XIII:

1768 Words
RAD I was taken aback dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwala kaya pinipisil ko ang pisngi ko habang papasok ng bahay. Naupo ako sa couch at napahawak sa labi ko. Unti unting kong naramdaman ang pagngiti ng aking mga labi. I pursed my lips at kumuha ng unan para isigaw ang nararamdaman. Hindi ko na din maintindihan kung ano ba ito, simula nung gabing aksidente ko siyang nahalikan ay hindi na ako comfortable when she's around. Di ako comfy not because nanakawan ko siya nang halik, but it's because I'm feeling weird, may kung ano sa tyan ko when she smiles, when she's near my heart goes wild; I really am uncertain, I've never been like this before. Do I — Am I — Oh s**t. Tama na nga siguro kakabasa ng libro. I'm being hopeless romantic. Wala lang 'to. Paulit ulit kong pangugumbinsi sa sarili ko dahil ayoko, ayoko pa. Pero kung si Doctor Weird siguro pwede na. Ahhh, hindi, hindi pa ako handa. Patuloy lang akong nakipagtalo sa sarili ko, nawaglit na lamang ako sa iniisip ko when my phone rung. I saw Bea calling kaya naman sinagot ko ito agad. "Hello?" Bungad ko. "Hi! Nasabi sa akin ni ate na kasama ka niya, hindi ko macontact e. Pauwi na ba kayo?" "Kanina pa niya ako naihatid." Napatingin naman ako sa aking relo. Halos isang oras na rin pala ako nagmumuni muni. "1 hr ago niya pa ako naihatid." "Saan naman kaya nagsuot yun, usually kasi 30 minutes lang nandito na yun kapag galing dyan." Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses. "Baka natraffic lang." sagot ko. "Sana nga, sige I'll wait for ate na lang. Thank you and goodnight, Raine!" Paalam niya. "Goodnight to you too, Doctor Beatriz." She ended the call kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko upang kumuha ng damit. Naghilamos na din ako at nagpalit after saka nahiga sa aking kama. Isang oras na din lumipas simula nang tumawag si Bea kaya't muli kong tiningnan ang phone ko to check kung nakauwi na si Doctor Weird pero wala naman silang update kaya I tried to text Doctor Weird. To: Doctor Weird Hey doc, you home? Walang sumagot kaya nakailang text pa ako dahil nag-aalala rin ako. Hindi naman siguro siya tinamaan sa ininom niyang wine diba? Saka naka dalawang baso lang naman siya. I tried to dial her number pero walang sumasagot kaya hindi na ako mapakali. Sinubukan ko ding tawagan si Bea, naka-ilang tawag din muna ako bago niya iyon sagutin. "Nandyan na ba si doc?" Tanong ko. "Ate! Si Raine." Rinig kong sabi niya sa kabilang linya. "Hey." Napawi naman agad ang pag-aalala ko nang marinig ko ang boses niya, kainis. "Bakit hindi ka man lang nagtext na nakauwi ka na? At bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa umalis dito ah. You didn't know how —" I stopped, why am I acting like a girlfriend gaya ng mga nabasa ko, psh. "Sorry." "Ah don't be." I heard her chuckle from the other line. "My phone got drained, may dinaanan lang akong friend sa bar and ayun, Kinailangan ko pang asikasuhin." Sagot niya. "Who?" Wala sa loob kong naitanong. "Ah, labs don't be jealous." Natatawa niyang sabi. "Leche ka." "One of my flings lang before. She happened to dial my number instead and she passed out kaya sobrang natagalan ako." Paliwanag niya. "Are you really that friendly at friends ka with your flings and ex?" Now I sounded like a jealous girlfriend kahit hindi kami. "Ah, kalimutan mo na nga ang sinabi ko. Goodnight doc." "Okay sure, goodnight labs." Saka siya tumawa. "Hey." "Oh?" Irita kong sagot. "Wala pala, nevermind." At dali dali niyang pinatay ang tawag. Naisapo ko na lamang ang