Jia
Inaayos ko na ang gamit ko dito sa office dahil uwian na rin. Frustrated pa rin ako sa hindi pag pansin sa akin ni Bea kaya hindi ko na rin siya tinetext, chicks ba siya.
"Jia." pagtawag sa akin ng isa sa matalik kong kaibigan na si Miguel. "Nakakunot nanaman yang noo mo." puna niya.
"Same problem." sagot ko dahil na-ikwento ko naman sa kanya ang tungkol kay Beatriz.
Si Miguel ang una kong sinabihan about my feelings for that asshole. I really adored Beatriz wayback in highschool pa lang. She's pretty, smart and funny. We weren't friends at all before because sobrang competitive niya. I settled on watching her from afar. I like her before pa. Akala ko puppy love lang since bata pa kami pero she has a soft side when no one is watching her, which I liked the most, that made me like her more pero gago nga siya noon kaya pinilit kong isantabi na lang yung walang kwentang feelings ko para sa kanya. Tapos nagkita na nga kami ulit, nakipagbati siya, okay naman lahat e. Hindi naman sa assuming pero ramdam ko naman na she cares for me. Okay naman kami before Chrismtas, tapos ngayon ang shitty nanaman niyang tao.
"Bes, ang kilay mo magkasalubong nanaman." He paused at tiningnan ako. "Oh wait, lagi pa lang magkasalubong yan." tumawa naman siya kaya hinampas ko siya ng folder na hawak ko at inirapan.
"Napaka mo talagang lalaki ka." gigil kong sabi sa kanya.
"Hay nako, gusto ka naman non. Baka nagselos lang kasi binigyan mo yung ate niya ng regalo."
"What the f**k, bakit niya pagseselosan ate niya. Hindi naman yun ganun. Isa pa, meron naman siya." depensa ko.
Nagshrug siya at ngumisi, minsan talaga parang baliw 'tong lalaking 'to. "Pagselosin natin?"
"Ha?" para akong nabingi sa suhestyon niya.
"Cotton buds gusto mo? Pagselosin kako."
"Fine, this better work Migs kung ayaw mong ibitin kita patiwarik." sagot ko at isinukbit na ang bag ko.
Tinawagan ko si ate Mika to know where Beatriz is na ikinagulat ni Miguel, akala niya daw next time pa. I don't have time, ayoko mastuck sa feelings ko sa abnormal na Weird na iyon. Nang malaman kong nasa isang mall malapit rito si Beatriz ay agad ko nang hinatak si Miguel. Maigi nga at nakasalubong namin siya agad.
"Doc." nakangiti kong bati kay Beatriz at bahagyang ngumisi. Napatingin siya agad sa braso kong nakaangkla sa braso ni Miguel, you go gurl.
"Uy, Madz, ikaw pala yan." bati ni Miguel nang mamukhaan ang kasama ni Beatriz. Tingnan mo nga naman, inapakan ko ang paa ni Miguel para maalala niya ang sadya namin. Sinamaan pa muna niya ako nang tingin bago sila kausapin. "Tara double date." paanyaya ni Miguel.
Tumingin muna yung girl kay Beatriz, shrug lang ang naisagot nito. "Hi, Maddie nga pala." sabay abot nito ng kamay niya sa akin.
"Jia nga pala." pakilala ko naman sa sarili ko as I shake hands with her. "Doc, si Mig--"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil she walked past us. Umismid lang si Miguel, should I count that as one point? Sinundan lang namin sila at nagtungo sila sa isang Korean buffet. They weren't as sweet nung sa picture pero Miguel was good in acting at nagpakasweet ang damuho na sinakyan ko lang. Beatriz looked so bored but I played it cool. Nakipagkwentuhan lang kami ni Miguel kay Maddie dahil tahimik si Beatriz. Hindi rin naging makabuluhan yung 'double date' dahil nag-aya na agad si Beatriz umuwi.
"Wala namang epekto." sabi ko kay Miguel.
Inakbayan naman niya ako. "Kalma ka lang." natatawa niyang sabi. "May tamang oras para sa lahat, ang excited ha?"
"Ewan ko sayo." sagot ko. Natawa na lang ako kay Migs, I really do hope gumana itong plano niya.
*****
RAD
It's weekend at saktong walang trabaho si Den kaya naman sabi ko sa kanila magkita kita kami, balak ko ipakilala sa kanila si Mika formally. Nag-offer si Den na sa kanila na lang dahil nagluto daw ang mama niya ng Pasta. Sinundo naman namin ni Mika si Jia since madadaanan naman namin ang bahay nito. Nang makarating kami kanila Den ay excited ang bruha.
"Ano nga? Spill it, saka bakit mo kasama yan?" sabay nguso niya kay Mika. "Ikaw? Alam mo?" tanong niya kay Jia na kumakain na agad. Nagshrug naman ito at ngumiti lang nang nakakaloko.
"Wala pa nga si Aby." wika ko.
"Ano ngaaaa? Ulitin mo na lang mamaya sa kanya." Di na siya makapaghintay.
Bago pa man niya kami palayasin ay hinawakan ko na ang kamay ni Mika. Hindi ako sanay, nahihiya ako actually. Not because kinakahiya ko si Mika, first time ko kasi gagawin ito.
"Oh my ghad!" napasinghap pa siya at napatakip ng bibig. "Teka, alam mo?" baling niya kay Jia.
"Oo, nakita ko na ngang nagtutukaan yan."
Sa narinig ay nahiya ako bigla, tinawanan lang ako ni Mika. Bakit parang gustong gusto niyang hinihiya ako? Loko lokong 'to.
"Ano nga? Sabihin mo na." sabi ni Den.
"Sabihin ang alin?" biglang pasok ni Aby at dumeretso kay Jia para makikain nang kinakain nito.
"Doctor Weird and I are together." I pursed my lips while supressing my smile dahil sa kilig, shet.
"I'm happy for you." sabi ni Den at yumakap pa sa akin.
"What? You choose her over Marco?"
Napakunot naman bigla ang noo at nagsalubong ang kilay ng mahal ko sa narinig. Miski ako at si Jia ay nabigla sa sinabi ni Aby. Oo alam kong boto siya kay Marco pero bakit parang sobrang disappointed siya?
"And what's wrong with that?" napatayo si Mika since nakatayo din si Aby.
"Everything about it is wrong." tinaasan naman niya ng kilay ito. "Hindi kita gusto para kay Raine."
Napaismid naman si Mika. "And who are you? Hindi ka naman magulang ni Rad. Hindi naman ikaw nagpakain sa kanya."
"Mas matagal niya na kaming kasama kaysa sayo. Wag kang magmataas."
"Aby, ano ba? Lagi ka na lang ganyan. Gusto mo yung makatuluyan namin is yung gusto mo para sa amin. This is for formality, nothing more nothing less. Wala tayong karapatan pigilan siya." Wika ni Den.
"Bakit mo kinakampihan itong taong 'to?" tanong ni Aby.
"Bakit hindi? Mika helped me out when I was in college, when I was struggling in life."
"Tama na. Aalis na lang kami. Kung hindi mo siya gusto para sa akin, I don't care. Mahal ko si Mika, tapos ang usapan." Sabat ko.
Hinatak ko naman si Mika pero pinigilan niya ako. "Labs, gutom na ako. Hindi ako nagbreakfast e."
Nasapo ko naman ang noo ko, hindi napigilan ni Den ang matawa kaya hinatak niya kami ni Mika papunta sa Dining. Umalis na lamang si Aby pero hindi na ako nag-abalang sundan siya.
"Pagpasensyahan mo na si Aby ha." sabi ni Den kay Mika. Ganun din kasi ito kay L.A at Myco noon.
Lumapit naman sa amin si Jia. "What a way to ruin a day." napailing na sabi niya.
"Sanay na ako kay Marco palang e." sagot ni Mika bago tumawa.
I brushed her hair at tiningnan siya, searching in her eyes kung okay lang ba talaga siya. Nginitian niya ako at sinubuan ng pasta.
"Wag kayo maglandian dito please." singit ni Den.
"They look cute together kaya." natawa ako dahil with dreamy eyes pa iyon sinabi ni Jia. "Try niyo magtitigan."
Tumitig na nga sa akin si Mika pero hindi ko magawang tagalan ang mga tingin niya miski limang segundo. Tawa lang ako nang tawa dahil sa kilig. Inulit ulit namin pero nung ngumiti siya agad akong napangiti at kinilig, hinampas pa ako ni Jia at Den habang tumatawa.
"Gago, sobrang bagay kayo." sabi ni Den at si Jia naman ang pinaghahampas.
I side-hugged Mika mula sa kanyang bewang and leaned my head on her shoulders at inakbayan naman niya ako.
