Bea
Naabutan ko si ate na nakatulala sa may dining nang bumaba ako. Maaga pa kaya tulog pa ang lahat, sanay lang talaga kami magising ng maaga.
Malayo ang tingin niya at tila ba napakalalim nang iniisip. She didn't even notice na nasa harap na niya ako kaya napasapo siya sa kanyang dibdib when I clapped.
"Aish!" Inis niyang sambit at ginulo ang buhok niya.
"Goodmorning Weirdo. Problema mo?" Tanong ko at chineck ang mga kabinet, nasaan na ba yung Milo dito? "Hmm, saka ikaw ha, bakit dun kayo sa kabila natulog ni Raine?" May himig nang panunukso kong sabi.
"Wala." Saka niya itinago ang mukha niya sa palad niya, I know my ate very well kaya wala siyang maitatago sa akin.
Binangga ko naman nang mahina ang balikat niya. "What happened? Namumula ka." I smirked at umupo sa tapat niya at hinalo na yung Milo na tinimpla ko.
"Ahhhh!" Umiling-iling pa siya. Kwinelyuhan naman niya ako at niyugyog buti na lang at hindi natapon yung Milo ko. Binitawan naman din niya ako agad at muling yumuko. Nag-angat siya nang tingin at parang masisiraan na ng bait ang ate ko. "She f*****g kissed me." Sabi niya at abot noo na ata ngiti niya.
"Kiss lang pa—" napatingin ako sa kanya at ngumuso naman ito. "What?!"
"Hinalikan niya ako." Pabulong niyang sigaw then she pursed her lips dahil nagpipigil siya nang kilig at marahang hinampas hampas yung lamesa.
Napailing ako. "Nakakatawa ka ate, para kang tanga." Sa sinabi ko ay binatukan niya ako. "Aray!" Sabay himas ko sa ulo ko.
"Ahh, shet." Sabi niya at idinukdok ang mukha niya sa palad niya, namumula na yung tenga niya.
"Ah, this girl is inlove with you mare." Kanta ko at tumawa saka humigop sa Milo ko.
"Goodmorning." Bati ni Jia.
"Aga mo ah." Sabi ko sa kanya.
"Naalimpungatan ako tapos wala ka na sa tabi ko." Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko kaya napaiwas ako nang tingin sa kanya. "Hi ate Mika, kumusta tulog mo?"
"Napakaganda!" Ako na ang sumagot para kay ate kaya sinipa niya ako under the table.
"Bakit doon ka natulog? Usapan natin tabi tayong dalawa ah." Nakapout na sabi ni ate sa akin.
"Okay na yan, happy ka naman e." Sagot ko.
"Did something good happen?" Tanong ni Jia. Hindi na namin nasagot iyon dahil bumaba na din si Raine. "Goodmorning Raine." Bati ni Jia.
Tango lang ang isinagot sa kanya ni Raine at naupo malayo kay ate. Nakakatawa silang dalawa, halatang may something na nangyari since okay naman sila kagabi.
"Anong nangyari?" bulong na tanong ni Jia sa akin.
Umakbay naman ako sa kanya. "Why don't you ask your friend over there." sabay nguso ko kay Raine.
"Hoy Raine, anong ginawa mo kay ate Mika?" Kumunot naman ang noo ni Raine at nakita kong namumula lalo ang tenga ni ate. "Did something happen?" Nasamid naman si Raine dahil umiinom siya ng tubig.
Natawa na lang ako at nagpaalam na maliligo na muna, bahala sila dyan. Pagkatapos ko maligo ay ako naman ang kinulit ni Jia, I can't tell her what happened. Dapat manggaling yun sa kanilang dalawa, it's what ate always told me. If it does not involve you, keep your mouth shut unless may naaagrabyado.
Buti pa si ate kahit magulo sila may progress, kami? Wala, natatakot ako sa pwedeng mangyari because unlike ate, hindi ako confident sa sarili ko. Isa pa, I calculate things kahit di ako mahilig sa Math. Gusto ko precise, and ayoko mawala si Jia sa akin.
"Hey, you're zoning out." Saka niya tinampal ang noo ko.
"Ji, what should I do if I like someone?" Nagitla naman siya sa tanong ko, mukha nga naman kasi akong hindi magseseryoso.
Nag-iwas siya nang tingin. "Ano bang problema?"
"Hindi ko kasi masabi sa kanya." Tiningnan ko naman siya. "Natatakot ako na mawala siya kapag sinabi ko."
She bit her lip. "I understand where you're coming, I too can't risk our friendship kaya hindi ko masabi."
"Y-y-you l-like so-someone?" Nauutal kong tanong at tumango siya. Nanikip ang dibdib ko sa narinig.
"Hindi ko alam Beatriz, hindi ko rin alam ang dapat gawin lalo't may iba naman siyang gusto." Napabuntong hininga naman siya. "Maybe being friends would be enough sa ngayon, try ko na lang sa sunod." Saka siya tumawa.
"Sige, sa sunod ko na lang din ita-try yung sa akin." Sagot ko at bahagyang ngumiti.
And I hope it would be sooner.
*****
Mika
Isang linggo na ang lumipas nung birthday ni Rad, ang awkward pa rin namin nitong mga nakaraan. Madalas kasing nagyayaya si Bea papunta sa kanila, hindi naman ako makatanggi dahil, ano, dahil gusto ko din. Hehe.
Di ko alam paano kikilos sa harap ni Rad, nang magtama nga ang kamay namin minsan ay agad naming binawi iyon at hindi na rin kami magkatabi sa couch niya. Sobrang awkward talaga namin, dinaig pa hindi magkakilala.
"Hi." Bati ni Rhi sa akin nang makalabas na siya sa bahay nila.
"You look good tonight, Rhi." Bati ko at bumeso sa kanya. "Shall we?" Pinagbuksan ko naman siya ng kotse.
"You look cool as ever." Komento niya when I got in.
"Thanks." I smiled at nagdrive na.
Ngayon yung sinabi niyang event ng papa niya. I guess this is about their business, the Reed's are really good at it, no wonder na kilalang kilala sila. Hindi ko nga alam why she still wanted me when in fact she could get anyone naman.
When we got sa venue which is a castle like place, dinala ako ni Rhi sa table na nakareserve daw sa amin. Sabi ko doon muna ako dahil may mga kakausapin pa daw siya. I really hate going to parties like this but for the last time, I'll be her date.
"Oh, so you're here." Rinig kong sabi ng familiar na boses kaya napaangat ang tingin ko.
Nagulat naman ako nang makitang kasama niya si Rad, what on Earth is happening? "Of course, your sister invited me." Plain kong sagot nang makabawi ako.
"I do believe na magkakilala na kayo, right?" Sabay hawak niya sa waist ni Rad. Napataas naman ang kilay ko.
"Yes, she's my —" I stopped and take a good look at Rad, she's my patient but she's more than that. "She's a good friend of mine." I smirked para inisin si Marco. "Ano mo siya?"
"My future girl maybe?" Saka siya nagshrug while smiling. Kairita.
"Marco." Saway sa kanya ni Rad.
I sip on my drink. "Well how unlucky of her."
He chuckled lightly saka tinap ang balikat ko. Actually, mabait naman tong taong 'to, si Rhian lang talaga dahilan nang bangayan namin.
"Sasamahan ko muna si Rhian." Paalam niya kaya kinabahan ako bigla. "Raine, dito ka na lang muna, baka sumakit ang paa mo."
"Sure." Saka niya ito nginitian.
"Mika, ikaw na muna bahala sa kanya." Sabi ni Marco kaya tinanguan ko siya.
Mas naging awkward tuloy kami ngayon. Maingay ang paligid, may music at rinig ang talakan ng mga tao pero heto kami, tahimik. Hindi ko alam kung paano uumpisahan makipag-usap sa kanya pero bahala na, sa totoo lang miss ko na siya.
"You look dazzling tonight, Athena." Wika ko pero hindi ko siya matingnan.
"Thanks." Maikli niyang sagot.
Napabuntong hininga ako. Hindi pwedeng ganito na lang kami palagi. "Uhm, Athena. About sa ano—"
"Babe, hanap ka ni papa pero magsi-CR muna ako. Puntahan natin siya pagbalik ko." Singit ni Rhi at kinawayan si Rad.
Shzz mas awkward situation. "Nice, kayo na ulit?" Malamig niyang tanong.
"What? No." Bored kong sagot. "I'm so over Rhi. We're friends."
"You can't be friends with your ex." Mataray niyang sabi.
"Says the girl who never entered a relationship. Tigilan mo na yang kakabasa mo ng Wattpad." Natatawa kong sabi sa kanya. "What are you doing here?"
"I'm obviously invited?" Sarcastic niyang sagot, bakit ba ang sungit niya?
"Sungit." Comment ko at nakita si Rhian na pabalik na kaya tumayo na muna ako at sinalubong siya.
Dinala niya ako sa papa niya at nakipagkamustahan. Legal naman kami noon sa kanila, nakakatawa dahil pati sila gustong magkabalikan kami ni Rhian. I politely decline their offer because, I like someone else.
Bumalik na din kami agad ni Rhi at naroon na rin si Marco. 4 seater lang ang table namin at magkatabi kami ni Rad, how awkward?
"Babe, ang dungis mo." Wika ni Rhi at pinunasan ang gilid ng labi ko.
"Aray." Wika ko nang maramdaman kong may umapak sa paa ko. Alam kong si Rad iyon pero patay malisya lang siya. Inisip ko na lang na hindi iyon sadya. "Ikaw din." sabi ko kay Rhi at pinunasan din ang labi niya.
"Ang sakit niyo pa rin sa mata." Komento ni Marco, have I told you na siya ang favorite third wheel namin noon kahit against siya sa amin?