palad ko dahil sa inasta ko, nakakahiya! Baka isipin niyang nag-assume ako dahil sa ginawa niya. Although ka-assume assume naman talaga yung pinaggagagawa niya lately, I'm still holding myself, mahirap nang masaktan, mahirap umasa sa wala. ***** Beatriz I asked ate to accompany me kanila Jia since she asked me to help her out to make desserts. Sabi ko nga sa kanya kay ate siya magpatulong but she insisted for my help pero sinama ko pa rin si ate kasi I can't live without her haha. "Sayang yung time niyo ni Jia together, it's Christmas, bakit mo pa ako isinama?" natatawang sabi ni ate. "E ate, nahihiya ako. Nandun kasi parents niya." "Bakit ka mahihiya? Nagpapatulong lang naman si Jia. Hindi ka naman pumunta dun in your own, wala ka namang balak na masama." sagot niya. "Isa pa, time niyo yun ni Jia, ginawa mo pa akong third wheel sa inyo." saka siya tumawa. Nahiya naman ako bigla. "Ate naman e." Hindi kasi ako sanay na inaasar asar niya ako kay Jia. Isa pa, paano siya magiging third wheel, may iba namang gusto si Jia. "Sige na, mananahimik na." then she even zipped her mouth before smiling teasingly. Nanahimik naman siya gaya nang sabi niya at nagpipipindot sa phone niya, malamang sa malamang katext nanaman si Raine. Ang galing niyang sabihan ako ng kung ano e siya rin mismo hindi naman ganun kalayo ang progress sus. "Hi." Bati ni Jia nang makapasok na kami. "Merry Christmas." sabay abot ko ng paso kong dala. Atlis ito hindi namamatay. "Balak mo bang i-extend garden niyo dito?" natatawa niyang sabi. "Uyy si Bea nagtanim niyan." sabi ni ate. "Joke lang ate, thank you. Gusto mo bang makita yung binigay mo dati?" she smiled kaya nang tumango ako ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa harap ng bahay nila. May bulaklak na iyon kaya napangiti ako, muli na niya akong hinatak sa kusina para simulan ang gagawin namin. Gumawa lang naman kami ng mangilan ngilang desserts. Of course, di mawawala ang all time favorite na Graham. Pinalamig na muna namin iyon at nanood muna ng movie. Nahiga naman sa lap ko si Jia kaya sinuklay ko ang buhok niya. "Saan kayo magcecelebrate?" tanong niya. "Uuwi kami ni ate ng Batangas." sagot ko at napatingin sa orasan ko. "Hala, anong oras na nandito pa kayo, baka matraffic kayo." sabi niya dahil ala una na. "Don't worry, kasama ko si the Flash e." natatawa kong sabi at binato ako ni ate ng unan na agad kong sinangga para di matamaan si Jia. "Mahal ko buhay ko, Beatriz." komento ni ate na nagpaismid sa akin. "Sino ba?" sabi ni Jia at ngumisi, naunahan ako. "Sige, pagkaisahan niyo ako." sabay pout ni ate. "Kakain muna ako ng Graham, nagugutom na ako." sabi niya at nagfeel at home na ang bruha sa kusina. "Wait lang pala." sabi ni Jia at nagtatatakbo patungo sa isang kwarto. Paglabas naman niya ay ngumiti siya nang malapad. "Tadaah~" sabay abot niya ng isang regalo. "Hala, thank you." kinuha ko naman iyon. "Saka ito pala kay ate Mika, pakibigay na lang, nahihiya ako e."  Natawa naman ako pero agad nabawi nang pumasok sa isip ko yung sinabi niya noong nakaraan. Yung gusto niya, may gustong iba. Si ate ba yung tinutukoy niya? Napabuntong hininga naman ako, mukhang I'll always be behind ate in any ways.  "Jia, kinuha ko na rin itong ginawa mo para sa amin ni Bea ha." wika ni ate, mukhang tapos na kumain. "Beatriz, nagtext si mother dear umuwi tayo ng mas maaga." Tumayo naman na ako. "Una na kami Ji. Merry Christmas ulit." sabay pat ko sa ulo niya. "Ingat kayo." "Bye Ji!" sabi ni ate at bumeso dito, sakit sa mata. Hinatid naman kami ni Jia hanggang sa kotse. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ang necklace na binili ko sana para sa kanya. She was talking to ate pa, nakaramdam nanaman ako nang kirot kaya nagdecide akong huwag na lang ibigay, maybe next time. Tahimik lang ako habang nagdadrive si ate, since unusual ay nag-alala naman siya bigla. "May problema ba?" Tanong niya. "Iniisip ko lang kung sino sinong nasa party ng mga Weird mamaya." Palusot ko. "Beatriz." she paused at nagpakawala nang isang buntong hininga. "Matutulog muna ako ate." Pigil ko sa kanya at ipinikit ko na lang ang mata ko. ***** RAD My friends are all busy, natural lang naman siguro yun dahil Christmas. Den and Jia invited me to spend the day with them pero I refused, okay naman ako kasama ang mga kapitbahay ko. Napakathoughtful nila to make me feel not alone during this time of the year. Malungkot na mag-isa lang, but life must go on, hindi naman titigil ang ikot nito dahil sa akin. May pasok pa ako today hanggang 6 pm, maaga lang nang konti ang uwi for Christmas Eve. Niyaya din ako ni Marco kumain pero hindi ko feel lumabas ngayon kaya't kinailangan ko siyang tanggihan. He gave me a present, taos puso akong nagpasalamat dahil doon. Hindi na ako nagprepare, masasayang lang naman iyon kaya't bumili na lang ako ng ilang pagkain. I've received early greetings from my friends kaya binasa ko na iyon. From: Dennise Merry Christmas, guuurl. Love you always. You know I got you always  From: Jia Merry Christmas, Raineeee. Sad ka ba dyan? Sabi sayo dito ka na lang e. :( From: Aby Merry Xmas, baklaaa! Niregaluhan ka ni Marco? From: Bea Merry Christmas, Raine ☺️ From: Marco You could come over if you're feeling lonely, welcome ka dito. Merry Christmas :) Isa isa ko na silang nireplyan, nakakainis lang dahil yung taong gusto kong bumati sa akin ay hindi ako nagawang itext. Pero gayun pa man ay nagcompose pa rin ako ng message para sa kanya. To: Doctor Weird Hi! Merry Christmas, doc! Enjoy! Grabe, alas dose pa lang naman. Don't tell me na tulog na agad siya para hindi makareply? Mas nafifeel ko yung lungkot kapag ganito, na hindi mo makausap yung mga taong gusto mong kausap. Miss ko na parents ko, sana hindi sila kinuha ng maaga sa akin para hindi ako nalulungkot ng ganito. I wish I could have spent more years with them. Bago pa ako maiyak ay may kumatok sa pinto kaya naman binuksan ko iyon. "Merry Christmas, Athena!" Bati niya kaya nag-unahan nang tumulo ang luha ko. "Huy, bakit ka umiiyak?" "Masaya lang akong nandito ka Mika." Niyakap ko naman siya, ang saya lang na may nag-abalang samahan ako ngayong araw. "Nakakainis ka naman, pinapaiyak mo ko e." Reklamo ko at bahagya siyang hinampas. "Ay okay sige uuwi na ako wag ka lang umiyak." "E, dito ka lang." saka ko hinigpitan lalo ang yakap sa kanya. "Di ka ba pinagalitan?" Umiling naman siya. "Sabi ko may pasyente akong malapit nang mabaliw." Saka siya tumawa at masuyong hinaplos ang buhok ko. "You won't be alone again." Sabi niya dahilan para kiligin ako. "Kumain ka na ba? May dala akong food." Umiling naman ako kaya inakbayan niya ako saka kami naupo sa may dining. Nagkwento lang siya sa nangyari sa maghapon niya, hindi ko na nga maitindihan dahil nakatulala na lang ako sa kanya. Napapangiti ako sa bawat hagikhik niya, hindi ko na nga din mawaglit ang tingin ko ni isang segundo sa kanya. Hindi ko man naiintindihan kung ano ang nangyayari, bakit siya nandito at bakit siya nag-effort samahan ako, ay wala na akong pake. Isa lang ang sigurado ako. Gusto ko si Mika. Gusto ko si Doctor Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD