NYX Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog dahil laman ng isip ko ang mga napag-usapan namin ni Dyosa. Pagalaw galaw si Xanthe at mukhang mababaw ang tulog kaya napapatingin ako sa kanya. The truth is, I admire her for being strong. Batang-bata pa siya at punong-puno ng pangarap. And she wanted to get out of here to chase her dreams. Kaya paano ko namang ipagkakait sa kanya ang makalaya sa lugar na katulad nito? Muling napatitig ako sa mukha ni Xanthe at saka naalala ang mga napag usapan namin ni Dyosa kanina. Ang sabi niya ay may buyer na darating bukas para bilhin si Xanthe. At mukhang VIP ang kliyente na nagbabalak na bumili sa kanya kaya siguradong makakalabas na siya dito. God knows how badly I wanna get out of here and find out what happened to Zia. Pero hindi ko magagaw

