NYX Madaling araw ay ginising ako ni Astrid at sinabing pinapatawag kami ng director nitong asylum. Sa totoo lang ay hindi ko pa naman nakikilala ang nagpapatakbo nitong asylum dahil madalas ay puro doktor ang pumupunta dito at humaharap sa amin. “Ngayon na agad?” Inaantok pa na tanong ko dahil hindi ko maisip na posibleng pumunta dito ang director ng ganito kaaga. Alas dos pa lang ng madaling araw at siguradong tulog na tulog na ang mga patient na kasama namin. “Oo! Bilisan mo! Nagmamadali siya baka umuwi na ‘yon!” Mahina pero mariin na utos sa akin ni Astrid. Kahit na antok na antok pa ako ay bumangon ako at sumunod sa kanya “Pilitin mong ‘wag makagawa ng ingay habang naglalakad tayo.” Narinig ko pang bilin ni Astrid sa akin habang palabas kami dito sa kwarto. Tumango lang ako at gin

