Mika
Hindi na kami nakatulog ni Rad kakakwentuhan namin, hindi ko man mapupunan yung nawalang space sa pagkawala ng parents niya, atleast nabawasan ko ang lungkot niya kahit papaano.
Umaga na at mukhang drain na ang energy niya pero kailangan niya pa daw mamigay ng pamasko, tinimplahan ko na lang siya ng kape para panlaban sa antok.
"Uyy, ang sarap nang timpla mo." Masaya niyang sabi.
"Ah, galing yan sa Amadeo. Binilhan na nga din kita kasi the best ang kape nila doon." Sagot ko sa kanya at humigop na din sa kape ko.
Inamoy naman niya muna ang kape at mukhang na-satisfy sa mabangong aroma saka ngumiti. "Thank you talaga doc sa pagsama sa akin." Pang-ilang ulit niya nang nasabi iyon.
Nginitian ko lamang siya. "Bakit kasi hindi ka sumama kay Jia? Nabanggit niya sa akin na niyaya ka niya."
"Nahihiya ako."
Napabuntong hininga naman ako saka siya tiningnan. "Rad, she thinks of you as family. Hindi mo kailangan mahiya dahil hindi ka naman naiiba sa kanya." I pat her head na din at hinaplos ang buhok niya. "Quit thinking na mag-isa ka na lang, what we call family doesn't just run in the blood, it's here." Sabay tap ko sa ulo niya "and here." Pointing to her heart.
"E sayo? Ano ako sayo?" Bigla niyang tanong dahilan para maramdaman ko ang pag-init ng tenga ko.
"Ikaw, ikaw yung taong gusto ko."
Sa isip isip ko lamang iyon nasabi. Hindi ako nakasagot agad, kahit pa mainit pa yung kape ko ay hindi ko inalintana ang init at lumagok nang sunod sunod. Paano napunta sa ganoon? Hindi pa ako handang sabihin na gusto ko siya dahil una sa lahat, wala akong lakas ng loob.
Utang na loob Mika! Hinalikan mo na nga tapos wala ka pang lakas ng loob?! Singhal ng isipan ko.
"Namamasko po!" Wika mula sa labas kaya agad akong kumuha ng kendi at barya para i-abot iyon sa bata.
"Merry Christmas." Wika ko.
"Salamat po!"
Hindi ko na isinara ang pinto niya para makita ang mga batang namamasko, hindi naman na na-ibalik ni Rad yung pinag-uusapan namin kanina, maigi na lang dahil may tamang oras para doon, hahanap lang ako ng magandang tsempo para masabi.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong niya habang naghuhugas nang pinagkainan namin.
"Nope, probably by now they're still sleeping." Sagot ko dahil all night party naman palagi ang pamilya namin kapag magkakasama.
"Anong oras ka pala uuwi?" Tanong niya.
"Pinapauwi mo na ba ako?" Awkward kong tanong.
"Tinatanong ko lang naman." Depensa niya. "Matulog ka muna, hindi kita papauwiin hanggat hindi ka natutulog." Malambing niyang sabi kaya napangiti ako.
Ayieee concern.
Nagpangalumbaba ako at tiningnan siya nang may ngiti sa aking labi. Mapang-asar ang mga iyon kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"Problema mo?"
"Wala naman." Sagot ko.
"I just don't want to lose someone dear to me again. Matulog ka na sa kwarto ko, kasya ka naman dun." Sabi niya.
At dahil seryoso siya ay nagtungo na nga ako sa kwarto niya para mahiga, hindi na din kaya ng kape labanan ang antok ko dahil mahigit isang araw na rin akong gising.
*****
"Sure kang okay ka na? Di ka na inaantok?" Tanong niya.
"Yep, thank you for today."
"No, thank you." She smiled.
"San ka sa New Year?" Tanong ko dahil ayoko naman mag-isa nanaman siya sa araw na iyon.
"Dito lang ulit." Natatwa niyang sabi.
Kinunutan ko siya ng noo. "Susunduin kita dito then we'll go —"
"Nahihiya ako sa parents mo." She cut me off kaya natawa ako.
"Wala sila dito sa New Year, so Beatriz and I are planning to celebrate with the kids, so ano? Sama ka?" I held her hand, her palm resting against mine and brushed the back of it using my thumb. "Ayokong mag-isa ka." Napaiwas nman siya nang tingin at napayuko.
"Oo na, sige na." Sagot niya.
"Well then, I'll see you on the 30th. Una na muna ako." Paalam ko saka tumayo sa couch.
"Ingat ka." She then gave me a kiss sa aking pisngi. I nodded at umalis na.
Sa Batangas pa din ako umuwi ngayong araw, halos alas gis na din ako nakauwi kaya tumpulan ako nang tukso. Hindi ko na lang din pinansin, ang mahalaga masaya siya, at masaya din akong kasama siya.
Mabilis na dumaan ang mga araw, papunta na kami ngayon ni Bea sa bahay ni Rad upang sunduin ito.
