X:

2303 Words
RAD I was running late na dahil walang tubig sa tinutuluyan ko, kinailangan ko pa mag-igib ng tubig at sobrang hassle non. Sa kakamadali ko ay may nabunggo ako kaya napaangat agad ako nang tingin, sakto naman din ang paglingon niya. "Sir Marco, sorry po." hingi ko nang paumanhin. Tumawa naman siya. "Okay lang, Raine." he smiled, gosh ang gwapo talaga nitong lalaking 'to kapag nakangiti, lagi kasi siyang seryoso. "You're late." Napaiwas naman ako nang tingin. "Sir walang tubig e." "Biro lang, sige na kanina ka pa hinahanap ni Chef Da." he pat me on my shoulder. Agad na din akong nagpunta sa kitchen to help Chef Da, he felt relieve nang dumating ako dahil ang messy na ng kitchen sa dami ng orders. Maaga pa lang pero sobrang busy na nila. It was my lunch break when sir Marco walked in at naupo sa harap ko.  "Sir, kain po." wika ko while eating the meal Chef Da prepared para sa aming mga employees. "Drop the sir, and yes kakain ako, hinihintay ko lang yung plate ko." and then on cue, dumating ang inorder niyang Caesar Salad, healthy living ang boss ko. "Ehem, here's your dessert." singit ni chef Da while grinning annoyingly na akala mo nang-aasar. "Go away, Darwin." nakangiting sabi ni sir. Marco. "Here, for you." sabay abot niya ng Mud pie sa akin. "Hala sir, wag na." "I insist." he smiled. "How's your stay here?" tanong niya. "Nakakapagod sir—" he looked at me na parang nagbabanta kapag itinuloy ko pa ang sasabihin ko kaya nag peace sign ako. "Wait, I'll drop the sir kapag nasa labas tayo, but you're my boss here." Sabi ko at wala naman siyang nagawa kaya nagshrug na lang siya. "Ayun nga, nakakapagod pero worth it naman lahat." honest kong sagot sa kanya. He nodded and continued munching on his food. Hindi na siya dumaldal at nagpaalam na din agad nang matapos siya kumain. Bumalik na din ako and helped out in the kitchen. Chef Da kept on poking me sa aking tagiliran at ayie nang ayie, parang tanga. I was on my way out na when I saw sir Marco leaning on his car habang nakacrossed-arms. He smiled when our eyes met. "Si— I mean, Marco, may hinihintay ka pa?" Tanong ko, usually kasi 5 pm umaalis na siya. "Meron, ikaw." My jaw dropped in disbelief sa narinig kaya tumawa siya. "Ihahatid na kita, Raine." "Hala wag na, magkaiba tayo ng way diba." "Wala akong gagawing masama sayo kung iyon ang iniisip mo." Muli siyang tumawa. Agad ko namang itinanggi ang bintang niya. "Hindi nga, magkaiba naman tayo ng way bakit mo ako ihahatid?" "Kasi gusto ko, kasi gusto kita." Sagot niya dahilan para matanga ako. "So? Could I drive you home?" He then smiled charmingly and offered his hand. Wala sa loob kong kinuha iyon and let him drive me home. Hindi ako comfy pero kinikilig ako. Nang makarating kami sa bahay ko ay inabutan niya ako ng isang bouquet ng red rose. Bumaba siya saka ako pinagbuksan. "Thank you dito." Awkward kong sabi. "If hindi ka comfortable sa akin sabihin mo lang, I really don't want to mess around kaya I could change my approach." Wika niya. "Hindi lang ako sanay Marco." Pag-amin ko. "I usually don't entertain suitors kasi." "You really are the kind of woman that I want, yung hindi easy to get pero lovable pa din." He chuckled. "Ang bolero mo." Sabay hampas ko nang mahina sa kanya. "Uy hindi ah, I like you, walang halong biro. Wala rin akong bad intentions, if may chance then good, pero kung wala, I'm good pa din naman. I won't fire you from work." "Susumbong kita sa DOLE pag ganun." Banta ko sa kanya saka kami tumawa. "See you tomorrow, Raine." He then kissed the back of my hand. "Goodnight." Bumalik na siya sa kotse niya at umalis. Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko at inamoy ito, napangiti na lamang ako. It's nice to have someone who wants to be with you din pala. Pumasok na ako sa loob sakto namang tumunog ang phone ko. *Ting Beatriz Weird B: Hi Raine! M: Oh? Hi, doc. ☺️ B: Do you like ate? B: Ay fck. Do you like  to eat kasi** sorry.  R: Gabi na ah? B: Ay sayang naman  itong dala naming  pizza. ☹️ R: Wait, what? Bigla namang may kumatok kaya agad kong binuksan iyon. Naexcite ako sa sinabi niyang namin but to my dismay, si Jia pala ang kasama niya. "Oh, expecting somebody else?" Jia grinned. "Gabi na ah, saan kayo nagdate?" Tinaasan ko siya ng kilay saka umismid. "Tse." Sagot ni Jia kaya natawa ako. "Beatriz! Saan mo iginasgas itong kotse ko?!" Rinig kong sabi ng isa pa kaya napatingin ako kung saan galing ang boses na iyon. "Ate, lalamig na ang pizza." Yun na lang ang sinabi ni Bea at pumasok na sa loob. I went near doctor Weird. "Hi, doc." Wika ko at nagulat naman ito. Agad naman din siyang napatingin sa hawak kong bulaklak. "Kanino galing yan?" Tanong niya. "Ah, kay Marco." Sagot ko at tiningnan muli ang ibinigay na bulaklak sa akin. "Marco? Reed?" "Yep." She draped her arms sa shoulders ko and guided me papasok. "Sorry sa biglang punta namin, di ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Beatriz e." Tumingin naman siya sa relo niya. "Diba magpapahinga ka pa? Baka nakakaabala kami sayo?" Tanong niya. "Okay lang naman, I really don't mind." I smiled at kumuha na muna ng lagayan nitong bulaklak nang makapasok kami at inilagay iyon sa dining. Mukhang wala sa mood si doctor Weird dahil ang tamlay ng itsura niya. She wasn't even in the mood to have some pizza pero napilit ko naman siyang kumain. Tinabihan ko naman siya at tinanong kung anong problema niya pero umiling lang ito, mukhang madami siyang pasyente ngayong araw kaya napagod siguro. "Doc." Sabay tap ko sa braso niya. "Hmmm?" "Pagod ka?" "Medyo." Sagot niya. Inihilig ko naman ang ulo niya sa balikat ko to let her rest. I saw her smile, and she really looked so cute na akala mo batang nabigyan ng candy. Agad namang napalitan ang simpatya ko nang inis when she groped my butt, walang hiya talaga tong manyak na to paminsan kaya kinutusan ko siya. "Aray." She pouted. "Leche ka talaga kahit kailan." Inis kong sabi sa kanya at lumayo. Yumakap naman siya sa akin. "Sorry na." Then she kissed my shoulder lightly. Bakit ang sweet? "Hoy ate tara na." Nakaismid na wika ni Bea pero yumakap lang si doc nang mas mahigpit sa akin. "Kanina aayaw ayaw ka diba." Bea smirked. "Pakyu ka Beatriz, nasa akin susi, di ka makakauwi." Natawa na lang ako kay doc, parang bata e. "Duplicate ate, I have one." She even stuck her tongue out. "Sunod ka na lang girl." Dagdag nito. "Ikaw hilig mong asarin si ate Mika." Sabay pingot sa kanya ni Jia. Doctor Weird looked at me hopelessly while pouting, di pa rin siya umaalis sa pagkakayakap sa akin. "Gusto ko pa magstay." Natawa naman ako. "You could stay naman." I smiled at her, then I realized kung ano yung nasabi ko. "Hala, wala ka palang matutulugan." "Pwede naman tayong tabi." Agad kong tinampal ang mukha niya. "Ayoko, malikot yang kamay mo e." Sagot ko sa kanya. Tumayo naman na siya at nag-ayos ng damit niya. "Mauuna na kami, lock your door. Goodnight my queen." May binulong siyang hindi ko naintindihan pero hindi na rin ako nagkaroon ng chance itanong because she kissed me on my forehead. "I-i-ngat." Nauutal kong sabi.  Palabas na sana siya ng pinto nang matalisod naman siya, ang clumsy naman pala. She waved goodbye, ganoon na din si Jia and Bea. Nginitian ko sila at muli nang nagpaalam. *Ting Beatriz Weird B: Hope you like ate! ☺️ B: I mean what we ate,  bibili na ako bagong  phone.  R: Thank you ☺️ R: Ingat kayo! B: Yes Raine, we will.  ***** Mika I really am not in the mood kaya naman nagdecide akong sa hapon na lang magbukas ng clinic. Dumaan muna ako sa shelter para bisitahin ang mga bata dahil naging busy ako nitong mga nakaraan. Dali dali naman akong sinalubong ni Rachel nang yakap nang makita ako kaya binuhat ko siya. "Mag-isa ka nanaman." saka ko siya kiniliti kaya humagikhik siya. "Namiss po kita." sabay yakap niya sa akin. "Sorry naging busy si ate, may pasalubong ako sayo." sabay abot ko sa kanya ng isang chocolate na agad niyang ikinatuwa. "Thank you po." humalik naman sa pisngi ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Ang aga mo ata nagpunta?" tanong ni sister sa akin. Nginitian ko naman siya. "Stressed lang po." nakangiti kong tugon kay sister. Tumango naman siya at sinabayan ako maglakad. Nagkwentuhan lang kami ni sister sa mga nangyari. These children are really my stress reliever, sobrang nakakabawas ng problema yung mga ngiti at tawa nila. After lunch ako nagpunta ng clinic, pumunta muna ako kay Beatriz since wala namang taong naghihintay sa akin sa bench. "Saan ka galing? Nakailang tawag na sa akin si ate Rhi." bungad niya. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan na nasa harap ng desk niya and threw my head back. "I tried, but I failed." tiningnan ko naman ang kapatid ko saka niya ako nginitian nang alanganin. Agad ko namang ibinalik ang tingin ko sa kisame. "May lugar nga siya sa akin but I like someone new." I brushed my hair up at muling napabuntong hininga. "You like Raine noh?" "I do." pag-amin ko. "And I hate it, kasi hindi naman pwede. She's out there looking for her one true love." Nakaramdam naman ako nang pagbatok sa akin. "Aray! May kasalanan ka pa sa akin ha, ipaayos mo yung kotse ko." inis kong sabi dito. "Bakit mo ba pinoproblema yun? Then prove her na this lifetime is meant for you and not for that freakin' person in her dreams." "Hindi mo kasi naiintindihan." tumayo na ako at iniwan siya. Kinuha ko naman ang phone ko at nakita ang mangilan ngilang text at tawag mula kay Rhi. Napailing na lang ako at isinara na lang ang clinic ko. I dialled Rhi's number and asked her kung nasaan siya, agad ko naman siyang pinuntahan. "Ye!" she happily shouted as she saw me. "Rhi, kumusta?" tanong ko at bumeso sa kanya. "I'm good, I've missed you." she was about to give me a kiss pero pinigilan ko siya. "Cold as ever." "Rhi, sorry but I like someone else." I looked at her mata sa mata. "I'm sorry, please do know that I tried my best, pero sobrang tagal na kasi. Hindi ko na mahanap yung feelings na meron ako noon para sayo." "Thank you for trying." she smiled as she shed a tear. "But can I request something?" "Kung kaya ko naman, bakit hindi?" I smiled at inalabas ang panyo ko para punasan ang luha niya. "Come with me and be my date sa isang event ni papa." "Sure, no worries. I'll be there." I kissed her forehead at yumakap naman siya "Nakakainis ka." sabay hampas niya nang mahina sa balikat ko at tumawa, nabaliw na ata 'to. "Di ko alam bakit mahal na mahal pa rin kita, at lalong hindi ko alam bakit mahal kitang ugok ka." Natawa naman ako. "Thank you Rhi, and I'm really sorry na hindi ko na kayang suklian." "Di mo kailangan magsorry, I let you go before, sinayang ko kung anong meron tayo." "Wag kang manghinayang Rhi, there's somebody out there for you. If you would ever need a resbak kapag may nanloko sayo, I'm here okay?" "You're here to take me back?" natawa naman kami parehas saka siya yumakap ng mas mahigpit. "I love you Mikaela." "Mahalaga ka pa rin sa akin Rhi. Tara, kain tayo. Nakakagutom magdrama." paanyaya ko sa kanya na pinaunlakan naman niya. I held her hand like I used to before, nagulat man siya pero agad naman siyang napangiti. It's the least that I could do. Hinatid ko naman siya sa restau ng kuya niya after dahil may imi-meet pa daw siya doon, sakto namang pauwi na si Rad kaya niyaya ko na siya pauwi. Nang makasakay ako sa kotse ay natataranta akong hanapin saan napunta yung seatbelt ng kotseng ito. Narinig ko naman siyang tumawa at lumapit sa akin. "Ano ba yan doc, ako na nga." Sabi niya and her face was an inch away from me. "Ayan." Sabay ngiti niya. Napalunok naman ako ng laway. "Sa-sa-salamat." I stuttered. I hate myself. "How's your day, doc? Nagdate pala kayo ulit ni Rhian?" Hindi ako sigurado sa nakita ko na para bang uncomfy siya. "Sort of." Sagot ko at pinaandar na ang sasakyan. "Ikaw, kumusta?" 3 araw na din mula noong magpizza kami sa bahay niya. "Okay naman." Walang gana niyang sagot. Mukhang pagod na siya kaya naman nagpatugtog na lang ako. Oh does the moonlight shine on Paris  After the sun goes down  If the London bridge is falling  Will anybody heear a sound  Napangiti naman siya. "Old but gold." Wika niya and sighed. "I need this sobra akong stress lately." "May alam akong nakakarelax, gusto mo ba?" Natatawa kong tanong sa kanya. "Wala akong tiwala sa tawa mo, basta walang kinalaman sa boobs ko okay lang." I showed her my palm. "Ipatong mo kamay mo." Utos ko sa kanya na ginawa naman niya. I interlocked my fingers with hers, closing the gap between our hands. "Our body releases anti-stress hormones when we hold someones hand." Explanation ko which is true naman pero ang totoo niyan, I've been longing to hold her hands since that night na naamin ko sa sarili kong gusto ko siya. Wala siyang sinabi, at tumingin na lang sa labas. Hindi naman talaga ito nakakarelax para sa akin kasi naging abnormal nanaman ang t***k ng puso ko. Hindi naman niya binitawan ang kamay ko. Nang makarating kami sa apartment niya ay napabuntong hininga ako at binitawan na ang kamay niya. "Thank you, doc." She smiled at tumalikod na. "Rad." Lumapit ako at nagulat nang bigla siyang humarap. Our lips was an inch away. Hindi ako makagalaw, her lips were inviting. "Sorry." Bigla siyang umatras. "Sayang." Biro ko pero sayang talaga. Pinalo naman niya ako. "Mag-ingat ka." Saka siya humalik sa pisngi ko, hindi beso kundi halik talaga saka pumasok sa loob. Napahawak na lang ako sa pisngi kong hinalikan niya, at dahil lutang ako ay natalisod nanaman ako. I hate this, I become clumsy when I like someone. I hate it more dahil hindi ko alam paano aaminin sa kanya. Natawa naman ako bigla, love really brings out our foolish side.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD