NYX Pagdilat ko ng mga mata ko isang umaga ay bumalik na ang lahat ng mga alaala na pansamantala kong nakalimutan. Mga alaala na minsan kong hiniling na sana ay hindi na lang nangyari. Ni hindi ko na magawang umiyak kahit na ramdam na ramdam ko sa dibdib ang bigat ng mga pinagdaanan ko sa nakalipas na taon. Huminga ako ng malalim at saka pilit na kinalma ang sarili. Nakita ko sa tabi ko si Tam na mukhang tulog na tulog pa. Muling huminga ako ng malalim at napatango-tango habang nakatingin sa kanya. Hindi ako pwedeng manatili sa tabi niya dahil siguradong mapapahawak rin siya kagaya ng mga taong napalapit sa akin. Pero hindi ko siya pwedeng iwanan na hindi ako nakakasiguro na safe siya. Hindi ako pwedeng umalis at hayaan si Tam sa isang komplikadong sitwasyon. Dahan-dahang bumaba ako

