PRIAM Bago ako umalis papunta sa Germany ay inayos ko ang mga dapat kong ayusin dito sa Pilipinas at kasama na doon ay ang hiling ni Nyx na tulungan ang kaibigan niya na ‘wag magpakasal sa lalaking hindi nito gusto. I let Yke Romualdez and their company handle the matter with Mr. Akiyama’s property. Sinunod ko ang gusto ni Filipp na sumunod ako sa Germany pagkatapos ng isang buwan pero hindi ko inaasahan ang eksena na nadatnan ko doon. Lumabas si Filipp sa kwarto na nakatakip ang kamay sa bibig. Para siyang sukang-suka habang mabilis na bumababa sa hagdan. “What happened?” kunot ang noo na tanong ko. Umiling siya at saka tinuro ang kwarto kung saan siya lumabas. Litong-lito ako kung bakit ayaw niya akong papasukin sa mismong kwarto niya. “Don’t enter that fūcking room, Priam!” Mariing

