XV:

1809 Words
Jia Halos lumuwa na ata ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Kailan pa si Raine at si ate Mika? Naupo na lamang ako sa bench para hintayin sila, ayoko namang istorbohin ang pagmamahalan nila. Natawa at napailing na lang ako sa aking naisip. Pagkalabas naman nila ay magkahawak sila ng kamay, I should feel happy for them but instead nai-inggit lang ako. "Oh, Jia, napadaan ka?" Tanong ni ate Mika. Nagsmirk naman ako dahil hindi makatingin si Raine sa akin. "May itatanong lang sana ako ate kaso naintriga ako." I paused at tumingin nang mapang-asar sa kanila. "Kailan pa?" Ngiting ngiti kong tanong at nagtago naman si Raine sa likod ni ate Mika. Tumawa naman si ate Mika. "Wala namang something before, ngayon lang." she then smiled. "Mika..." nahihiyang awat ni Raine sa kanya. "Sorry first time ma-inlove e." Pang-aasar ni ate Mika kaya kinurot siya ni Raine. Natawa naman ako doon, I'm really happy for my friend. "Si Beatriz ba?" Pag-iiba niya nang usapan. Tumango naman ako. "May kikitain daw siyang college friend. Hindi ka pa rin ba kinakausap?" Tanong niya. Napabuntong hininga naman ako. "Hindi pa rin ate. Hindi niya ba nagustuhan yung regalo ko?" I pouted. "Nagustuhan niya, actually suot suot nga niya ngayon e." Napangiti naman ako. I gave her one black and one white shirt. "Anong nangyari?" Tanong ni Raine. "Hindi na ako biglang kinausap ni Beatriz." Sagot ko. "Ano naman? Gusto mo ba siya?" Dagdag niyang tanong kaya nag-init ang pisngi ko. Minsan ang bibig ng babaeng 'to derederetso. Hindi man lang niya naisip na kasama niya si ate Mika. "Ayy sorry." Bigla naman siyang tumawa. "I'll set you up for a talk with Beatriz." Sabi ni ate Mika as she pat my head. "Sabihan na lang kita." I nodded at sumabay na din ako sa kanila paalis. Nagcheck naman ako ng insta and saw a photo of Bea. She's about to kiss a girl sa cheeks, what a dickhead, napakapa-fall talaga ever. Naniwala na dapat ako kay Ponggay e. Sa sobrang inis ko ay nasabunutan ko na lamang ang sarili at nakalimutang kasama ko pa nga pala sila Raine kaya nilingon niya ako. "Problema mo?" Tanong niya kaya inabot ko ang phone ko sa kanya. Natawa naman siya at ipinakita pa to kay ate Mika kaya sinabunutan ko siya. "Aray ko naman, Jia!" "Siraulo ka talaga! Nakakahiya!" Singhal ko. "Quiet lang ako Ji, promise." Sabi ni ate at tumawa. "Sige na, ate, dito na lang ako. Bahala siya sa buhay niya." Itinigil naman ni ate Mika ang kotse niya kaya bumaba na ako dun. If Bea wants to play, I'll make sure to give her the play she wanted. Just wait for it Isabel Beatriz Weird. ***** RAD Nang bumaba si Jia ay na-awkwardak naman ako bigla na kami na lang ni Mika ang nasa kotse niya. Tiningnan ko lang siya at nakangiti lang ito na parang wala nang bukas. "Ano? Nagandahan ka nanaman sa akin?" Pang-aasar niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya. "Aray, Rad!" "Kainis ka." Pagmamaktol ko at kinuha naman niya ang kamay ko. Since naka-red pa ang stoplight, pinag masdan niya muna ang kamay ko. "Akala ko hanggang panaginip na lang e." Ipinatong naman niya ang kamay ko sa kamay niya, mas malaki lang ito ng kaunti sa akin. "Panaginip lang to kaya gumising ka na." Pangbabara ko sa kanya at inintertwine ang kamay ko sa kanya. Iho-holding hands lang ang dami pang sinasabi. Tumawa naman siya. "Love mo ko?" Tanong niya bago muling paandarin ang kotse. "Hindi." "Aray, nakakasakit ka." Nagpout pa siya. "Di mo ko love?" "Hindi nga." Sagot ko kaya nang akmang bibitawan niya ang kamay ko ay tumawa ako at hinigpitan ang hawak dito. "Joke lang, ito naman." "Nangangati kasi yung ilong