I:

1454 Words
RAD Kasabay nang pagmulat ko ng aking mata ay ang pagtunog ng aking alarm clock. Hinayaan ko lang itong tumunog habang nakatingin ako sa kisame ng aking kwarto. Panaginip. Isa nanamang hindi maipaliwanag na panaginip. "Ugh." I groaned at napaupo na sa aking kama habang hinihilamos ang palad ko sa aking mukha sa inis na nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ba itong mga napapanaginipan ko, malabo ang mga imahe pero alam ko na parehong mga tao lang ito. Inabot ko naman ang phone ko and called a friend. "Good morning, how are you?" Tanong ni Den sa akin. "I had that weird dream again." Sagot ko at hinilot ang sentido ko. "Can we meet near your workplace? Call Jia na din. Maliligo muna ako then deretso na ako dyan maybe I'll be there after 1 hour and a half." "Okay, mag-ingat ka." Ibinaba ko na ang tawag at agad agad na din ginawa ang mga dapat kong gawin. Nang makatapos ako ay nagtungo ako agad sa lugar na sinabi ni Dennise, kasama na niya si Jia nang makarating ako. "So what happened?" Takang tanong ni Jia saka uminom ng kape niya. "Remember the weird dreams I'm having? Meron ulit kagabi and this time hindi ko alam pero parang nagpapaalam na yung isa sa kanila, alam ko hindi dapat ako affected pero nasasaktan ako. Para bang sa akin siya nagpapaalam." Paliwanag ko kay Jia. "Meron naman talagang mga panaginip na ganun diba? Minsan nga maiiyak ka e." Sabi ni Den. "Oo pero kilala mo yung mga tao sa panaginip mo kaya affected ka, pero these two people who kept popping in my dreams, I don't have a clue who they are." Napapikit na lang ako ng mariin dahil obviously, na-aannoy na ako. Nakakastress naman kasi nung hindi sila nagkatuluyan nung una dahil na-inlove yung isa dun sa isa kung kailan may bago na. I mean, bakit ganun diba? "I have a friend who I think could help you." Sabi ni Den saka tumingin sa relo niya. "I still have time, malapit lang naman yun. Ano, tara?" Tanong niya. "Baka naman mahal maningil yan? Alam mo namang kuripot itong kaibigan natin." Natatawang sabi ni Jia. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano e. "Haha, very funny Ji." Inirapan ko siya at tumawa lang sila. "She's Weird, hindi siya nagpapabayad usually but might ask something out of this world." Sagot ni Den at tumayo na. Sinundan lang namin siya ni Jia hanggang sa parking ng hospital na pinagtatrabahuhan niya. She then brought us sa isang 2 storey building saka dire-diretsong naglakad papasok. "Den, ano ba itong pinuntahan natin?" Tanong ko dahil hindi naman mukhang hospital or clinic ito dahil wala man lang receptionist. Parang 2-storey condo siya, ganun or apartment. "Kalma ka lang." natatawa niyang sagot. "We're here." Sabi niya at binuksan ang isang pinto. Nang makapasok kami ay nakita naming nakapatong sa lamesa ang mga paa ng doctor habang prenteng prente siyang kumakain ng Mansanas niya. Maputi siya, naka pixie cut at may suot na big round glasses, mukhang mahinhin unless makita mo ang pwesto niya ngayon. Tinignan niya lang kami, wow napakaprofessional niya ha. [insert sarcastic tone] "You haven't even change one bit." Sabi ni Den sa doctor. "What brought you here Dr. Lazaro?" Tanong ng doctor. "Not me, never akong magpapatingin sayo." Natatawang sabi ni Den kaya napatingin ako sa kanya with weird look. Bakit niya ako dadalhin sa taong di niya naman pala ipagkakatiwala ang buhay at katinuan niya? Ipinagkanulo niya na ba ako? Den pushed me at pinaupo sa upuan malapit sa desk ng doctor. Binaba naman nito ang kanyang mga paa at isinahod ang pisngi niya sa palad niya. Nagpaalam naman si Den na sa labas na ako hihintayin, ayaw ko man ay na-isara na agad niya ang pinto. "Hi. I'm a busy working person kaya ano bang problema?" She smiled and munched on her red apple. "Uhm, I'm having dreams pero they're more of a scenarios. Each and every dream made me feel uneasy every morning specially pag masakit yung nangyari sa panaginip ko." Salaysay ko sa doctor. "Then?" Tanong niya at sumandal sa swivel chair niya. "Ano, tsaka ramdam ko yung saya, yung kilig, saka yung lungkot. Feeling ko ako yung isa sa kanila." Because I really do feel. "Pwede ba yung ma-look forward ko yung future?" Tanong ko. "Pwede tapos masasabi mong deja vú pero it's not your case." Sinasabi niya yun habang nginunguya yung apple niya. Ayaw niya ba ako seryosohin? "Do you believe in reincarnation shits or whatsoever?" "What?