NYX “Ito yung susuotin ninyong dalawa ha? Ako ang pumili ng style ng mga yan! Ang ganda diba?” Mukhang proud na proud pa si Dyosa habang pinapakita sa akin ang dress na susuotin namin ni Xanthe. Unang kita ko pa lang ay alam ko na kung bakit sobrang seductive ng mga dress na gusto nilang ipasuot sa amin. They badly want to sell us off! Sa inis ko ay muntik ko na namang batukan si Dyosa pero pinigilan ko ang sarili ko. Tauhan lang din siya dito at sumusunod lang sa utos ni Matilda kaya wala siyang choice kung hindi ang sabihin sa amin ang mga gustong mangyari ni Matilda. “‘Wag kang mag alala kasi mukhang binata pa at gwapo yung bibili sayo!” Nawala ang tingin ko sa mga dress na nasa ibabaw ng kama. Mukhang nasobrahan sa pagiging seductive ang mga dress dahil kulang na kulang na nga sa

