NYX Kunot noo ako habang nakatitig sa mukha ng lalaking bumili sa akin sa halagang sampung bilyon. Kilala ko na siya noong nasa Pilipinas pa kami pero ngayon na nandito rin siya sa Germany ay hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko tungkol sa kanya. Did he follow me here in Germany all the way from the Philippines? Pero bakit? Bakit niya naman ako susundan dito dahil lang sa ilang beses na may nangyari sa amin? “Do you like me?” Wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa mukha niya. Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya ako susundan dito kundi iyon lang! Medyo nakakaduda pa nga na may gusto lang siya sa akin kaya niya ako sinundan dito. “Do you want me to like you?” Tanong niya pabalik kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko. “Of course not! Alam