"Beatriz, kumusta kayo ni Jia? Hindi ka daw nagtetext sa kanya." Sabi ko dahil lagi siyang hinahanap sa akin ni Jia, kulang na nga lang e paloadan siya ni Jia sumagot lang ito.
"Okay naman kami. Wala lang akong load, kailangan ba lagi ko siyang kausap?" Napakunot naman ang noo ko sa narinig.
"Ano bang problema mo? I mean, gusto mo yung tao pero bakit ka ganyan umasta?" Inis kong sabi sa kanya. "Kung ayaw mo siyang kausap, sabihin mo. Hindi yung pinag-aalala mo yung tao kung may nagawa ba siyang masama sayo o ano."
"Ano naman kung bigla ko na lang di kausapin? Kawalan ba yun?"
Naiinis na talaga ako kaya I pulled over. "Beatriz, sa araw araw na magkausap kayo tapos bigla mong ititigil, at halos isang linggo na, hindi ba yun kaisip isip? Attached na sayo yung tao hindi mo ba nakikita yun?"
"As if I care, may gusto naman siyang iba bakit hindi na lang yun ang kausapin niya."
Naisapo ko na lamang ang palad ko sa aking noo at inihilamos ang mukha ko sa inis. Para silang mga tanga, parehas torpe, parehas manhid, wala talaga silang patutunguhan neto. Gustuhin ko man makialam ay di ko naman pwedeng gawin iyon dahil diskarte na nila yan. Napailing na lang ako at nagdrive sa paboritong ice cream shop ng kapatid ko para naman mahimasmasan siya.
"Ate, sorry." Wika niya.
"Hindi mo kailangan magsorry sa akin. Kuha ka lang ng gusto mo, ako na bahala magbayad." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy lang sa pagkain ng ice cream.
"May gustong iba yung gusto niya." Bungad niya kaya napakunot ang noo ko. "Wala naman akong laban doon."
"Siya ba nagsabi niyan?"
"Oo nung nag-usap kami one time. Sinabi ko kasing may gusto ako tapos di ko alam gagawin. Ayun sinabi niyang parehas kami." Nagpout pa siya, natawa na lamang ako nang malakas sa narinig. Nakakaiyak sa tawa yung pinaggagagawa nilang dalawa. "Anong nakakatawa?"
"Wala naman." Nagpahid pa ako ng luha. "Ubusin mo na yan, kumuha ka pa ng baon mo kung gusto mo, hinihintay na tayo ni Rad."
"Ate naman e, ano ba dapat kong gawin?"
"Go for it." Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.
Nagpout naman siya. "Di naman ako kagaya mo na malakas ang loob." Wika niya.
"Hindi ko pa nasasabi kay Rad, pero soon, balak ko naman e. Ayokong mahuli ang lahat lalo pa at nanliligaw si Marco sa kanya. Hindi malakas ang loob ko Beatriz." Natatawa kong pag-amin sa kanya. "Pero pinaparamdam kong mahalaga siya with all the little things. Kahit papaano may nagagawa ako para pasayahin siya."
"Ah, I wish I could do the same." She frowned kaya pinisil ko ang pisngi niya.
"Just try. You have nothing to lose." I smiled, because you already have her.
Nagtungo na nga kami kay Rad, agad ko namang inabot ang ice cream niya bago pa ito matunaw nang tuluyan saka nagpunta sa mga bata. May dala kaming food para mamayang gabi, pati na din mga fireworks.
Si Bea ang nag-asikaso sa dining habang naglalaro naman si Rad kasama ang mga bata. Nakasandal lang ako sa pinto habang pinapanood sila. Lumapit naman si Rachel sa akin kaya binuhat ko siya. Yumakap naman siya sa leeg ko kaya napangiti ako.
"Lagi ka niyang hinahanap." Sabi ni sister.
"Miss mo ako?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Mukhang sobrang malapit sayo ang bata." Nakangiting sabi ni sister. "Habang patagal sila nang patagal dito mas mahihirapan kaming hanapan sila ng pamilya."
Tumingin naman ako kay Rachel. "Makakahanap ka din ng pamilya mo ha?" Humalik naman ako sa noo nito. "Laro ka na dun, punta ka muna kay ate Raine." Sabi ko at ibinaba siya.
Tinulungan ko na muna si Beatriz sa pagprepare dahil anong oras na din. Nang matapos ako doon ay sinet-up ko na din ang fireworks para sisindihan na lang ni Beatriz mamaya.
"Mukhang napagod ka ah." Sabi ko kay Rad nang tumabi siya sa akin.
"Ang kukulit nila." Sabi niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko saka ikinawit ang braso niya sa braso ko.
Huuuyyy ano ba, wag ganyan marupok ako pagdating sayo.
"Dito na lang pala ako magspend ng pasko at bagong taon sa susunod." Wika niya.
Napangiti na lang ako. Gusto ko man siyang yayain to spend those days with me instead ay nahihiya ako kaya sinuklay ko na lamang ang buhok niya.