ko." Napailing na lang ako at natawa kami parehas. I poked her cheeks bago ito pisilin saka siya muling tinitigan. "Inlove na inlove ka na sakin noh? Wala pa ngang isang araw." "Asa ka. Tigilan mo nga ako, Mika." Sagot ko. She looked at me. "Tawagin mo nga ulit ako." Utos niya. "Mikaela?" "Yung maayos kasi." "Mahal?" Saka ako tumawa dahil biglang namula ang tenga niya. "Napakacute naman ng mahal kong labanos." "E ano baaaaaa." "Mika." Malambing kong tawag sa kanya at ngumiti siya. "Yes, mahal?" She grinned. "Ang landi mo." Sabay batok ko sa kanya nang mahina. Napakamot naman siya. "Grabe ka Rad." She pouted. "Pero sige na, I love everything about you naman kaya okay lang. Please don't ever change, I love you just the way you are, Rad." Sabi niya. Hindi ko naiwasan ang hindi kiligin sa narinig kaya napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Sa halip na iuwi ako sa aking apartment ay dinala niya ako sa kanila. "Anong ginagawa natin dito? Napakabilis mo namang manyak ka." Bintang ko. "Ouch, Rad. Grabe ka! Basta kasi, dyan ka lang sa couch." Umakyat naman siya at pagbalik niya ay nakapagbihis na siya ng pangbahay, nakashorts at tshirt na ito. Grabe, napakaputi ng legs niya, nasisinagan pa ba ng araw 'to? "Oh ang laway, Rad." Natatawa niyang sabi at nagsnap ng fingers sa harap ko bago maupo sa tabi ko. "May gusto ka bang gawin? Tayo lang tao dito." Sabi niya at umismid. "Matulog, gusto ko matulog." Sagot ko at umunan sa lap niya. "Sige, gisingin na lang kita pag okay na." She smiled before kissing my forehead at sinuklay ang buhok ko. This is the first time na I felt at home. I felt safe at sa bawat haplos niya sa buhok ko, I felt comfortable, na para bang matagal na akong at home sa piling niya. Kinuha ko naman ang isa niyang kamay at inilapat ang palad niya sa pisngi ko, her warmth really makes me feel happy. Hindi ko na namalayang nakatulog ako at nagising na lang sa mahinang tapik mula kay Mika. Nginitian naman niya ako at tinulungan makaupo. Nakita ko naman si Bea na nakahalukipkip at mukhang naiinip na. Umakbay naman sa akin si Mika, naguguluhan man dahil inaantok pa ako ay hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. "Ano na ba yun, Mika?" Tanong ko. Sabi niya kasi gigisingin niya ako kapag okay na, ni hindi ko nga alam kung ano iyon. "Ah, Rad, si Bea kapatid ko." Napataas naman ang kilay ko. Nakalimutan ko bang kapatid niya si Bea para muli niyang ipakilala? "Ano nanaman ba ito, ate?" Kunot noong sabi ni Bea na mukhang wala sa mood. "Bea, si Raine, mahal ko, kiniclaim ko na din na girlfriend ko." Agad kong nahampas si Mika sa narinig dahil ang dami niyang echos sa buhay. "Ah, mapanakit talaga siya at times pero love ko pa rin 'to." Sabay halik niya sa may sentido ko. Tinulak naman siya palayo ni Bea at naupo sa pagitan namin. "Please do know that she is annoying at most times, isip bata and everything. So, I do hope na matagalan mo siya." "Layas." Sabay batok sa kanya ni Mika. Natawa na lang ako sa kanilang magkapatid. They really looked cute at sobrang close sa isa't isa. Kung may kapatid lang sana ako edi masaya kahit papaano at may kasama pa ako sa buhay. Inihilamos naman niya ang palad niya sa mukha ko dahil nakatulala nanaman ata ako. Sumandal ako sa balikat niya, alam ko hindi ako papabayaan ni Mika, hindi niya rin ako hahayaang mag-isa, maswerte ako dahil isang hamak na pasyente lang ang nakabingwit kay Doctor Weird. ***** Nagpupunas ako ng pawis habang nakaupo sa sulok. Nakakapagod na araw pero napawi naman iyon ng isang message. From: Labanos ❤️ Kumusta work? Wag ka munang uuwi, susunduin kita. Malapit