XXVI:

1807 Words
RAD Inis na inis ako sa sarili ko sa nangyari, how could I let myself be that wasted and get laid. Napapikit ako nang mariin, pinipilit alalahanin kung paano nangyari yun na ganun ako kabilis nalasing? Pilit kong inaalala kung ilang baso ba ang nainom ko, masyado akong naging kampante sa mga nakapaligid sa akin, pesteng alak yan. Hindi ko alam paano ako haharap kay Mika, lalong hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Alam kong magagalit siya, sino ba namang hindi diba? Natatakot ako na iwan niya ako dahil dun, ayoko mangyari yun. Isang gabi lang yun ng pagkakamali. Papasok na ako ng trabaho ngayon, I still have to be professional kahit pa may hindi magandang pangyayari. Bumungad naman sa akin si Zeke at saka ako nginitian, inirapan ko lang siya, hayop siya. Wala akong mapagsabihan tungkol sa nangyari dahil sobrang kahihiyan ang dulot nun, ayokong may ibang makaalam, at lalong ayokong makarating iyon kay Mika na hindi ako ang nagsasabi. Nagtungo muna ako sa locker room para ilagay ang mga gamit ko doon, nagulat naman ako nang hapitin ako at isandal ako sa locker, mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko, masakit ang mga iyon. "Your moans are f*****g music to my ears, and I'd love to hear them again." bulong niya sa tenga ko dahilan para kilabutan ako. "Hayop ka." sambit ko at gustong gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya. "Bastos." "Ginusto mo yun." he smirked. Nakagat ko naman ang labi ko sa sobrang inis. "Hindi ko gugustuhin yun." sabi ko at pilit na nagpupumiglas. "A-ano ba?!" panlalaban ko sa pagtulak niya pero malakas talaga siya. Tumawa naman siya na parang tuwang tuwa siya sa nangyayari, hayop siya. "I'll play with you for a little while." sabi niya and let go of my hand. Agad ko siyang sinampal sa inis at umismid lang siya. "Leave me alone." I glared at him, binangga ang balikat niya and stomped my way out. Hanggat maaari ay iniiwasan ko si Zeke. Hindi ako nagpupunta sa locker ng ako lang mag-isa, palagi akong nagsasama ng kahit sino. Ginawa ko yun sa loob ng 2 araw, ngayon ang uwi ni Mika kaya naman hindi na ako mapakali, hindi ko talaga alam kung paano siya haharapin. Pauwi na ako, inis na inis ako sa pagbuntot ni Zeke sa akin, ano? Sarap na sarap at parang asong naglalaway kakahabol? Bwisit siya.  "Love." napaangat naman ang tingin ko dahil naghahalungkat pa ako sa bag ko, hindi ko naman alam na susunduin niya ako. "Oh? Di mo ko namiss?" sumimangot siya and opened her arms wide inviting me for a hug. Hindi ko na pinansin ang pag-ismid ni Zeke at niyakap na si Mika. I even planted a sweet kiss on her lips not minding people around us, and maybe covering up for my mistake, which I really wished was that easy. "Sobra kitang namiss." "How are you, labs? Bakit parang ang lalim ng eyebugs mo?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya . "Hirap lang ako makatulog love, nasanay na akong katabi ka e." I pouted. Totoo naman na nasanay na ako sa presence niya pero hindi iyon ang pinakarason kung bakit ako nahihirapan sa pagtulog nitong nakaraan. "Baka naman kasi may ibang iniisip." singit ni Zeke. Napatingin naman si Mika sa kanya. "Sino ka ba?" bored na tanong nito. "Kasali ka ba sa usapan para sumabat ka? Hindi ko hinihingi opinyon mo." Muli namang umismid si Zeke, takot naman pala siya sa girlfriend ko. "Bye, Raine. See you around." paalam nito. Inirapan lang siya ni Mika bago kumunot ang noo nito kaya plinantsa ko iyon ng kamay ko habang masuyo siyang nilalambing, hindi ko kayang sabihin kay Mika, hindi ngayon. Naglalakad kami papasok ng bahay nila, I poked her arms kaya tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. "Selos ka?" tanong ko na parang tanga sa kanya. Siguro nafacepalm na ng guardian angel ko ang sarili niya sa naitanong ko. "Hindi. Dapat ba akong magselos?" Well that backfired as expected. Umiling na lang ako at umangkla sa braso niya, I really do feel guilty, kinakain na ako ng kunsensya ko. "Mika." "Hmm?" "Ano kasi may—" I paused at naghahabol na ako agad ng hininga. Hindi ko talaga kaya. "May kasalanan ka noh?" inilapit naman niya ang mukha niya sa akin at pinaningkitan ako ng mata. "Ano—" subok kong hanap muli sa sasabihin ko. "Haha! I doubt that, love." she then kissed my forehead at umakbay na sa akin.  Tumingin ako sa kanya while she's not looking. Paano ko sasabihin kung ayoko siyang masaktan? Pero mas lalo lang siyang masasaktan kung ipagpapaliban ko diba? Pero ah, bakit ba kasi hinayaan ko mangyari iyon. Ang laki ng tiwala niya sa akin at sisirain ko lang dahil sa isang gabi ng kalasingan, but I swear, I f*****g swear na malakas ang tolerance ko. It was just a few bottles kaya parang sobrang imposible. Nawaglit na lamang ako sa aking iniisip nang makarating kami sa dining, nandito pala si Den; napakunot naman ang noo ko. Umiiyak siya habang inaalo ni Bea, tinanong din ni Mika si Den kung anong nangyari at napasugod sa kanila. Sa halip na sagutin si Mika ay niyakap ako ni Den kaya hinaplos ko ang buhok niya. "Den, anong nangyari?" nag-aalala kong tanong sa kanya. "Si L.A." she started sobbing. "Break na kami." sambit niya. Mika pulled Den away from me at siya ang yumakap dito. Kumirot ang dibdib ko sa nakita, hindi ko alam kung bakit pero napaiwas na lamang ako nang tingin. "Lazaro." sambit niya. I know they're long time acquaintance pero I've never seen them this close. "Iiyak mo lang." wika nito at niyakap siya ni Den nang mas mahigpit. "If you're ready to tell me what happened, I'm all ears. Just like the old times." lalo namang kumirot ang puso ko sa narinig. Hindi ako sanay na ganito siya sa ibang babae. "Hey." tawag pansin sa akin ni Bea. "You okay?" tanong niya. Nginitian ko siya nang tipid at kumuha ng tubig saka ito ibinigay kay Den. Iyak lang siya nang iyak, matagal na din sila ni L.A, baka naman magkabalikan pa sila. Nang mahimasmasan si Den ay uminom na siya ng tubig at naupo. Hinahagod lang ni Mika ang likod niya. "What happened?" tanong ni Mika sa kanya. "Wala daw akong time para sa kanya. Sawa na daw siya manlimos ng oras sa akin." Pinunasan naman ni Mika ang luha niya at inayos ang buhok nito. "He has been there since students pa lang tayo, he should know better than that. Alam niya higit sa kahit kanino kung ano ang mga pinagdaanan mo makamit lang yung propesyon mo. Yung itutulog mo nga dapat binibigay mo pa sa kanya, anong hindi niya maintindihan doon?" "Hindi ko alam, Mika. Hindi ko na alam." "Tahan na, sabi ko naman sayo noon na may tendency siyang ganyan diba?" Nagpout lang si Den at napayuko. Tinapik tapik na lamang ni Mika ang ulo nito saka nagpahain kay manang ng pagkain. Tiningnan ako ni Mika at sinabing ako na daw bahala kay Den. Sa halip na si Mika ang katabi ko sa pagtulog ay si Den ngayon ang kasama ko dito sa isa pa nilang kwarto. Doon ko na din nalaman na may naka-one night stand si L.A. Lalo akong natakot dahil kahit gaano siya kamahal ni Den ay hindi niya kayang itolerate ang ginawa ni L.A. Kapag ba nalaman ni Mika ay hihiwalayan niya din ako? Ayoko, pero alam ko na mas kailangan kong magpakatotoo, isa lang ang hinihiling ko, na sana paniwalaan niya ako. Malaki naman ang pinagkaiba namin ni LA, hindi ko ginusto ang nangyari. ***** Sa loob ng isang buwan ay naghanap ako ng pagkakataon na sabihin kay Mika ang nangyari, pero sa tuwing naiisip ko yung consequence ay umuurong ang dila ko. Sobra akong nagi-guilty, hindi ako pinapatulog ng kunsensya ko lalo na't lagi kong nakikita si Zeke sa trabaho. Gusto ko nang dukutin ang kanyang mga mata dahil parang hayop na uhaw kung makatingin. "Nasabi mo na ba sa girlfriend mo?" he smirked at me nang magkasabay kami sa locker. "Kawawa naman si Mika." "It shouldn't concern you." pabalang kong sagot sa kanya. "Bakit hindi mo masabi kung sa tingin mo wala kang kasalanan? Aminin mo man o hindi, nagustuhan mo." sobrang confident niyang sabi. "Alam mo? Napakalaki mong gago. Hindi ko kailangan ng kung anong meron ka dyan sa baba. Napakabulok ng ugali mo" Hinampas ko naman ang bag ko sa kanya at lumabas na. May date pa kami ni Mika kaya hindi ko dapat hayaan si Zeke na sirain ang araw ko. She was already waiting outside habang nakasandal sa motor ni Bea, mukhang nagpalit muna silang dalawa. Nang magtama ang aming mga mata ay nginitian naman niya ako agad. Everytime she smiles, nakakaramdam ako ng lungkot. Nalulungkot ako dahil hanggang ngayon ay naglilihim pa rin ako sa kanya. "Hi, love." bati niya sa akin at kinuha ang extrang helmet saka ito isinuot sa akin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Wala akong clue kung saan kami magdi-date. "Kahit saan." natatawa niyang sagot at nilock na ang helmet. "Tara." Sumakay na nga kami ng motor at dinala niya ako sa isang Pizza parlor, nagcrave kami bigla sa pizza noong mabanggit niya yung cheese. Masaya naman ako dahil cheesey yung pizzang inorder niya. Iniisip ko pa rin kung paano sasabihin kay Mika, ayokong mawala yung ngiti niya, lalong ayokong mawala siya, ayoko. "Love, what if may nagawa akong kasalanan sayo, as in matindi, iiwan mo ba ako?" lakas loob kong tanong sa kanya. Naudlot pa ang pagsubo niya sa kinakain niya saka ako tiningnan. "Depende, hindi ko alam Rad. Baka hindi, kasi sa totoo lang baliw na baliw ako sayo." tumawa naman siya at itinuloy na ang pagkain niya. "Sira ka talaga." sabay hampas ko sa braso niya at napailing na lang sa kilig. "I'm dead serious, Athena." dead serious daw pero tatawa tawa naman siya. "I'm head over heels for you, hindi ko nga alam kung bakit e." "Magaling kasi ako mag-alaga at magluto." inismiran ko naman siya. "Saka mahangin ka." dagdag niya kaya kinurot ko siya. "Love you." sabi niya sa akin bigla. "Love you too, love." sagot ko. Hinatid naman na din niya ako pauwi. Nang makahiga ako ay nakipag-staring contest ako sa kisame. Ayokong magbago si Mika, ayokong maging gloomy siya dahil lang sa pagkakamali ko. Maitatago ko naman siguro iyon diba? Shit. Bigla kong naalalang hindi pa ako dinaratnat kaya kinabahan ako. Kahit gabi na ay nagtungo ako sa pinakamalapit na drugstore at bumili ng kit. Dali dali akong nagtungo sa banyo. Hawak hawak ko lang yung kit, nagdadalawang isip kung dapat ko bang gamitin iyon. "Baka naman delayed ka lang talaga." pangungumbinsi ko sa sarili ko. "s**t naman kasi, bakit ang tanga mo?" halos nangingilid na ang luha ko kahit di ko pa sinusubukan, natatakot ako sa totoo lang. Nagpaikot-ikot pa ako sa loob ng CR while biting my fingers sa kaba. Pinag-iisipan ko pa rin kung dapat ko ba talagang subukan. Pikit mata kong ginamit ang kit. Halos mamuo na ang butil ng pawis ko sa kaba sa paghihintay. "Tang ina." yun na lamang ang lumabas sa bibig ko at nag-unahan na ang luha ko. I'm sorry, Mikaela. I'm sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD