XXV:

2425 Words
RAD Nagluluto na ako ngayon nang kakainin namin ni Mika. Gusto pa sana niyang sa labas na lang kumain para daw hindi na ako mapagod pero I insisted dahil gusto kong special naman yung kakainin niya, made with love pa. Sa kalagitnaan nang pagluluto ko ay biglang yumakap sa akin si Mika mula sa likod. Inilapat naman niya ang noo niya sa aking balikat at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nararamdaman kong malungkot pa rin siya kaya naman tinapik tapik ko ang ulo niya. Hindi ako nagsalita at iniyakap na lang din ang braso ko sa mga braso niya. Namiss ko 'to, at mamimiss ko ito. Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa, hindi naman namin kailangan magsalita, our actions are enough to tell each other na sobra naming namiss ang isa't isa. Nang makabawi na siya ay humalik siya sa balikat ko at inilagay na ang chin niya dito. "Dapat masarap yan ha." sabi niya. "Aba naman Mikaela, parang wala kang tiwala sa girlfriend mo, minamaliit mo ba ako ha?" natatawa kong sabi sa kanya. "I'll be one of the best Chefs, I'll make my own name." dagdag ko at pinanggigilan ang pisngi niya. "You already are." she smiled at me like she really is sincere sa sinasabi niya, bago niya pa ako tuluyang mabola ay mahina kong tinampal ang pisngi niya. "Ewan ko sayo Mika." napailing na lang ako. Naghain na rin ako at kumain na rin, wala kaming kandila or whatsoever to call this really special, but being here with Mika, okay na ako doon. After namin kumain ay nanood muna kami. She's extra clingy ngayon, which I fully understand, gusto ko naman din at wala akong balak magreklamo since ako madalas ang nilalambing niya. Sinusuklay ko ang buhok niya using my fingertrips at nakipagtitigan naman siya sa akin, ang tahimik niya ngayon sa totoo lang, hindi siya yung usual niyang madaldal state, hindi ako sanay. "Love." sambit ko habang sinusuklayan pa rin siya. Tiningnan ko siya ng mata sa mata, alam ko kahit hindi niya sabihin ay nagtatampo siya, alam ko namang nasaktan ko siya. "Sorry." I pouted. Alam kong kulang iyon para mapawi ang sakit na naramdaman niya. Naupo naman siya at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Hayaan mo na yun. Ang mahalaga bumalik ka." nginitian naman niya ako. "We'll make this through, love. Gusto ko sanang hayaan mo na lang yung mga naririnig mo, kasi it's us that matters. Ako ang nakikisama sayo, and I know how great of a person you are, what they think of you shouldn't matter for I know the truth." Naging teary-eyed naman ako sa sinabi niya. "Hindi ko lang gusto na isipin nilang pineperahan kita, anong gagawin ko sa pera mo? Hindi naman ako maluhong tao." at ayun na, tumulo na ang luha ko. "Ano ka ba." tumawa naman siya at bahagya akong binatukan kaya nagpout ako. "Hayaan mo sila sa iisipin nila, do they matter? Si Rhian? Si Aby? Psh, They can say everything na gusto nilang sabihin pero hindi kita iiwan. Si mommy? She's just being protective, but rest assured, kapag nakilala ka niya, I know she'll be proud na I've chosen the right one." Nahampas ko naman siya sa mga sinasabi niya, naiiyak ako pero hindi ko napigilang hindi kiligin. Natawa naman siya at hinatak ako para yakapin, maswerte ako kay Mika, sigurado ako doon. "Inaantok na talaga ako, pwede bang matulog na tayo?" sabi niya kaya tumango ako. I know she's been restless these past few days, she barely gets any sleep, I know dahil sa mga oras na sinesend niya ang kanyang mga text message. Nang makarating kami sa kwarto ay agad na siyang sumalampak, napailing na lang ako at nahiga na rin saka siya pinaunan sa aking braso.  "Goodnight. Happy first, my love." sambit niya. "Happy first, my one and only." I kissed her goodnight at ipinikit na rin ang aking mata. ***** Nang magising ako ay wala na si Mika sa tabi ko. Sabado naman ngayon kaya wala kaming pasok. Bumangon ako at nagtungo sa kusina, there I saw her beating the pancake mix. Naghilamos muna ako bago maupo sa may dining at pinanood lang siya. Himala, hindi kami Cereals ngayong umaga. "Good morning, my love." bati niya kaya nginitian ko siya. "Good morning, my favorite Weirdo." halos pikit mata kong tugon sa kanya, inaantok pa ako. "Sit back and relax." natatawa niyang sabi. "Kape gusto mo?" Tinanguan ko lang siya. Saktong umuulan kaya masarap ang mainit na kape. Mukhang Crepe ang niluluto niya dahil sa nipis ng mix na nilagay niya, Nakapaghiwa na rin siya ng Banana at Strawberry, sa pagkakaalala ko ay walang ganun sa ref ko dahil hindi nga kami nagkita ng matagal kaya hindi ako namili. Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya bumili pero hindi na din ako nag-abala pa. Naghain na nga siya after, napailing na lang ako nang makitang may heart shape chocolate syrup pa. Pwede ko nang ipasa yung dish presentation niya. Kinuha naman niya ang phone niya sa bulsa niya at nagpatugtog. My girlfriend's choice of music is quite really old as in a hundred year old music, pero maganda naman.  You don't know, babe  When you hold me  And kiss me slowly  It's the sweetest thing  Nakatingin lang siya sa akin nang makahulugan kaya kunot noo ko siyang tiningnan na para bang tinatanong ko siya kung anong meron. Unti unti namang sumilay ang isang mapang-akit na ngiti sa labi niya kaya natawa ako. "Are you flirting with me?" tawang tawa kong tanong sa kanya. "It depends. Ganda ka?" natatawa niya ring sagot. "Sa mga mata mo? Oo naman." I flashed a closed lip smile na abot hanggang tenga. Umiling siya at kumindat saka sinabayan ang kanta. You're the coffee  That I need in the morning You're my sunshine  in the rain when it's pouring Won't you give yourself to me  Give it all, oh   Tawang tawa naman ako dahil damang dama niya yung give it all, binigay ko naman sa kanya lahat ah. As in lahat lahat, kaya nang tinaasan ko siya ng kilay ay natawa na lang siya at nagpeace sign. She offered her hand kaya I took it without thinking twice at agad naman niya akong inikot saka hinawakan ito na para bang sasayaw kami. "If life is a movie, oh you're the best part, oh oh oh ." pagsabay niya sa kanta at nakipagnose to nose sa akin. "Leche." sabi ko at hinampas siya dahil aaminin ko, kinilig ako. It's the sunrise   And those brown eyes yes  You're the one that I desire When we wake up  And then we make love  It makes me feel so nice You're my water  when I'm stuck in the desert You're the Tylenol  I take when my head hurts You're the sunshine on my life     Inilamukos ko na ang kamay ko sa mukha niya at humiwalay sa pwesto namin. Dismayado naman ang mukha niya pero naggesture na lamang ako na gutom na ako. Paano ba naman, hindi pa nga ako nakakasubo ni isang kutsara ay kung ano ano na agad pinaggagagawa. Kumain na nga kami at patuloy lang siya sa paglalandi, I mean, pagpapacute niya. Well, cute naman talaga siya kahit anong anggulo, kahit pa magulo, minsan iniisip ko nang gawin siyang keychain nang madala ko kahit saan. "Love, pupunta pala akong Singapore next week." wika niya kaya napatigil ako sa pagsubo at tiningnan siya. "Bakit?" "May seminar kami e." sumimangot naman siya at nagpangalumbaba. "Kakabati nga lang natin tapos lalayas na ako agad." Tumawa naman ako. "Seminar lang pala e, ilang araw ka ba dun?" she showed me one finger. "Oh, isang