NYX Ramdam ko ang galit ni Kiran dahil sa hindi inaasahan na pangyayari noong gabi ng bachelor party niya. Kuya Filipp informed me that Kiran has been hitting his men, tormenting their staff at the Van Doren Building and even killing people who annoys him! Isang linggo na kasi ang nakalipas pero hindi pa rin matukoy ng mga tauhan nila kung sino ang naglagay ng pekeng bomba sa event hall ng penthouse. Inis na inis si Kiran dahil hangga’t hindi nahuhuli kung sino ang may pakana ng paglalagay ng pekeng explosive device ay hindi siya makapunta sa penthouse, sa takot na totohanin ng kung sinong may pakana ang paglalagay ng bømba doon. “Dad suggested that you should come to Red Lily tonight.” Kulang na lang ay magdikit na ang dulo ng mga kilay ko nang marinig ang sinabi ni Kuya Filipp. Naka-

