NYX Literal na masakit ang katawan ko nang magising ako kinabukasan. Hindi ko alam kung anong oras na kaming natapos ni Priam. Sa sobrang antok at pagod ko ay pagkalabas ko galing sa banyo ay nakatulog agad ako. Ngayon ay parang kulang na kulang ang tulog kaya hanggang sa kumakain na kami ng breakfast ay hindi ko mapigilan ang paghikab nang paulit-ulit. Hindi rin ako makakain sa sobrang antok kaya halos hindi ko mabawasan ang kinuha kong pagkain. “Are you still sleepy, Yaya?” Napatingin ako kay Rouie nang magtanong siya. Nakita ko rin na sumulyap sa gawi ko si Priam na tahimik lang na nagkakape habang may binabasa na kung ano. “Yes, Rouie. I think I need to continue sleeping after breakfast,” wala sa loob na sagot ko. “But you aren’t supposed to sleep during working hours, Yaya. That

