NYX “Rouie, that’s enough for today.” Hindi ko na mabilang kung nakailang saway na ako sa kanya na tumigil na sa paliligo pero sa tuwing sasawayin ko ay parang iiyak na hindi ko mawari kaya hinahayaan ko na lang! Pero ngayon ay malapit ng lumubog ang araw pero ayaw niya pa ring magpaawat sa paliligo! Kaninang after lunch pa siya nagsimulang magbabad sa tubig, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil. At mukhang wala pa talagang balak tumigil dahil masyadong pang energetic! “Shìt… Giniginaw na talaga ako…” Kanina ko pa nararamdaman na halos manginig na ang katawan ko sa ginaw. Hindi pa naman ako sanay sa lamig kaya alam kong hindi talaga sa akin nagmana si Rouie! Kanina pa siya langoy nang langoy at parang hindi man lang napapagod! Kahit kapag kumakain ng snacks ay hindi man lang uma

