Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Nik pero bago paman siya makaupo ay hinila na iyon ng lalaki palayo sa kanya.
"There's a lot of chairs out there. Doon ka maupo," malamig nitong turan.
"Niklaus," mahina subalit may diin na bigkas ng ama nitong si Wilfred.
Binitawan naman agad ni Nik ang silya kaya't doon na siya naupo at tahimik na yumuko.
"The situation is getting out of hand, Niklaus. Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo, pwedeng gamitin yan ng mga kalaban natin sa pulitika para patalsikin ka sa pwesto mo?" Panimula ni Wilfred.
Huminga naman ng malalim si Nik bago nagsalita. "Let's just pay the reporters and the station to stop airing the news."
"Do you think it will be a s simple as that?" Tanong naman ni Natalia.
"Then what do you want me to do?" Nayayamot ng wika ni Nik.
Isa lang naman ang dapat na sisihin dito. This woman beside him! Kung wala itong nilagay sa inumin niya, hindi siya mawawalan ng malay! He had a high tolerance when it comes to alcohol for fùcksake!
Hindi siya sinagot ng kanyang ina, bagkus ay ibinaling nito ang atensyon sa babaeng katabi niya.
"What's your name, hija?"
Dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Tori bago sumagot. "Victoria po."
"Victoria Perez po," mahina niyang sagot.
"How old are you?"
"Twenty years old po."
"This will do," anito na umani ng pagtataka kay Tori at maging kay Nik.
"What do you mean, Ma?"
"Since this matter is out of our hands now, you will marry Victoria—"
"What?! Are you insane?!" Ani Nik sa malakas na boses at marahas pang napatayo.
"This is the only way that we can fix things, Niklaus!" Sagot ng ina nito.
"And you're expecting me to marry that woman I barely knew?" Marahas na napasuklay ng sarili niyang buhok si Nik. "Ni hindi ko nga alam kung paano yan nakapasok sa loob ng cabin ko? Who knows pakana yan ng kalaban natin?"
And if she's not from the enemy, wala rin siyang planong magpakasal sa ngayon. He's not ready for that responsibility. Mas nais niyang maging binata hanggang sa magsawa siya but damn this woman and the situation he's in right now.
"Tama si Nik, Tita," singit ni Andrea at napatayo narin. "Hindi natin alam kung ano ang pinanggalingan ng babaeng yan! Baka mamaya may masama yang binabalak sa pamilya ninyo!"
Nais na magsalita ni Tori para ipagtanggol ang sarili niya pero hindi niya maintindihan at tila napipi siya sa kinauupuan niya.
Isang katok mula sa labas ang pumukaw sa atensyon nila kaya natigil ang mga ito sa pag-uusap.
"Come in, bukas yan," ani Wilfred.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Nestor na may dalang isang folder saka iniabot kay Natalia. Agad namang na sinipat ng ginang ng tingin ang laman ng mga dokumento. Matapos mabasa ang mga nakasulat doon ay saka pa siya nag-angat ng tingin.
"She doesn't have any involvement with our enemies in politics."
"Kung ganun ay ano pang hinihintay ninyo? Send that woman out, Ma!" Puno ng poot na wika ni Nik.
Hindi maiwasan ni Tori ang masaktan pero alam naman niyang kasalanan niya kaya wala siyang karapatan na magreklamo. Ang dapat niyang gawin ng mga oras na iyon ay tanggapin nalang ang galit ng lalaki.
"No. Since nandito narin naman ito, we will use this opportunity to pinpoint this whole mess towards the former governor nang sa ganun, hindi na siya makabalik sa pwesto sa susunod na termino. And besides, mas mainam din ang magiging partnership ninyong dalawa. It will be called a Cinderella love story. Mas mamahalin ka ng mga tao dahil hindi ka tumitingin sa estado ng napangasawa mo, Niklaus," ani ng kanyang ina.
Hindi naman makapaniwala si Nik habang nakatitig sa kanyang ina. He doesn't know what's going on in that head of hers pero kung anuman iyon, it's all bùllshit!
"Your mother is right, Nik. Besides, this is just temporary. We are just protecting your image," segunda ng kanyang ama.
Pabagsak siyang napaupo sa silya habang lihim naman na nagngingitngit ang kalooban ni Andrea. It should have been her but this scheming rat grabbed the opportunity instead.
"How about you, Victoria? Pumapayag ka ba sa alok namin?" Tanong ng ginang sa kanya.
Humigpit ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit. Hindi niya lubos akalain na ganito pala mag-isip ang mga taong nasa pulitika. Marumi kung maglaro. Sigurado naman siyang hindi ang kabilang partido ang may pakana nito kundi si Andrea. Malas lang nito at narinig niya ang pinag-uusapan nito at ng manager.
"P—pero, Ma'am—"
"Just think of this as a mercy, Victoria dahil kung sakali man na hindi ka pumayag, then we'll sue you nang sa ganun, sayo maibaling ang lahat ng sisi. The public will condemned you. Mamili ka," malamig na wika ng ginang.
Napalunok siya at marahan na tumango. "O—okay po. Pu—pumapayag na po ako."
Narinig niya ang sarkastikong tawa ni Nik habang halos maglabasan na ang litid sa leeg ni Andrea dahil sa inis sa kanya. Pero kahit na nagmumukhang pinilit siya ng ina ni Nik, ito rin naman ang isa sa pangarap niya. Mula paman noon, madalas na siyang managinip ng gising na ikinasal sila ni Nik at nagkaroon ng gwapo at magagandang anak.
Napangiti naman si Natalia. "Then it's settled then. Kami na ang bahala sa lahat. From the marriage contract up to the press release. All you have to do is act like a married couple when you're outside."
Matapos makapag-usap, inutusan ng mga magulang ni Nik na ipahatid na siya sa bahay nila. Tahimik naman siyang tumango at sumunod na kay Nestor. Habang naglalakad sila palabas, isang kamay ang humawak sa kanyang braso at marahas siyang hinila.
Nang lingunin niya kung sino iyon ay si Nik ang nakita niya. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon sa mga mata nito. Puno parin iyon ng pagkamuhi habang mariin ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Kulang nalang durugin iyon ng lalaki.
"So this is your plan huh? Set me up so you could marry me?" Sarkastiko nitong turan.
Napalunok siya. Kung sasabihin naman niyang hindi, parang nagsisinungaling narin siya sa sarili niya. Pero hindi naman niya talaga sinasadya ang lahat.
"Gov—"
"Wag mo akong magov-gov! Ito lang ang tatandaan mo, you may have succeeded crawling up here in our mansion pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo itong ginawa mo, Victoria. Mark my word. I will make your life a living hell with me until you beg me for your freedom!”