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "From what I have studied, that people in your dreams might have promised the other kaya ganyan. Do you want to know the story behind your dreams? I mean, I could help you if it makes you curious." the doctor smiled creepily. "Reincarnation? Nagpapatawa ka ba or baka naman Doctor Quack Quack ka lang?" Natawa naman siya. Seriously? Naniniwala siya sa mga ganoong bagay? "First of all, a doctor brought you here in recommendation, which is a good friend of mine. Second, no I'm not Doctor Quack Quack, I'm Doctor Weird." Sabi niya saka ngumiti. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanyang name plate. Mikaela Aira S. Weird. "Ah so you really are Doctor Weird, akala ko sabi ni Den weird ka." Nahihiya kong pag-amin kaya tumawa siya nang bahagya. "My name doesn't matter, we could talk about me next time, so do you want me to help you or not?" Tanong niya. "Ye-yeah sure." Alanganin kong sagot. "Pikit ka muna, relax." She smiled. Huminga muna ako nang malalim at pumikit, pinapakiramdaman ang paligid. Hinilot niya muna ang sentido ko, infairness ang gaan ng kamay niya at ang sarap nang hilot niya. Nagulat na lamang ako at napamulat ng mata when I felt her groping my breast. "What the hell?! p*****t!" Sigaw ko at tumayo saka inihampas ang shoulder bag ko sa kanya. "Wait, yung bayad mo!" Natatawang sabi ng doctor. "Leche!" Then I raised my middle finger sa sobrang inis at ibinagsak ang pintuan ng clinic niya. "Oh? Tapos na agad?" Tanong ni Den. "Den! Ugh! Wait lang." sabi ko kay Den at binuksan muli ang pintuan ng silid nung doctor na walang hiya. "Hindi ka weird, manyak ka. Leche ka." Balik ko sa doctor at tuluyan nang isinara ang pinto. "Oh, so I guess hindi maganda ang nangyari." Sabi ni Den. "Nasaan si Jia?" Tanong ko. "Na-annoy dun sa isang doctor." Napailing si Den. "Ayun, nilayasan ako sa sobrang inis niya. Baka nasa McDo lang yun." Sabi nito. Napailing na lang ako at niyaya na lang din siya magpalamig muna, sobrang nakakainit ng ulo yung doctor na yun. ***** Beatriz I was on my way papunta sa clinic ni ate when I saw a familiar figure. She was with someone sa labas ng office ni ate, siguro may patient pa siya. "Hi Jia!" Masigla kong bati at halata naman ang gulat sa mukha niya. "What are you doing here?" Tinaas niya ang isang kilay niya habang sinasabi yun. "Ah, come on, galit ka pa rin ba because of what happened noon?" Awkward kong tanong sa kanya. We were rivals kasi noong highschool kami. We never saw each other as friends kahit magkaklase kami, I worked my ass off just to piss every inch of her everytime na mauungusan ko siya sa klase. I aced every exams at wala ni isang subject noon na lumamang siya sa akin kaya ang tawag sa kanya minsan e Miss no. 2. But that was a thing of the past naman na siguro diba? I mean, ang tagal na nun, mga bata pa kami noon, mayabang pa ako nung mga panahong yun, aminado naman ako. "Sorry na Ji. I thought okay na tayo nung grumaduate tayo ng highschool. It's all in the past naman na." I smiled papily and offered my heart, I mean hand. "Friends?" "Said who? Not even in your wildest dream Beatriz." Tumayo siya at naglakad papalayo. Gusto ko sana siyang sundan pero knowing Jia, hindi rin naman magbabago ang isip niya in an instant, maybe next time. "Haaaay." Napabuntong hininga na lang ako at napailing. "Wow, I never saw Jia that pissed." Sabi ng kasama niya. "Sorry for that, maiwan ko na muna ikaw." I smiled at her at nagtungo muna sa CR dahil biglang kumatok ang pantog ko. Nang makalabas naman ako ng CR ay nakita ko na may babae sa may pinto ng clinic ni ate. Yung kasama siguro nila Jia ito. "Hindi ka weird, manyak ka. Leche ka!" Natawa na lang ako, magkapatid nga talaga kami. We're good siguro sa pang-iinis ng mga tao. I wonder how many peeps out there are annoyed just by hearing  or seeing us breathe. "What was that?" Tanong ko kay ate na parang tangang tawa nang tawa. "Ah wala, pasyente lang. I thought her boobs were fake kaya I groped them." Paliwanag niya kaya naface-palm ko na lamang ang sarili ko. "Siraulo ka talaga." Iiling-iling kong sabi sa kanya. "Sus, she'll be back Beatriz, she needs me." Sabi ni ate at umismid.  Maybe we really are Weird sisters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD