NYX Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Astrid. There is obviously a part of me that’s saying that I know her well. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maalala at ang mga sinasabi niya sa akin. Pero may mga pagkakataon na nananaginip ako ng kung ano-ano pero hindi ko sigurado kung talaga bang nangyari ang lahat ng iyon sa akin dahil masyadong nakakatakot. Kagaya na lang ngayon na nagising ako sa isa na namang masamang panaginip. Puro putok ng baril ang naririnig ko at maraming mga tao ang pinapatāy sa harapan ko mismo. I don’t understand why I am having such nightmares. Hindi ko naman kilala ang mga taong involved at mas lalong hindi ko kilala ang lalaking pumapatay sa mga taong nakikita ko sa panaginip ko. “Baka naman battered girlfriend ka dati?”