Nagcountdown na kami, masayang masaya naman ang mga bata and before the countdown ends, Rad intertwined her hand with mine. Like shet, yung mundo ko literal na biglang tumigil. Hindi ako makagalaw.
"Happy New year doc!" Sigaw ng katabi ko.
"Hap-ha-hap—" di ko maituloy tuloy yung sasabihin ko dahil di ako prepared sa kamay naming magkahawak.
"Happy New Year, Weirdo." Sabay headlock sa akin ni Beatriz kaya bumitaw ako sa pagkakahawak ni Rad sa kamay ko. "Bakit may paholding hands ka na agad ha." Bulong niya sa akin.
Sa halip na atupagin ang pagkakakulong ko sa mga braso niya ay napatakip ako ng mukha sa kilig na nararamdaman. It was the first time na hinawakan niya ang kamay ko on her own. Lintik na pag-ibig, mamamatay na ako agad sa kilig.
"Para kang tanga ate." Sabay batok sa akin ni Bea at tinulak ako papunta kay Rad.
"Namumula tenga mo." Sabi niya kaya tinakpan ko kaagad iyon.
"Mika, Raine, Bea, kain na tayo." Yaya ni sister.
"Sige po." Sagot naming tatlo at umakbay naman si Beatriz kay Rad saka naglakad.
After namin kumain ay nanood pa kami saglit ng movie bago kami magsiksikan tatlo sa isang kama. Bea got fed up at sa salas na lang daw siya matutulog kaya naiwan kami ni Rad dito. Hindi naman na siya nagsalita at umunan lang sa braso ko saka idinantay ang legs niya sa akin bago ako yakapin. So, paano ako makakatulog ng ganito?
"Goodnight, Mika." Isiniksik niya pa talaga ang sarili niya sa akin.
Is this torture? Maybe yes, a sweet torture. Kaya napangiti na lang din ako, bahala na.
After ng araw na iyon ay balik na rin kami sa kanya kanyang trabaho namin, balik sa dating buhay, bakit ba napakabilis ng Christmas season. May session ngayon si Rad kaya naman maaga na akong pumunta sa clinic. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa siya. Wala naman na din akong balak ituloy yung session niya, gusto ko na siyang patigilin. Napangiti na lamang ako nang bumukas ang pinto.
"Hi, doc. Kanina ka pa?" Tanong niya.
Umiling naman ako. "Upo ka." Sabi ko sa kanya. "Kumusta? Napapanaginipan mo pa rin ba?" Tanong ko.
"Hindi na nga e." Medyo kinabahan naman ako.
Alam kong hindi pa niya namumukhaan but for her to stop dreaming of it, magkakilala na silang dalawa, nakapasok na ulit sila sa buhay ng isa't isa. Pero gaya nang sinabi ni Beatriz, I'll prove her that this lifetime is meant to be shared with me. Tumayo ako at naglakad hanggang makarating ako sa harapan niya. My hands were on my coat's pocket.
"May problema ba doon?" Tanong ko. "Mukhang hindi ka masaya na hindi mo na napapanaginipan e. Are you disappointed?" May himig nang selos kong sabi.
"Medyo, wala ng reason para pumunta dito e." Bumulong siya na hindi ko naintindihan.
"Ayoko nang ituloy 'to." Wika ko at binigyan siya ng bored look.
"What? Bakit? Ayaw mo na ba ako makita? Ni hindi —"
I cut her off. Yumuko ako and placed my hands on her cheek to give her a 3 second kiss. "Kasi mahal kita." Pag-amin ko while locking eyes with her.
"Mika ..." bakas ang gulat sa mukha niya.
"Mahal kita, Rad." inilagay ko sa magkabilang arm rest ng upuan niya ang kamay ko. "I'm certain na mahal kita. Medyo matagal na din, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Handa na akong ulit ulitin na mahal kita." I held her right cheek and brush it lightly with my thumb.
Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa at muling inilapat ang labi ko sa labi niya. I moved, and when I felt her respond ay napangiti ako. Our lips slowly brushing, naramdaman ko na lang din ang paghawak niya sa batok ko kaya itinayo ko siya at binuhat para paupuin siya sa aking lamesa without breaking our kiss. My hands were on her curves.
She let her forehead rest on my shoulders nang humiwalay siya. "Mahal din kita." Iniyakap naman niya nang tuluyan ang braso niya sa leeg ko.
I kissed her temple. "You won't regret loving me, I promise you." Inangat ko naman ang mukha niya para tingnan siya. "I love you, Athena." I gave her another kiss.
Pinalo naman niya ako. "Tama na doc, nakakailan ka na." Nahihiya niyang sabi.
"Shy type naman pala ng labs ko." Natatawa kong sabi. "I love you."
"Tama na." Sabay pingot niya sa akin. "Kinikilig ako. Yung crush ko, love ako." [Sana all] Nagpout pa siya. "I love you too Weird-O."
Napangiti na lang ako at sabay na lang kaming natawa.
I'll make this worth it. I promise.