"Kuya, maglovelife ka na kasi."
"Kung ako lang gusto ko e, ewan ko lang dito sa katabi ko." Nasamid naman bigla si Rad.
"Ah, so you like her pala?" Rhi smirked. "Malas mo." Natawa naman ako at nakipag-apir kay Rhi.
"Wow! What a support, Rhi." Marco chuckled at napailing na lang. "Minalas din si Mika sayo sa totoo lang."
"Uy, di ah. Masaya ako kay Rhi noon." Sagot ko at nagsidehug naman si Rhi sa akin. Agad akong napangiwi nang matapakan ulit ang paa ko. Parang bumaon na yung stiletto ni Rad sa akin.
Tinawag naman ang magkapatid kaya muli kaming naiwan ni Rad sa table. Tumayo ako at hinatak siya palabas.
"Bitawan mo nga ako!" Reklamo niya na hindi ko pinansin. "Mika ano ba?!"
I let her go. "Bakit mo ako tinatapakan?! Masakit kaya!"
"Ang landi mo kasi." Sagot niya at napapalakpak naman ako saka tumawa.
"Hindi ako malandi, Rad."
"Oo nga pala manyak lang." sabay irap niya kaya I pinned her on the wall.
I looked at her in the eyes. "Are you somehow jealous?"
"Why would I?"
I smiled. "Oo nga, why would you?" I'm hurt, so deeply hurt. Binitawan ko na siya at ibinulsa ang mga kamay ko. "Pumasok ka na, baka lamigin ka dyan."
"Doctor Weird." Tawag niya bago ako makapasok. "About what happened last week." She sighed. "I'm really sorry."
"Hindi mo naman sinadya diba? Kalimutan na natin yun." Sabi ko at papasok na sana pero niyakap niya ako mula sa likod.
"Sorry na, doc. Miss na kita." Napapikit ako at napangiti.
Hinarap ko siya bago akbayan. "I missed you too, Rad. Pasok na tayo."
When we got back ay agad na ding bumalik ang magkapatid. I think Rad and I are okay, nakikitawa na rin siya, and it's good to see her laughters again.
"Ah, Iremember when Mika first slept sa bahay, papa doesn't want na magtabi kayo." Kwento ni Marco, oh gash.
"Hey, papa is just thinking negatively! Napakabait kaya ni Mika." Pagtatanggol ni Rhi.
"Yeah, kaya pumayag si mama and they leaned against your door listening carefully kung may maririnig silang kakaiba." Marco laughed hysterically kaya napasapo ako sa aking noo.
"Ghad Marco, stop it." Hiyang hiya kong sabi.
"So what did they hear?" Tanong ni Rad in a straight face.
"No please don't." Pakiusap ko kay Marco habang tumatawa siya. "Lilinisin ko restaurant mo, please!"
"You know sinakitan si Mika ng tyan so they heard a bomb. It stinks."
"Shut up!" Sabay bato ko sa kanya ng table napkin. Napailing naman si Rad at tumawa.
"If only I could turn back time hindi ako makikipagbreak sa taong 'to." Sabi ni Rhi at kinurot ang pisngi ko.
"Bibigay din yan si Mika ulit sayo." Komento ni Marco.
Napailing na lang ako dahil napagtulungan nanaman ako. When we were about to go home, I offered Rad a ride, Marco hesitated pero umoo naman si Rad kaya wala na siyang nagawa.
"You look troubled. Ano iniisip mo?" Tanong ko nang mapansin kong hindi siya okay habang nasa byahe kami.
"Psych ka diba? Bakit di mo hulaan."
"Di ako manghuhula." Sagot ko.
"Wala lang to."
I saw her clenched her fist kaya hinawakan ko ang kamay niya, she relax after that kaya nang luwagan niya ang kamay niya, I slowly slid my hand and enclasped it with hers. Hindi naman siya umangal at hinigpitan lang ang kapit sa kamay ko dahilan para mapangiti ako.
Yung feeling ng kamay niya, ahh. Kinikilig ako, help.
When we got sa tapat ng pinto niya ay nagpaalam na din ako, but something is driving me crazy kaya tinawag ko siyang muli.
"Bakit?" Tanong niya.
"Sorry." Sabi ko.
"Para saan?" Taka niyang tanong.
"Gusto lang kitang singilin for stealing something from me." I smiled sheepishly.
"Ha? I brought you Apples naman nung nakaraan and wala akong kinuha sayo."
"Meron kang kinuha."
"Ano? Alin?"
I leaned in for a 3 second kiss that stoned her. "You stole a kiss from me, kinuha ko lang. Goodnight, Athena."
I dashed my way back sa kotse ko bago pa siya matauhan at bago pa ako masampal. Napahawak ako sa labi ko bago iuntog ang noo ko sa manibela. Nagpapapadyak ako ng paa nang impit. I exhaled pero shet ahhh. I really did kiss her. Ghad.