NYX Nagkakagulo ang mga bisita ni Kiran sa event hall ng penthouse ng mga Van Doren at nag-uunahan sa paglabas kaya nang may humila sa kamay ko papasok sa elevator ay saka lang ako muling nakapag isip. “What–” Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala na natulala sa mukha ng lalaking kanina lang ay kasama ko sa comfort room! Kinagat ko ang ibabang labi at agad na tumalikod sa pinto nang makita na may iba pang tao sa labas ng elevator. Pero ang lalaking kaharap ko ay may kung anong ginawa kaya agad na sumarado ang pinto kaya kaming dalawa lang ang nakasakay! “Ikaw na naman?!” Mariing reklamo ko habang nakatingin sa kanya. Gwapong-gwapo at very manly sana siya sa itsura niya ngayon pero hindi ko magawang unahin ang pamumuri sa itsura niya dahil kabado ako sa sitwasyon namin. “Na naman

