isang komprontasyon pero bakit may mga reporters na sa labas? "Who sent you?" Malamig na tanong ni Nik. Kakaupo lang niya bilang gobernador sa bayan nila. Hindi pa nga siya nag-iinit sa pwesto niya tapos masasangkot na siya sa eskandalo. This is just his first term! "P—po?" "Don't use that innocent card and answer me, damn it!" Hindi na niya napigilan ang magtaas ng boses. Agad na namuo ang luha sa mga mata ni Tori. Hindi niya aakalain na nakakatakot pala si Nik. "Ano? Hindi ka magsasalita?" "W—wala pong nagpadala sakin—" "So you crawled here in my bed and slept with me willingly? Tapos ano? Nagtawag ka ng reporters para magviral tayo sa buong bansa? Ganun ba ang ibig mong sabihin?" Gigil niyang asik. Kulang nalang ay yugyugin niya ang babae sa inis na nararamdaman niya. Ilang sandali pa'y isang anaag ang sumagi sa isipan niya. Naalala niyang ang babaeng ito ang staff ng resort na nagbigay sa kanya ng inumin. Sa kaisipang iyon ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ng babae at pinaharap sa kanya. "You put something in the drink you offered me," may diin niyang bigkas. Kita niyang tinakasan ng dugo ang mukha nito, palatandaan na tama nga ang hula niya. "Do you think you can get away with this? I will make you pay the price of your actions woman!" Sunod-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga ni Tori kasabay ng kanyang pag-iling. "P—pasensya na po. Hindi ko po sinasadya. Hindi naman po akin yung—" Nabitin sa ere ang sasabihin sana ni Tori nang makarinig sila ng katok mula sa labas ng pintuan. Sabay silang napalingon sa direksyong iyon at hinintay na magsalita ang sinumang nasa labas. "Gov, si Nestor to, napaalis ko na po ang mga reporters. Ready na din po ang sasakyan para makauwi na kayo." Marahas na binitawan ni Nik ang babae at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya si Nestor, ang isa sa pinagkakatiwalaan na tauhan ng kanyang Mama Natalia. "Let's go," aniya at nagpatiuna na sa paglalakad. "Gov, bilin din ni Madam Natalia na dalhin sa mansion ang babae." Salubong ang kilay niyang napalingon kay Nestor. "What for?" "Hindi ko po alam pero yun po ang utos niya." "Then drag her out then!" Aburido niyang wika at iniwan na ang dalawa. Atubili namang lumabas si Tori sa silid pero pumasok na doon si Nestor. "Halika na. Ayaw ni Madam Natalia na pinaghihintay ng matagal." "P—pwede po bang hindi na ako sumama, Kuya?" "Hindi pwede. Kahit na hindi ka sasama ngayon, ipapahanap ka parin ni Madam kaya mas mainam na wag kanang magmatigas," seryoso nitong turan. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumama nalang sa lalaki. Sa sasakyan ay nasa unahan nakapwesto si Nik habang siya naman ay nasa likuran. Tahimik silang lahat habang bumabyahe. Pabigat din ng pabigat ang tensyon na nararamdaman niya. Hindi niya inaasahan na ganito pala kagulo ang sitwasyon na sinuong niya. Ilang sandali pa'y pumasok na sila sa isang napakalaking gate. Sa pagkakaalam niya, ito na ang mansion ng mga Ardiente. Sila ang pinakamayaman sa lugar nila sa kasalukuyan. May magarang mansion. Malaking lupain. Malawak na koneksyon. Halos sabay-sabay lang silang bumaba ng sasakyan subalit nauna na si Nik na naglakad papasok. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Sinenyasan siya ni Nestor na sumunod na kay Nik. Kahit nangangatog ang tuhod niya sa pinaghalong kaba at takot ay tumalima siya. Sino ba namang hindi kakabahan? Mukhang meeting with the family ang peg niya! Nang tuluyan na siyang makapasok sa mansion, hindi niya mapigilan ang sarili niya na mapahanga. Ito na yata ang pinakamalaking bahay na nakita niya sa tanang buhay niya. Sobrang laki. Parang palasyo. Binuksan ni Nestor ang isang pintuan at itinulak pa siya papasok. Nang mag-angat siya ng tingin ay bumungad sa kanya ang medyo may edad ng lalaki at babae, ang mga magulang ni Nik—si Madam Natalia at Don Wilfred. Hindi lang iyon, naroon din si Andrea at masama ang tingin sa kanya. "Sit down, hija," ani Madam Natalia. "May mahalaga tayong pag-uusapan," anito at iminuwestra ang bakanteng upuan sa tabi ni Nik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD