NYX “Marry me.” Ilang sandali pa akong natulala matapos marinig ang sinabi ng lalaking mukha namang seryoso pero hindi siya pwedeng maging seryoso sa sinabi niya na pakasalan ko siya! Not when he knew that I am Kiran’s fiancée! “Did your brain cells freeze because of the cold weather here in Germany?” Nakasimangot ako habang nakatingin sa kanya. Seryoso pa naman ako sa pagtatanong sa kanya kung ano ang gusto niyang kapalit para pabalikin niya ako sa poder ni Matilda pagkatapos ay bigla na lang magyayaya na magpakasal! Hindi siya lumingon sa akin pero kinabig niya ang manibela at saka hininto ang sasakyan sa isang tabi. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. “Kanina mo pa binabanggit ang tungkol sa malamig na klima dito sa Germany. Do you want me to warm your body up?” Diretso

