A year later… NYX Sunod-sunod ang naging panaginip ko simula noong nagkaroon kami ng one-on-one counseling ng bagong psychiatrist simula pa noong nakaraang linggo. Mag-iisang taon na ako dito sa asylum at matagal tagal na rin akong naka-adjust simula noong nalaman ko ang katotohanan na hindi ito langit kundi isang mental hospital. Oo. Buhay pa ako pero parang daig ko pa ang namatay at muling nabuhay dahil wala akong maalala tungkol sa sarili ko kundi ang buong pangalan ko lang! Pero pagkatapos ng ilang session ko sa bagong psychiatrist ay may mga napapanaginipan ako na pamilyar na pamilyar sa akin. Pakiramdam ko ay hindi lang basta panaginip ang mga ‘yon kundi mga alaala sa nakaraan ko. Kagaya na lang ngayon na nagising na naman ako galing sa isang sobrang pamilyar na panaginip. Nasa

