NYX “Paano ba kasi akong nag apply na katulong ninyo? Ni hindi nga ako marunong maghugas ng pinggan, Tam!” Tatlong baso ang sunod-sunod na nabasag ko kaya nagmamadali na nililigpit namin ngayon ni Tam ang mga nabasag na baso bago pa kami abutan ng Mama niya. Sa bahay namin ay dalawa ang dishwasher kaya kahit na maiwan pa akong mag-isa doon ay hindi ako mano manong maghuhugas ng mga pinggan kaya hindi ako makakabasag. “Ang sabi mo kasi okay lang sayo na maging katulong basta dito ka titira kasama ko,” sagot niya. Huminga ako ng malalim. Mukhang wala rin talaga akong choice kundi ang tumira muna dito dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Tumutulong naman sa akin si Tam sa mga gawaing bahay kaya hindi na rin naman masama. Kakatapos lang naming magligpit ni Tam nang tumawag na naman s