"Sobrang love ko 'to." sabi ko at niyakap si Mika nang mas mahigpit.
"Sorry guys, sobrang inlove sa akin 'to. Hindi ko mapigilan pagiging sweet niya paminsan." natatawang sabi ni Mika pero tinawanan ko na lamang siya.
"Paano si Aby?" tanong ni Den.
I shrug. "I'm not going to make amends. Nasaktan niya si Mika e. My girl needs an apology."
"Ey, I really don't mind kahit walang sorry." tumawa naman siya. "Ikaw ang mahalaga, Rad."
Nagulat naman kami nang itulak ako ni Den at tumawa ito. "Di ko kinakaya mga linya niyo."
"Sira ka talaga." sabi ko kay Den at binatukan ito.
"But she's still your friend, makipagbati ka dun." sabi ni Mika.
"Naah, ate Aby needs to know na mali siya. Let her be. Matatauhan din yun." wika ni Jia.
Itinuloy na lang namin ang pagkain namin and spent a good day with my friends. Pinakilala din ako ni Mika sa ilan niyang kaibigan after, wala naman ng unfortunate event gaya ng kay Aby. Masaya ako na makilala yung taong naging part ng buhay niya. Hindi na nga daw siya makapaghintay na ipakilala ako sa best friend niya e, kaso wala dito ngayon. Nakakatuwa to see how proud she is for having me as her partner.
"Mika, happy ka?" tanong ko habang pauwi na kami.
"Oo naman." she smiled as she reach for my hand. When I felt her warmth ay hindi ko mapigilan ang mapangiti, I definitely love what I'm feeling. "Sino ba namang hindi magiging masaya kung ikaw kasama diba."
"Napakabolera." natatawa kong komento at pinisil ang pisngi niya.
Tumawa siya at itinabi na ang sasakyan niya since nandito na kami sa tapat ng apartment ko. "Di ako marunong nun." sabi niya at bumaba na kami.
"Thank you." pasasalamat ko sa kanya.
"Una na ako. Goodnight." she leaned for a kiss pero di ko siya kiniss, sa halip ay hinatak ko siya papasok. "Uyy Rad, bata pa ako."
I poked her forehead nang makaupo siya sa couch. Nahiga ako sa lap niya at kinuha ang kamay niya at iniyakap ito sa bewang ko. Ayoko pa siyang umuwi, nalulungkot ako na mag-isa nanaman ako pagkatapos ng araw na ito.
"May problema ba, mahal?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko.
"Ang lungkot kapag hindi kita kasama." Pag-amin ko. She's the only light I see in my world now, the only positive thing. "Ang lungkot mag-isa, hindi ako masanay sanay lalo ngayong nandito ka na. Parang back to zero ako."
"Sus, nagpapalambing ka lang e." Sabay batok sa akin bago tumawa. Sinimangutan ko lang siya. "Joke lang, gusto mo ba sa bahay ka na lang?"
"Ayoko. Baka kung anong isipin ng parents mo." Sagot ko. May pride pa rin naman ako. "Ayokong isipin nilang ginagamit ko lang pera niyo."
"Wala namang nag-iisip ng ganun, Rad, ikaw lang." tumawa naman siya. "Dito na lang ako?" Tumango ako bilang sagot. "Ay joke lang, hirap makatulog si Bea ng wala ako."
Napailing ako at natawa. I don't want to compete for Mika's attention naman. I don't want to get on Beatriz's way, ayokong magka bad blood kami because of me wanting more of her ate's attention kaya I should be thankful na lang sa lahat nang ginagawa ni Mika for me.
"Gagawan ko na lang paraan kahit paminsan. I'm sure my sister would understand." That made me pout and almost made me cry. Bakit parang sobrang swerte ko to have her? "Don't you even dare cry." Sabay pingot niya sa ilong ko.
"Ikaw naman kasi, bakit feeling ko hindi ko deserve ang isang tulad mo?"
Natawa naman siya. "No one has the right to tell you who you deserve, basta lang alam mo dapat worth mo. Wag ka na magdrama, I could accompany you until you sleep. Beatriz is a night person naman, she could wait for me."
"Sobrang swerte ko to have you." I pouted so she gave me a sweet kiss. "Mika." hindi ko pa din alam itatawag sa kanya. "Love you my doctor Weird."
"I love you more my Athena."
She really did stay the whole night hanggang sa makatulog ako. Tell me what did I do in my past life to deserve someone like her?
Ah, I love my girlfriend.