NYX After three days, Zia is still unreachable and Kuya Filipp is nowhere to be found. Hindi na ako mapakali lalo na at ayaw ibigay ng chief surgeon ang location kung saan sa Germany nag-training sila Zia. Hindi ko rin pwedeng pilitin siya na sabihin sa akin dahil siguradong makakarating kay Kiran at mas lalo lang na magiging komplikado ang lahat. Baka mamaya ay pati ang pamilya ni Zia ay madamay pa kung magpupumilit akong mag usisa tungkol sa kanya. Namimilog ang mga mata ng pediatric assistant ko na si Leesha nang puntahan ko siya sa bahay nila. “Doc? A-ano pong ginagawa mo dito?” Halatang kabado siya nang makita ako. Siguradong hindi niya inaasahan na pupuntahan ko siya sa bahay nila para lang makausap. Halos lahat ng natandaan kong empleyado ng Van Doren Hospital na nakita ko sa br

