III:

1206 Words
Beatriz Inutusan ako ni ate maggrocery dahil una sa lahat, ubos nanaman ang cereals niya, and she can't live a day without having some. Since pera naman niya ito, sasamantalahin ko na rin makabili ng ingredients ng mga pagkaing pwedeng lutuin. I went to the fruits section para sana kumuha ng pinya, luckily may isa pa. Kukunin ko na sana iyon pero kamay ang nahawakan ko. "Sorry." sabi ko at napatingin sa gawi niya. "I'm taking this." sabi niya at kinuha na nga yung Pinya. "No. Ako ang unang nakakita." sabi ko kay Jia. "Ako ang unang nakahawak." pagmamatigas niya at nilagay na iyon sa cart niya. "Para kay ate yan." I smiled hopefully dahil alam kong crush niya si ate. She groaned saka inabot ang pinya sa akin pero nang kukunin ko ito ay binawi niya. "Ako na magbabayad para kay ate Mika." ngiting ngiti niya sabi kaya natawa ako dahilan para inirapan niya ako. "Di ka pa rin nagbabago." nakangiti kong sabi sa kanya. She's the same jolly Julia na nakilala ko noon. "Hey,  ano uhm can we go for a lunch? Catch up lang." I tried to be as friendly as possible, gusto kong bumawi sa mga kagaguhan ko noon. Tinaasan niya ako ng kilay. "Catch up? We are not even friends to begin with Beatriz." sinabi niya iyon with lifeless expression in her eyes, aaminin ko nalungkot ako, but I can't do anything for now kaya napabuntong hininga na lang ako. "I'm going." saka inabot ang pinya sa akin. Hinayaan ko na lang siya at nagtungo na sa counter para bayaran ang mga pinabili ni ate. Inuwi ko muna sa bahay ang mga iyon bago nagpunta sa clinic niya.  "Oh? Bakit ganyan mukha mo?" tanong ni ate. Naupo ako sa upuang nasa harap ng desk niya at inginudngod ang mukha ko sa lamesa niya. "Ate, galit pa rin si Jia sa akin." panimula ko. I never hid things away from ate. Nag-aasaran man kami but whenever I open up on her, she would always judge things equally and unbiased. Pag mali ako, mali ako but she would never discipline me since hindi niya daw responsibility iyon. Sasabihan lang ako to do better next time kaya kung ano man ako ngayon, it's because of her. She brought the best in me. "You like her, don't you?" tanong niya dahilan para mag-angat ako nang tingin. "La-la-like her?" di ko makapaniwalang tanong. "Charot lang, ang patola mo." Sabay tawa niya, I sighed in relief. "Lagi mo kasing binuburyo, ayan tuloy." "That was wayback highschool pa ate, I admit na asshole pa ako that time." Nakasimangot kong sabi sa kanya. "Hanggang ngayon naman ah?" Agad ko siyang pinalo pero naiwasan naman niya. "Mas asshole ka sa akin." Sagot ko at tinawanan niya lang ako. May kumatok naman sa pintuan niya kaya napatingin ako sa watch ko, bakit ang daming nagpapacheck-up kay ate lately?  "Good afternoon Dr. Manyak." ngiting ngiting bati sa kanya ng kaibigan ni Jia. Natawa naman ako kaya sinipa ako ni ate. "Hi, I'm Bea, kapatid po nitong baliw na ito. You are?" I stood up sabay abot ko ng kamay ko sa kanya. "Raine Athena." She took my hand for a quick shake at ngumiti. Gosh, makalaglag panty yung ganda niya. "Have anyone told you that your name suits you?" tanong ko pero muli niya lang akong nginitian. "Breezey af." side comment ni ate at binato sa akin yung karton nang ininom niyang Chuckie. "I prefer to be called Raine." sabi niya as she sat. "Why are you here? Sa Thursday pa schedule mo ah?" bored na tanong ni ate bago umismid. Nakaisip nanaman ng kung ano yan. "Miss mo na ako?" "Asa ka." tinaasan lang siya ng kilay ni Raine. "Hindi ba pwedeng araw arawin natin nang matapos agad?" "That's now how it works missy." Hindi ko alam kung bakit pero kahit pang gaguhan lang yung usapan nila ay kinikilig ako. I think I'll stay here muna sa room ni ate. ***** Mika She pouted her red lips, di naman niya kinacute yun. Napakamapilit niya, ilalagay niya lang sa isang malaking stress ang sarili niya. "If you really want to start now, we could but hindi pa rin pwede araw arawin." sabi ko dahil ayoko naman masaktan siya. This would not be easy and would be painful at times. "So do you want to proceed?" tanong ko. "Yes, I'm well prepared na din." saka niya tinakpan ang boobs niya kaya matawa tawa ang siraulo kong kapatid. "I'm not even in the mood for that RAD." I looked at her boringly and wore my round glasses. Kinuha ko naman ang pendulum ko and naupo sa harap niya. "Take a deep breath and relax." "Wala kang masamang gagawin ha?" wow sa trust issues. "Makikinig ka ba sa akin o papauwiin na kita?" natahimik naman siya at ngumiti. Napailing na lamang ako and started swaying the pendulum. "Sundan mo lang itong pendulum and listen to me and only me." tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko. As I sway the pendulum, I told her to dream of it once more simula sa una niyang panaginip and tell me what's happening. We could always dig the memories of our brains naman kaya it's possible plus our sub consciousness is a lot powerful. Maya maya naman ay nakatulog na siya and after 2 minutes ay may naikuwento na siya. Her stories are one sided, I could really conclude from here on na she's the reincarnation of that girl. As I snap my fingers, she woke up with uneasiness. This is the main reason kaya ayaw kong araw arawin. She would have anxiety attacks kaya I pulled her up at niyakap siya. "Chansing." rinig kong sabi ng kapatid ko kaya pinakyuhan ko lang siya. "Hey Rad, okay na." sabi ko as I try to calm her down. Hindi pa rin siya kumakalma kaya naman I'm down to my last resort and groped her butt, infairness malambot. It worked naman kaya agad akong nasampal. "You're welcome." Sabi ko at naupo na sa swivel chair ko habang hinihimas ang pisngi kong nasampal niya. Masakit besh. "Bastos ka talaga." galit niyang sabi kaya inabot niya ang tenga ko at hinawakan for atleast 5 secs kaya halos takasan na ako ng buo kong lakas. "I hate you." sabi ko while slouching. "I'm done for today, bumalik ka na lang next week para sa result. Umalis ka na and please, don't come unannounced ." sabi ko at tinalikuran siya. "Paano yung bayad ko?" tanong niya. "I told you to bring school supplies and apples diba." I reach for an apple na din sa may side table ko para kumalma, pinunasan ko muna bago ito kainin. "I-I forgot." "Then leave. It's the best you can do now."  I just did where her reflex would be at its peak dahil baka magbreakdown siya. She didn't have to hold my ear, sapat na yung nasampal ako. "I'm--" rinig kong sabi niya. "Uhm Raine, I really think you should leave now." rinig kong sabi ni Bea. "Hatid na kita, just double the payment next week." "Sorry." Bago pa siya tuluyang umalis ay tinawag ko ang pangalan niya. "One more thing, mag-ingat ka." sabi ko without looking pa rin. I heard the door clicked kaya humarap na ako at napabuntong hininga na lang. Hindi naman ako ganito magreact talaga, whenever Bea holds my ear ay hindi naman ganito kalala yung effect. Iba yung kay Rad, parang she's drawing the life out of me. I think I need to buy an ear guard na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD