NYX Sa bawat pagtunog ng burner phone na hawak ko ay kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Halos dalawang linggo na simula noong nabaril si Priam at hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Ni hindi ko siya pwedeng puntahan dahil kabilin-bilinan niya raw kina Kuya Filipp at Daddy na ‘wag na ‘wag akong papalapitin muna sa kanya. Feeling ko ay naubos na ang mga luha ko sa kakaiyak. Dalawang linggo na akong parang nahihirapan na huminga habang iniisip ang pwedeng mangyari kay Priam. Araw-araw akong nagdadasal na sana ay magising na siya. Magising lang siya ay hindi na ako hihiling pa ng kahit na ano para sa sarili ko. Kahit na sarili kong kaligayahan ay babalewalain ko. Just give him another chance to live. Please… I wouldn’t be greedy and I will just keep my distance. Dahil hinding-h

