NYX Kanina pa ako pabiling biling sa higaan. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kay Atty. Revamonte. Kaninang pauwi kami ni Tam galing sa Skyline Villa ay tulala ako dahil walang ibang laman ang isip ko kundi siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang may-ari ng unit na nililinisan ko! Baka naman sinadya niya talaga na kunin ako? Tsk! Muling bumiling ako sa kama. Nag-iinit ang buong mukha ko. Hindi pa nga ako nakakaget over sa sinabi niya na naging mag-asawa kami pagkatapos ay pinapakilig niya na naman ako! Grabe, Nyx! Ang galing mong pumili ng aasawahin ah! Ang gwapo na nga tapos mukha pang matalino! Hindi matapos tapos ang kilig ko kaya sobrang tagal ko tuloy na nakatulog. Kinabukasan ay isa na namang problema ang dumating kay Tam. Balak ng Mama niya na