na din ako ☺️ Wala namang special sa text niya pero hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil una sa lahat, hindi ito panaginip. Totoo itong lahat, totoong totoo. "Sino yan?" nakangising tanong ni Chef Da. "Ikaw ha." "Chef talaga." sabay suntok ko nang mahina sa braso niya at itinikom ang aking labi sa kilig. "Uuwi ka na ba? Or may sundo ka?" mapang-asar nitong tanong. "Kailan ka pa sumideline ng manghuhula?" "Edi tama ako?" "Whatever Chef. Mauuna na ako." sabi ko at tumayo na para kunin ang gamit ko sa locker. Nang makalabas ako ng restau ay nakita ko naman si Marco sa labas, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya. Hindi ko nga rin alam kung paano sisimulan. Nakakaguilty na parang pinaasa ko siya lalo na nung sumama ako sa event ng parents niya, pero kasi nahihiya akong tanggihan siya. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang ngumiti. "Raine, hatid na kita." All smiles niyang sabi. "Uhm, Marco, kasi ano e." hindi ko mahanap yung lakas ng loob na kailangan ko para masabi sa kanya. "Ano kasi." May bumusina naman kaya napatingin kami sa bagong dating. "Oh, look who's here, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Marco sa kanya. "Sinusundo girlfriend ko." nakangiting sabi ni Mika. "Nagkabalikan na pala kayo ni Rhian? Wala siya dito." sagot ni Marco kaya natawa si Mika. "Actually, nope." she walked towards me at humalik sa pisngi ko. "How are you, my queen?" tanong niya sa akin. "I'm good." maiksi kong tugon dahil medyo ramdam ko yung pagtaas ng tension. Ibinalik naman niya ang atensyon niya kay Marco. "You see." she paused and held my waist. "This lovely human being beside me is my annoying girlfriend." Sabi niya. Tinapakan ko ang paa niya, okay na e. Ang ganda na sana pero basag trip pa rin siya. "Aww." Ipinaling ko ang tingin ko kay Marco at binigyan siya ng sorry look. "Ito dapat yung sasabihin ko kanina, I'm sorry." napayuko ako. "Kailan pa?" "Nung isang araw lang." sagot ko. "Look, Marco, hindi ako napilitan sa lahat ng dates natin. I kind of like you before pero wala e, I fell for this Weirdo." I looked at him apologetically, I didn't mean to hurt him naman. "Okay. Ingat kayo." Pumasok na siya sa kotse niya at agad na ding umalis. "Lagot ka, pinaiyak mo." pang-aasar pa ni Mika kaya piningot ko siya. "Ikaw naman, napaka-insensitive mo. Gustong gusto mong saktan yung tao." Napailing na lang ako at nagpout naman siya. "Kung gusto mong ipagyabang na sayo ako, gawin mo sa maayos na paraan." "Oo nga pala, you like him. Tss." Pumasok na kami sa kotse niya at naging tahimik ang byahe namin. Nakakainis naman, dahil ba dun mag-aaway kami? Sinabi ko lang naman na mali yung paraan niya to say it. Hindi naman na niya kailangan pang saktan si Marco ng ganun. Wala naman akong kasalanan pero ako yung nagi-guilty, nakakayamot pero ayoko namang matapos yung gabi namin ng ganito kaya I reached for her hand. "Sorry." sabi ko. She smiled before holding my hand and kissing the back of it. "No worries, my queen." "Di ka galit?" tanong ko at nagpakawala naman siya nang impit na tawa. "May rason ba para magalit? It was my bad, I'm sorry. Wag ka na mag-isip ng kung ano." sagot niya that made me feel at ease. The atmosphere became light kaya naman okay na ako sa katahimikang bumalot sa amin. Natatakot ako na magkamali dahil hindi ko alam ang gagawin. This is my first, at sino ba naman ang papasok sa relasyon kung hindi mo titingnan iyon ng pangmatagalan diba? I don't want to lose her. I want Mika to be the first and the last. She will definitely be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD