RAD
Doctor Weird is really being weird for real this time. Hindi siya mapakali at mukhang aligagang aligaga sa buhay niya kapag nagkikita kami and on top of that, she's as clumsy as a child could sa laki niyang iyon. She once trips herself dahil sa sarili niyang paa at minsan na ding nauntog sa nakaawang na pinto ng bahay ko nang dumaan sila ni Bea. Hindi ko alam kung dahil sa contact lens kaya inadvise ko na lang na isuot niya na ulit yung salamin niya. Umayaw siya dahil gusto niya maganda siya sa paningin ko, the heck kailan pa nag matter ang opinion ko sa looks niya?
"Raine, pauwi ka na ba?" tanong ni Chef Da nang mapadaan siya sa locker area.
"Yes, chef. Ikaw ba?"
"Oo, idadaan ko lang ito kay Mam Sam." sabay pakita niya ng isang prepared food. Si Mam Sam ang kapalitan ni Sir Marco dito. "Gusto mo bang sumabay sa akin?"
"Ay hindi na, Chef. May sasamahan pa ako." agad naman akong napangiti dahil alam kong naghihintay na siya sa akin. "Mauna na ako. Ingat ka." nakangiti kong sabi dito at agad agad na din umalis.
Pagkalabas ko ay nakasandal na siya sa kotse niya, mainipin din talaga ang taong 'to. Napabalikwas naman siya nang magtagpo ang mga mata namin, agad ko naman siyang nginitian.
"Tagal mo." reklamo niya.
"Sorry na, doc." sabay poke ko sa pisngi niya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Libre mo ko ice cream."
"Gabi na, tigilan mo ako." sagot ko.
Nagpout naman siya. December na, nais pa mag-ice cream, hindi naman siya si General Frost para hindi lamigin at sipunin, concern lang naman ako sa kanya. At dahil nakapout lang siya habang nagmamaneho ay wala na akong ibang nagawa kundi ang pagbigyan ang gusto niya. Bakit ba napakacute niya sa paningin ko? Nakakainis.
Nang makarating kami sa mall ay agad kaming nag punta sa supermarket, she asked me na samahan siya maggrocery kaya nakipagpalit ako ng shift ko for today para mas maagang makalabas sa work.
"Tulak mo nga ako." parang bata niyang sabi at tumayo sa dulo ng cart.
"Ayoko nga, hindi ka na bata." Sagot ko sa kanya at patuloy na naghanap ng mga nakalista sa papel niya.
"Rad, dali na." Pangungulit niya kaya napabuntong hininga na lamang ako at tinulak nga siya. Halos naupo na siya sa cart kaya nakakahiya. Ang laki laki niyang tao tapos dinaig pa ang bata. "Wala ka ba talagang naiisip?" Tanong niya bigla.
"Wala, bilisan na natin. Magluluto ka pa diba."
"Ah, napakaworkaholic mo pala talaga." Komento niya at tumayo na sa cart. "Yung ice cream ko ha."
"Oo na kumuha ka na dyan."
Mabilis kaming natapos sa paggrocery at dumeretso na din sa bahay nila. First time ko makapunta dito kasi obviously, pasyente lang ako ng weirdong doctor na napakafriendly. 2-storey house na malawak, may chandelier pa sila. Puro mahogany ang furniture pero minimal lang din ang designs. May garden pool pa ata sila pero pinigilan niya akong pumunta doon. Naka-apron na siya at nagbandana pa, natawa ako pero ang cute niya tingnan.
"Chef, lika na dito." Sabi niya sa akin at isinuot ang isang apron sa akin na may design na ice bear. "Well, let's start cooking na para makakain na din tayo agad, jusko gutom na gutom na ako." Sabay himas niya sa tiyan niya.
"Marunong ka ba?"
"Aba? Ako pa ba?" Umismid naman siya."Ako ata ang number one taga-tikim." That made me laugh, what a help. "Joke lang, oo naman. I help manang magluto paminsan lalo pag nagdadala ako ng foods sa shelter."
She smiled and all I could say, wala na finish na. Parang konting push na lang sa akin e magugustuhan ko na talaga 'tong labanos na 'to.
"Labs." Nasabi ko kaya napatingin siya.
"Yes, labs?" Ngiting ngiti niyang sabi sa akin.
Kakaisip ko sa labanos ay natawag ko tuloy siyang labs. "Tse, labanos kasi yon. Aray." Nahiwa ko naman ang daliri ko at agad naman niya itong kinuha.
"Hindi kasi nag-iingat e." Inis niyang sabi at hinugasan iyon. "Ako na nga maghihiwa, magluto ka na dyan ng pasta."
Naiinis na siya pero hindi ko mapigilang hindi kiligin sa concern niya. I don't know kung ganito siya sa lahat, kaya hanggat maaari, gusto ko ilayo ang sarili ko sa kanya, pero siya naman itong lapit nang lapit. Di ko alam kung nag-aassume lang ako or close friend talaga tingin niya sa amin. Nakita ko namang pinagpapawisan na siya kaya pupunasan ko sana ang pawis niya pero pinigilan niya iyon. Nagitla naman din ako sa gagawin ko sana. Nakatitig lang siya sa akin, I just notice that her gray contacts suits her complexion.
"Athena." Oh ghad, kinikilabutan ako pag tinatawag niya ako ng ganun, idagdag mo pa na parang nakatitig siya sa kaluluwa ko ngayon. "Yung pasta."
"Ay." Hiyang hiya kong sabi pero pinunasan ko na muna ang pawis niya bago i-check yung pasta. Nakakahiya!
Naramdaman ko naman na nasa likod ko na siya at nakaharang ang kamay niya sa magkabilang gilid ko, parang sasabog na yung puso ko sa presensya niya. "Okay na ba?" Tanong niya.
"O-o-o-kaa-okay na."
"Okay na din yung sauce pati yung desserts. Maupo ka muna sa sala, nandun si Bea." Sabay pat niya sa ulo ko.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at naupo sa couch nila habang nanonood si Bea. Nginitian niya lang ako at ibinalik ang tuon sa TV. Ramdam ko na din ang gutom kaya napahawak na lang ako sa tyan ko, nakakahiya pa nang kumulo ito kaya tinawanan ako ni Bea.
"Kunyari wala akong narinig. Check ko lang si ate dun ha?"
Tumango naman ako at pagbalik niya ay niyaya na niya ako kumain pero bago iyon ay tinakpan niya ang mata ko. Maingat niya akong ginabayan, bakit may ganito pa? Nakakadagdag lang ng gutom ito e. Pagkatanggal niya ng kamay niya ay nagulat naman ako at halos maiyak sa nakita.
"Happy birthday, Raine!" Bati ni Jia, Den, L.A, at Aby, nandito rin si Chef Da.
"Happy birthday, Raine." Bati din ni Bea at humalik sa pisngi ko. "Kain na."
"Si Mika?" Hanap ko sa taong nag-abala ng lahat ng ito.
"Present." Nasa likod ko na pala at bigla naman siyang yumakap sa akin at ipinahinga ang baba niya sa balikat ko. "Happy birthday, labs." Natatawa niyang sabi at ipinakita ang isang paper bag saka humiwalay sa akin.
"Chibog na please!" Sigaw ni Bea.
"Chef! Masarap ba luto mo?" Tanong ni Aby kay Chef Da, madami din pala silang nilutong putahe.
"Kumain ka na lang dyan." Sagot ni Chef.
"Kain ka na." Sabay pat ni Mika sa ulo ko at nagtungo na sa table ni Bea at Jia.
Kumuha na nga ako ng pagkain at may nakaready na din silang videoke dito. Humirit na sila sa pagkanta, sa sobrang busy ko nakalimutan ko na ang birthday ko. Oo thankful naman ako, pero wala kasi akong kasamang magcelebrate kaya hindi ako naeexcite at madalas kong nakakalimutan ang mga bagay bagay.
Ang magaling kong kaibigan ay binilhan ako ng damit dahil overnight pala kami dito, napatingin naman ako kay Doctor Weird na masayang nakikipagkwentuhan sa kapatid niya, nagtama naman ang tingin namin kaya I mouthed thank you. Nginitian niya ako nang matamis at umakbay kay Jia.
"Bakla! Sino naman yang doctor na yan?" Tanong ni Aby.
"Psychologist ko yan. Dahil nga dun sa panaginip ko." Sagot ko.
"Psh, di ko siya gusto para sayo." Sabi niya. Agad naman napataas ang kilay ko sa narinig. "Gurl wag ako, yung tingin mo sa kanya alam kong gusto mo siya." Napakunot naman ngayon ang noo ko.
"Ano ba Aby, matanda na yan si Raine. Sino ba tayo para diktahan kung sino man yung mapusuan niya diba?" Sabat ni Den.
"Mas bagay sila ni Marco." Balik ni Aby.
"Ewan ko sainyo." Tigil ko sa kanila at nagpatuloy na lang sa pagkain ng cake.
Umuwi na si Chef Da, si Den, Aby at Jia naman ay nagpaiwan dahil overnight nga ito pero agad naman silang pumanhik para matulog na dahil alas dos na din.
Nakalubog lang ang paa ko dito sa pool nila, seeing how wealthy doctor Weird is, wala akong binatbat kay Rhian kung sakali man. Although hindi pa naman ako totally into her, iniisip ko lang ang mga possibilities.
"Athena." Napaangat naman ang tingin ko.
"Hi, doc." Wika ko at tinap ang space sa tabi ko bilang paanyaya na tabihan niya ako.
"Kumusta?" Tanong niya.
"Masaya ako, itong birthday ko na lang ako ulit naging masaya sa totoo lang." pag-amin ko.
"I'm glad masaya ka." Sabi niya.
Sumandal naman ako sa balikat niya. "Bakit mo ginagawa 'to?" Wala sa loob kong naitanong. Hindi naman siya sumagot kaya hinayaan ko na lang. "Thank you for this."
"Walang anuman labs." Saka siya tumawa kaya kinurot ko ang tagiliran niya. "Aray aray, Athena. Masakit aray." Reklamo niya habang nagpipigil nang tawa.
"I hate you!" Sabi ko kaya binatukan niya ako.
"Prinepare ko na yung tub sa bathroom, malapit lang din sa kitchen kung gusto mo maligo. Yung damit mo pala, nagdala sila Den ng damit na nalabhan na din kaya no worries." Tumayo naman na siya at inoffer yung kamay niya.
Naligo na nga ako at hinintay naman niya ako matapos. Pag-akyat namin sa dapat na kwarto ko ay doon natulog si Bea at nakayakap pa kay Den, napailing na lang si Mika at nagtungo sa isa pang kwarto.
"Dito ka na lang. 3 lang kwarto dito e, kay Ate Lucy yung isa. Sa couch na lang ako." Sabi niya.
"Dito ka na, malaki naman yung kama."
"Uyy labs, wait di pa ako prepared."
Agad ko siyang sinamaan nang tingin at nag sign of the cross naman ito sa index fingers niya, bastos tong taong to. "Peste ka. Hala sige, lamigin ka sana." Saka ko siya inirapan.
Tumawa lang siya at nahiga na. Chineck ko naman yung regalo niya, isang Michael Korrs na smart watch. Shet, ang mahal nito. Dali dali akong naupo sa tabi niya at niyakap siya.
"Huyy, thank you dito." Naiiyak kong sabi.
"Galing samin ni Bea yan. Know that we'll always be here for you." She smiled at naiyak na ako. Sobrang thankful ako nakilala ko sila, siya.
"Thank you talaga."
"Uyy ano ka ba, tahan na." Natawa naman siya. "Wag ka na umiyak."
"Masaya lang ako." Sagot ko habang inaalo niya ako.
"Oo na, matulog na tayo." Sabi niya at humalik sa noo ko. "Goodnight labs. Aray!"
"Labs mo mukha mo." Sabi ko.
Di na niya pinansin ang sinabi ko. I leaned to kiss her cheeks sana as thanks and goodnight pero humarap siya. f**k. Nanlaki ang mga mata ko at agad napalayo sa kanya.
"Sorry. Di ko sadya. Goodnight." Sabi ko at pumwesto na nang nakatalikod sa kanya.
Sinabunutan ko ang sarili ko nang palihim dahil sa nangyari. Shet, first kiss ko yun. Ang tanga mo Raine. Nakakahiya ka talaga kahit kailan.
Napahawak naman ako bigla sa labi ko, kailan pa ako naging magnanakaw nang halik?
Ah, help.