PRIAM “Fire her immediately.” Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa iritadong mukha ni Lorcan. Sinabi ko sa kanya na gumagawa ng paraan ang nanay ng mga anak ni Mr. Akiyama para bayaran ang utang nila sa RCE. “Who?” tanong ko. Gigil na tinapunan niya ako ng tingin. “Nyx Larsen. I know she is working as your part-time cleaner in Skyline Villa, Priam. I need you to fire her immediately.” Mukhang determinado na siya sa gusto niyang iutos sa akin pero paano naman ang pabor na hiningi ni Nyx sa akin? “I can’t for now. Just give me a month,” sambit ko habang diretsong nakatingin din sa kanya. Nagmura si Lorcan at saka mas lalong nagalit. “The Sanctuary is currently cooking something against the Van Doren, Priam. Kailangan mong mag focus sa susunod na ipapagawa nila sayo dahil hindi ito