araw lang naman pala ang arte mo." "One, as in one week." It's my turn para sumimangot. "Ang tagal naman." Hindi naman ako pwedeng sumama dahil may trabaho ako. Naki-simangot na rin siya habang marahang tinatapik ang likod ko. "Alam ko. Di bale, para naman sa future 'to." ngiting ngiti niyang sinabi na akala mo kinikilig. "Bakit ka parang tanga dyan?" "Ikaw kasi ang future ko." Napahimas ako bigla sa noo ko sa banat niya, ang aga aga magpakilig ng nilalang na ito. "Ewan ko sayo doctor Weird." iiling-iling kong sabi at kinuha na ang pinagkainan namin. "Yie, kilig yan." sabi niya habang naglalakad ako papunta sa sink. Tinapunan ko lang siya nang bored na tingin, minsan kailangan mong itago na kinikilig ka; ayoko naman lumaki ang ulo ng Labanos na ito at isipin niyang mahal na mahal ko, tho totoo naman. Ayoko lang maging over confident siya, napakabully e. ***** Hindi ko na naihatid si Mika sa airport dahil may pasok ako, nakakahiya naman kay sir Marco kung aabsent ako, baka isipin pa ng kapatid niya ay sinasamantala ko ang pagiging mabait ng kuya niya. I rolled my eyes internally when she walked in, annoying talaga exes na di maka-get over. Iiwan iwan tapos babalik balik? Geez. "Raine." Napalingon naman ako at nakita si sir Marco. "Sir, bakit po?" tanong ko sa kanya at nagpunas ng kamay sa apron ko. "May kick-off party tayo ngayong weekend, are you good?" "Yes po." agad kong sagot dahil wala pa naman si Mika nun. I'm sure hindi naman din ako pipigilan ni Mika dahil work event naman ito. "Good, just wear something casual." he smiled at tinapik ang balikat ko. "Chef Da, aattend ka ba?" tanong ko kay Chef. "Lahat naman tayo aattend." sagot niya,  Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa pagtaatrabaho. After ng shift ko ay nagpunta muna ako kay Jia para manghiram ng damit, baka kasi merong kasya sa akin, sayang naman kung bibili pa ako. Sakto namang naabutan ko sila ni Bea sa labas ng bahay nito, mukhang kakarating lang nila. "Raine!" sigaw ni Jia at nagtata-takbo papunta sa akin. "Ano? Wala man lang paramdam? Lahat kami nag-aalala sayo." sabay batok niya sa akin. "Aray naman!' sabay himas ko sa ulo ko. "Bea pagsabihan mo nga 'tong girlfriend mo." wika ko at namula naman si Jia. "Ah, hindi pa kami." sagot ni Bea kaya tiningnan ko si Jia at tinaasan ito ng kilay. "Kapag yan nako." banta ko na hindi ko naman din alam ang kasunod kaya tumawa ako. "Pahiram naman ako ng dress, kahit ano pwede na." sambit ko. Nakipagvideo call naman ako kay Mika, siya na ang pinapili ko nang susuotin ko. Ayoko na kasi mahirapan sa pamimili kaya ipinasa ko na sa kanya ang stress. Pinili naman niya yung black dress ni Jia, hindi naman masyadong revealing kaya okay na din ako dito. "Lahat kayo kasama?" tanong ni Mika nang tawagan ko siya ulit nang makauwi ako. "Hmm, oo daw sabi ni Chef. I don't think na papayag din si Marco na hindi kasama lahat. Hello, malalaki na kami, may hindi pa ba papayagan?" tanong ko at tumawa. "Oo, yung hindi pinayagan ng jowa." she smirked kaya inirapan ko siya. "Pati ba yung kung makatingin sayo ay sobrang lagkit kasama?" kumunot naman bigla ang noo niya. "Sino yun?" taas kilay kong tanong dahil wala akong clue sa sinasabi niya. "Wala nevermind. Kumain ka na dyan." "Kumain na ako kanila Jia, nandun pa nga kapatid mo e." sabi ko sa kanya. "That's good." "Mika, kain na daw tayo." sabi ng isang babae sa video. "Ah sige Liz, bababa na din ako." sagot niya sa babae. Liz, yun yung sa convention diba? Agad naman sumama ang timpla ng mood ko. "Hey, don't get jealous, abot yung aura mo dito." natatawa niyang sabi sa akin. "Si mamang kasama ko, yung prof namin noon. Ayoko namang mag-init pwet mo dyan sa selos." nagshrug pa siya. "Kapal ng mukha mo." sagot ko. "Sige na, tawag na lang ako mamaya. Bye loveeee." nagflying kiss pa siya. "Ingat." sagot ko saka siya nginitian. "I will! Love youuuu!" "Love you too." ***** Papunta na ako ngayon sa party at hinatid ako ni Bea dahil inutusan siya ng magaling kong girlfriend, may tatlong araw pa siya sa Singapore kaya bagot na bagot na rin ako. Wala man lang akong makulit dahil busy si Den, lalo naman si Jia. "Hey, enjoy." sabi ni Mika sa akin at nginitian ako, magka-video call kasi kami. I pouted. "Can't you just talk to me while the party is ongoing?" Tumawa naman siya. "Ah, miss mo na ako?" umismid naman siya. "Kaya ka nga nandyan to enjoy there company. Come on, love. Nandito lang naman ako. Mag-enjoy ka dyan." "Tss, mas gusto ko kausap ka." "Uuwi na din ako, ilang araw na lang oh. Go." muli siyang ngumiti, ghad miss ko na baby ko. "Okay, bye love. Love youuu, my Weirdo." I send her some flying kisses. "I love you more, my Athena."  nag wave na siya kaya pinatay ko na din ang tawag. "Ingat ka Bea." sabi ko kay Bea. "Sure, enjoy, my future in law." she winked at nakipagbeso na sa akin. Hinampas ko naman siya at nagpaalam na din. Nagtungo na ako sa top floor nitong hotel. Bumungad naman sa akin ang neon lights. Madaming tao dahil ilang branch din ang nandito. "Hey. Andun na sila chef." sabi ni Zeke, bago pa lang siya, mga dalawang buwan pa lang. "Thank you." nginitian ko naman siya. "Andito na pala ang paborito ko e." sabi ni Chef Da at tumayo, nahiya naman ako bigla pero hindi naman lingid sa kaalaman nila yun. Hindi rin naman nila ako makanti dahil hindi naman super special ang treat sa akin ni chef. Ako lang ang paborito niyang patikimin ng mga luto niya, yun lang inangat ko sa kanila. "Sira ka talaga." sabay batok ko sa kanya at napailing. "You look good tonight." bati sa akin ni Mam Sam. "No wonder why Marco hit on you." tumawa naman siya, nahiya ako bigla. "Well then, let's start the party!" hiyaw ni Ron. The party went on, mini celebration lang naman ito plus konting thanksgiving sa effort namin to make the restaurant better. May mga pa-games and giveaways. Nakapartner ko pa si Zeke sa paper dance, at nanalo kami, infairness ang lakas niya. "Nice!" Nakipag-apir naman siya sa akin. "Ang gaan mo e, hindi ka ba pinapakain ng girlfriend mo?" natawa ako sa sinabi niya. "Zeke, health is wealth lang talaga." sagot ko. "Oh, inom na!" sabay abot ni Chef Da ng inumin sa akin. Kinuha ko naman iyon at ininom. Wala naman kaming dapat ikabahala dahil dito kami nagcelebrate sa isang hotel na may swimming pool bar sa taas, sobrang chilling ng place na ito. Dito na rin kami matutulog for the night kaya no worries. "Oh ito pa, lakas mo uminom ah." nag-abot naman si Zeke ng inumin pa sa akin. "Cheers!" sabi ko at ininom iyon bago ako pumunta kanila Mam Sam. Para akong nahilo kaya binagalan ko na ang pag-inom, maya maya ay tuluyan nang umikot ang mundo ko. Oh f**k. ***** I woke up na sobrang sakit ng ulo ko. s**t naman, why did I drink ba ng ganun karami? Napamulat naman ako ng mata and I realize na nakakumot lang ako. I checked under the sheet, and f**k. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita kong may katabi ako. Shit. "Ugh." he groaned. "Zeke... May — may—" hindi ko maituloy ang sasabihin ko. "You were awesome last night." he grinned. Sinampal ko siya. "How dare you!" Idinamit ko ang kumot at pinulot ang mga damit ko. I felt pain down there, s**t this can't be happening. Mika...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD