II:

1661 Words
RAD Nagtungo na kami ni Den kung nasaan si Jia dala dala ang mga inorder naming pagkain. Tulala naman siya nang tabihan namin, para bang malalim ang iniisip dahil napakalayo nang tingin niya at hindi man lang namalayan na nakaupo na kami sa harapan niya. "Hoy, ano na? Sino ba yung kausap mo kanina?" tanong ni Den sa kanya. "Ano bang nanyari?" usisa ko. "I saw an old classmate of mine. She lives and breathe just to piss me off." sabi niya habang mini-murder yung chicken niya. "I never wanted competition naman, I'm good at being number two or kahit pang-ilan pa, pero for her to rub it in my face every goddamn time, what an asshole that Weird is." Salaysay niya. "Weird?" tanong ko at naalala yung hayop na doctor kanina. "Paanong weird?" "Not in that sense, she's Beatriz Weird." at sa narinig ko tuluyan nang nag-usok ang tenga ko. "Kapatid ng doctor mo kanina." "Oh really? Hindi ko alam na may kapatid pala si Mikaela." kumento ni Dennise. "Magkapatid talaga sila! Mga bwisit sa buhay." inis kong sabi at kumagat na sa Chicken Burger ko, nagugutom na talaga ako. "Grabe ka! Napakabait kaya ni ate Mika. Siya nga ultimate girl crush ko e. Sobrang simple niya pero nakakastarstruck." Sinabi niya talaga yun with dreamy eyes. "Manyak yung crush mo. She f*****g grope my ..." sabay turo ko sa dibdib ko at tinawanan lang ako ng mga bruha. Napaka walang hiya talaga paminsan ng mga kaibigan ko. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain at pilit kinalimutan ang nangyari kanina. Nanggigigil pa din ako sa manyak na doctor na yun. Hinding hindi na ako babalik sa clinic niyang iyon. Kahit ba siya lang ang makakatulong sa mga panaginip kong ito. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin kung hindi ko papansinin yung mga panaginip ko diba? After having lunch ay umuwi na ako sa tinutuluyan ko para makapagpahinga dahil sobra akong stress ngayong araw. Kaka-resign ko lang sa trabaho ko dahil hindi naman maganda ang patakaran, pero maigi na lang at may nakuha na akong interview agad bukas. Nakahiga na ako at nakatingin lang sa kisame. Minsan iniisip ko ano bang silbi ko dito sa mundo, wala naman akong kasama sa buhay, bakit ba hindi na lang ako isama ng mga magulang ko na sumalangit na? Napailing na lamang ako at nagpasya nang matulog. ***** Maaga akong nagising at agad na akong nag-ayos ng aking sarili para sa aking interview. I need a job para naman ma-idivert ko yung mga isipin ko at para pangtustos sa sarili ko. Sumakay na ako ng Jeep papunta sa opisina at masuyong naghintay hanggang sa matawag ang pangalan ko. "Ms. Dawson." Tawag ng isang babae. "Here po." Sagot ko at nginitian niya ako. "Kayo na po ang next." Tinanguan ko siya at saka siya sinundan patungo sa kanilang HR. Hindi naman na ako kinakabahan dahil nakailang ulit na rin ako ng mga interview dahil marami na din akong napasukang trabaho noon dahil working student ako. Bumungad naman sa akin ang isang lalaki na mukhang ka-edad ko lang. "Hi, Raine Athena Dawson." He paused at tinignan ako sa mata saka ngumiti. "What a nice name." "Thank you po." Nginitian ko naman siya. "Your name suits you very well. Athena ha? Goddess of beauty." He smiled playfully kaya na-awkwardan ako. Is he trying to hit on me? Isa pa hindi naman goddess of beauty si Athena. Ngumiti na lang ako bilang sagot. Nakaramdam naman siya at nagproceed na din kami sa interview. It went smoothly kaya confident akong matatanggap naman ako, maghihintay na lang ako ng callback. ***** May babaeng naglalakad papunta sa dagat, sa lugar kung saan siya niligtas ng kanyang kasintahan. "Mahal! Ang daya mo! May one month pa ako para makasama ka eh! Ang daya daya mo!" Sigaw nito. Hinagod naman ng isang matandang babae ang likod niya at niyakap siya. May kasama itong batang lalaki na ngayon ay nakatingin lang sa malayo. "Shhh... Tahan na anak. I'm sure she's happy na ma-iligtas ka para sa mga apo ko." Sabi ng matandang babae. "I'm sorry mommy. I'm sorry." sagot ng babae at yumakap nang mas mahigpit sa matanda. "I'm sure she's happy with Lala na. Baka nga nagbabasketball na silang dalawa." Biro pa nito. "Ma." tawag ng batang lalaki sa babae at may inabot na sulat. "Sabi ni mimi, ibigay ko sayo pag iniwan niya na tayo.". Binuksan naman ng babae ang sulat at binasa ito. Mahal ko,         And to you my ever loving and gorgeous wife, I love you and will always do. Again, if in another life we'll meet, I would still love you all over again. I would still choose you because no one else comes close to you. Hehe.  Take care of yourself for me an for our kids okay? I LOVE YOU ALWAYS MY QUEEN. :) I LOVE YOU MI AMORE, MY QUEEN, MY EVERYTHING. Niyakap naman ng matandang babae ang babae saka sila dinaluhan ng batang lalaki. ***** Napamulat ako ng mata at ramdam ko ang pagkabasa ng mga pisngi ko. Agad ko ding niyakap ang sarili ko dahil naramdaman ko mismo ang malamig na hangin nang magyakap ang mga taong nasa panaginip ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil ramdam ko yung sakit, hindi ko alam kung dahil ba nawalan na din ako, or nararamdaman ko lang mismo ang nararamdaman ng babae sa panaginip ko. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi iiyak na lang nang tuluyan itong nararamdaman ko dahil kahit paulit ulit kong i-deny, nasasaktan ako sa nangyari. I need that weird, no no s***h that, I need that p*****t doctor to help me. Hindi ko na ata kakayanin pa kung magpapatuloy ito. ***** Mika Nag-uusap kami ni Bea about sa plans namin this weekends. Isasara namin ang clinic para dalawin ang parents namin para sa kanilang Anniversary. "Don't you think it would be nice na may kasama na tayo the next time we would visit them?" Bea asked me kaya tinignan ko siya at inilapag ang braso ko sa lamesa at hinatak ang sarili ko papalapit sa aking table. "Beatriz, you know my stand on that." I smiled at her because the last time I brought one, puno lang nang sakit ang naramdaman ko.  I promised myself na if ever I would bring someone with me, that would be the one I'd spend my life with. Ayokong ma-attach ang parents namin sa mga panandaliang tao. "Ikaw kung gusto mo okay lang naman, malaki ka na, you don't need my consent." Nakarinig naman kami nang mabigat na katok sa pintuan ng clinic ko kaya nagkatinginan kami ni Bea. "I'll get the door for you." Sabi niya. "Dr. Manyak, I need your help." Bungad nung pasyente ko nung nakaraan. Napakunot ang noo ko, kailan pa naging manyak ang apelyido ko? "I think I need to go na muna sa clinic ko. See you later ate." Sabi ni Bea at iniwan na ako sa babaeng mataray kung tumingin. "You are?" Tanong ko dahil hindi ko naman nakuha ang name niya last time. "Raine Athena Dawson, you can call me Raine or Athena." Sagot niya. "Nope, I'd get to choose what I call my patients." I smirked and fiddled with my fingers. "I'd go for RAD. Have a seat ms. Dawson." Nakangiti kong wika sa kanya at kumuha ng apple sa gilid ng table ko. "Gusto mo?" "Hindi na, baka may lason pa yan." Masungit niyang sabi, this girl is something. "Why are you here?" Tanong ko at ikiniskis muna ang Mansanas sa damit ko bago ito kagatan. Nagshift naman ang mukha niya mula sa isang mabangis na tigre at naging maamong tupa. Iba talaga pag nangangailangan ng tulong. "I found myself crying dahil sa panaginip ko. Namatay yung asawa niya." Naging teary eyed naman ito kaya inabot ko yung tissue sa kanya. "Di ko kailangan ng tissue, don't judge me." Sabi niya. Gusto ko sanang matawa pero baka sakmalin niya ako. Tumayo naman ako at agad niyang tinakpan ang boobs niya, well that quite offended me. Naupo ako sa harap niya at nagde-quatro. "Are you ready na ba sa terms and agreements ko?" Nakangiti kong tanong sa kanya. "Bakit may ganun?" "Because I am the only one who can help you." I grinned at dahil gusto ko siyang asarin ay tinignan ko ang dibdib niya bago muling tumingin sa kanyang mata. "Di ko ibabayad katawan ko!" Matapang niyang sabi kaya hindi ko na napigilan ang hindi matawa. "Ah girl, you are hilarious." Napapahid pa ako ng luha dahil sa kakatawa. "Weekly session, and you would bring me apples and school supplies or food kung ano man mas convenient sayo." "What? Hindi cash?" Tanong niya. "Depende sa situation and people. I'll give you a great discount." I smiled at bakas ang takot sa mukha niya. "Let me feel them again?" "Bastos!" Tumayo siya at hinampas nanaman ang bag niya sa akin. Bago pa siya tuluyang makalabas ay hinawakan ko siya sa may bewang at iniharap sa akin. Ilang centimetro lang ang layo ng mukha niya sa akin at kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. My right hand wandered and grope one of her mountains kaya nasampal ako. Sinubukan niyang makawala kaya I pinned her on the wall. "You need me." I smirked at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Hindi ka makakatakas sa mga panaginip mo kung wala ako." "Uhm ate?" Biglang pasok ni Bea kaya napatingin ako dito. "What now Beatriz? You're ruining the mood you know?" Natatawa kong sabi and let RAD breathe for awhile. "I forgot my phone." Saka niya kinuha ang phone niya sa taas ng cabinet. "Sorry ha? My ate is quite mischievous talaga. Hawakan mo lang tenga niya when she's doing something weird." Sabi niya sa aking pasyente. I kicked Beatriz out of my room and went back kay RAD na hawak ko pa rin. Nagulat ako nang hawakan niya ang tenga ko kaya nabitawan ko siya at nakaramdam nang panghihina kaya napaupo ako. "Psh, yun lang pala sagot sa pagiging asshole mo. Now, let's go back to business, shall we?" She smirked. "Fine." wala sa loob kong sagot before grabbing her butt. "Ano ba!" Sabay palo niya sa kamay ko. "This is my energizer. So if you don't want me groping you, never ever hold my ears." Balik ko sa kanya. "You are impossible." "Nope, I'm Strangely Weird." I smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD