XVII:

2530 Words
Beatriz One magazine is featuring doctors and being one of the youngest successful doctors, kasama ako sa mafi-feature. Kasama dapat si ate but she opted not to embrace the spotlight, aayaw na din sana ako but mom insisted nang malaman niya yung tungkol dito. Ang annoying, bakit si ate hindi nila pinilit. "Cereals?" tanong ni ate nang makababa ako. "Make me one." sagot ko as I tie my shoelaces. Naupo naman ako and waited for my Cereals, hindi ko nga magets si ate kung bakit ang hilig niya sa ganito. "Thank you." I said when she handed me my bowl. "Ang aga pa, bakit lukot na agad 'yang mukha mo?" tanong niya. "Wasn't able to sleep well." matamlay kong sagot sa kanya. She looked at her clock. "Hatid na lang kita, baka makatulog ka habang nagdadrive e." she offered, what a sweet ate she is. "So, bakit di ka nakatulog nang maayos?" "Ikaw kasi e." biro ko sa kanya at tumawa pero nang mag-iba ang aura ng mukha niya ay binawi ko agad iyon. I don't want her to feel torn sa oras niya. "Joke lang ate, si Jia kasi." Yumuko ako at pinagmasdan ang kinakain ko. "Oh, what about Jia?" "I saw her with a guy yesterday." I sighed. So she's moving on na ba from ate? "Nakakairita." napairap na lang ako at narinig ko na lang tumawa si ate. "Selos ka naman?" natatawa niyang tanong. Sa halip na sagutin iyon ay tiningnan ko ang orasan ko at mabilis na inubos ang pagkain ko saka sinabing alis na kami. Tumawa lang siya ulit saka ako inakbayan. Hinatid niya ako hanggang sa studio and pagkababa ko naman ay nakasalubong ko si Jia. Agad naman ding nagsalubong ang mga kilay ko, she was holding her camera. Oh great, I said in a sarcastic tone inside my head, so mukhang magkakasama kami today. "Goodmorning ate." bati niya. "Goodmorning Jia baby." bati ni ate na mas i-kinakunot ng noo ko. "Anong ginagawa mo dito?" She showed her camera. "Photoshoot para sa isang magazine ate." sagot niya, I knew it. "Ate, akyat na ako ha." sabi ko. "Sige, mag-iingat ka ha." I nodded. Hindi na niya ako susunduin since pwede naman ako magcommute papuntang clinic. "Ji, ikaw na bahala sa kapatid ko ah." Hindi ko na narinig ang sagot ni Jia dahil nagmadali na akong maglakad. Hindi na rin ako nagulat when she caught up. I felt guilty, really. Takot ako noon na mawala siya kapag umamin ako but here I am, iniiwasan siya ngayon. Napailing na lang ako, I really don't know what to do anymore. Sumakay na kami ng elevator, sa 9th floor pa kasi ang studio, tahimik lang kami and it feels like I'm having the longest elevator ride I will be having in my entire life. Being so close yet still so far. "Ku-kumusta?" I managed to say nang makalabas kami ng elevator. "I'm fine, Beatriz." cold niyang tugon. I expected nothing less, I've never return any messages or calls nitong mga nakaraan. I sighed. I miss her. "Jia." nilingon naman niya ako. "Nothing." napaiwas na lang ako nang tingin at nang maglakad na siya ay napabuntong hininga na lang ako. "Stupid." I whispered underneath my breath. Minake-upan na din ako at inayos nila ang suot ko. I was stucked staring at Jia, mas malakas ang appeal niya sa akin kapag tahimik siya at nagsusuplada. She was taking random shots, maybe tinetest ang camera niya. Nang matapos na ako ayusan ay nagstart na rin kaming mag photoshoot. 8 kaming doctors na andito ngayon, ilan din shots meron per person tapos may group photo. I just did what Jia told me, para lang akong pinapako when she looks at me coldly, pero wala akong karapatan magreklamo dahil kasalanan ko ito. "Doctor Weird, dito po tayo." sabi ng isang staff and guided me sa isang interviewer since may interview portion pa kami. "Hi doc, I'm Ella." she then offered her hand. "Hi, Ella." I shake her hand and smiled at her. "This is such a great honor to be with you today." tumango lang ako dahil naa-awkwardan ako. I really am not used sa mga flattery words. "So let's start, how's the life of a young successful Cardiologist like you Doctor Weird?" "It's pretty much the same. I still live with my ate naman so you could imagine already how my life is, simple." sagot ko since ate is a very simple person, and alam naman na nila yun. "What inspires you to be a doctor?" Natawa naman ako, they'll hate me dahil sa mga isasagot ko dito. "Si ate. Idol ko kasi talaga si ate, tho I did not take the same course she took, she's still the main reason why I wanted to be a doctor." "You have a cute sister-relationship, nakakainggit." Ella commented. "You guys should really get jealous. I have the best ate in the world." I really am proud of having my ate, I feel like tearing up already. Madami pa siyang tinanong about me and most of my answers ay nababanggit si ate. Before wrapping up, she asked me a very much personal question. Jia was near us to take some photo kaya napangiti ako awkwardly . "Is Doctor Weird inlove?" Natawa muna ako. "Yes." I looked at Jia muna and she looks like she's attentive. "Ate is inlove." nagtawanan naman kami. "But kidding aside, yes I am." masaya kong sagot. "Kaso inlove siya sa iba." napahawak naman ako sa aking dibdib and acted like I'm in pain, tho I really am. "And I think, never niya akong titingnan like that." "That was sad, thank you Doctor Weird but I do hope magprosper yan." She even wiggled her brows. "I hope so too." Tinanguan ko na siya at tumayo na. Naglinis na muna ako ng mukha bago lumabas. Nakasabay ko naman ulit si Jia sa elevator. Bakit kaming dalawa lang nandito ngayon? When the door closed at dahan dahan na itong bumaba ay bigla naman itong tumigil. "What happened?" tanong niya. Nagshrug ako, aba malay ko ba. Bigla namang namatay ang ilaw. "Holy Shit." I hate scenarios like this. The light went up at mukha akong tanga na nakalingkis na parang tuko kay Jia. Dahil sa kahihiyan ay naitulak ko si Jia at nagpatay malisya na lang ako. Nakakahiya nga naman kasi talaga, mukhang tanga. Tumunog naman ang phone niya. "Hello Miggy." bati niya. "Ah oo sige mamaya na lang. Uuwi muna ako, see you later." Nanikip naman bigla ang dibdib ko. Am I losing Jia? Nauna siya lumabas ng elevator and looking at her back, I really miss having fun with her. "Jia." I called na nilingon naman niya. Buti hindi niya ako iniignore. "Ingat ka." I smiled shyly. Nginitian niya din ako. Ghad, sobrang ganda. "Ingat ka din, doctor Weird." Then we go our seperate ways. ***** RAD I was asked to create a new recipe, medyo kinakabahan nga ako dahil si sir Marco together with Ma'am Sam and Chef Da ang critic for today. Tatlo kaming assistant chef ang gagawa ng new dish, and Chef Da would be improving lang kung ano man ang mapili nila. I grabbed my phone muna since break ko pa naman at tinawagan ang labanos ko. Maigi na lang at wala siyang pasyente dahil nasagot nya ito. "Missed me?" bungad niya kaya napapout ako kahit di naman niya kita. "I always do." sagot ko. "I'll fetch you later, queen. Don't you worry." "Haay, kinakabahan ako." sabi ko sa kanya, tumawa naman siya nang light mula sa kabilang linya. "Don't be. You're experimenting kaya kung hindi mapili, it's okay. Wag mo i-pressure sarili mo, just do your best okay? There's always room for improvement naman kaya wag ka panghihinaan ng loob. I love you! Kaya mo yan." napangiti na lang ako. "Thank you labanos. I'll go back to work na. Love you!" I ended the call at huminga nang malalim before going back sa work. I tried my best, pero dahil sa sobrang kaba ay umikot ang sikmura ko and I really do feel sick kaya I had to excuse myself. This is really embarassing since kami ni Chef Da ang laging nagluluto, inaasahan din nila ako to do my best.  "Okay ka lang?" tanong sa akin ni Chef. Tapos na ata yung taste test nila. I pouted. "I'm sorry." "Next time." He smiled at me. "Tawag ka pala ni Sir Marco." I nodded at pumunta sa office ni sir. I greeted him shyly and he gestured me to have a seat kaya naman naupo na ako. He was looking at some papers. "Okay ka na?" tanong niya without looking at me. "Okay na po. Sorry to disappoint you sir." He chuckled lightly. "Wag mo na isipin. Okay ka na talaga?" "Yes sir, kinabahan lang talaga ako." nahihiya kong tugon. "Di naman pala marunong mag-alaga si Mika e." napakunot naman ang noo ko. Wala namang kinalaman si Mika sa trabaho ko. "Sir, with all due respect, leave her out of here." sagot ko. Nag taas siya ng dalawang kamay. "I didn't mean to sound rude, that was supposed to be a joke. My bad. Kumusta naman kayo?" "We're good. I'm blessed." maikli kong tugon and the door opened. Rhian just walked in. "Hey sis, kumusta Paris?" tanong ni Marco sa kanya as she kissed him on his cheeks. "Paris pa rin siya with or without me." sagot nito at bigla naman ako nakaramdam ng intimidating aura mula sa kanya. "I have news for you, about Mika." "What about her?" "Meet her new girlfriend." sabay ngiti ni Marco. Napataas naman ang kilay ni Rhian. Oh don't tell me she's not yet over Mika. It's been 5 years na since she left my labanos diba. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Oh wait, I have a call to take. Excuse me girls." Sabi ni Marco at lalo akong kinabahan dahil kami na lamang ni Rhian ang nandito. "An employee?" Sabi niya with disbelief. "Do you know how wealthy the Weird's are? I bet hindi ka magugustuhan ng mama niya." Nasaktan ako sa sinabi niya, that was offensive. Hindi ko naman tinitingnan ang pera ni Mika. "Hindi ko siya ginusto dahil mayaman siya." She crossed her arms. "Talaga lang ha? So when Mika told me she likes someone else, it was really just someone. Kailan pa bumaba ang taste niya?" "I should go." Tumayo na ako dahil ayoko makipagtalo. I walked past her at hinawakan naman niya ang braso ko. "You are a trash. Hindi kayo bagay ni Mika." She whispered in my ears. "Rhian." Sabi ni Marco pagpasok at tiningnan naman siya ni Rhian bago ako bitawan. "Such a waste. Maybe I should try to flirt with her sometimes?" She laughed devilishly and walked out. Napabuntong hininga ako. Is the world against us? Bakit nila isasali ang pera dito? Maganda naman ang sahod ko, I feed myself at hindi naman ako umaasa sa pera ni Mika. In fact, hindi naman ako nagbackground check, hindi ko alam na mayaman si Mika. All I know is may kotse siya and 2-storey yung bahay nila ni Beatriz.  "I'm sorry for that. My sister could be really mean sometimes. Hindi pa ata siya nakakamove on kay Mika." He chuckled. "Okay lang." wala na talaga akong energy. "You see, she was really trying to get Mika back for 2 years na din, frustrated lang siguro." "Okay lang sir. Uuwi na po ako." Sagot ko at lumabas na ng office niya. Nagtungo na ako sa locker ko at inayos ang bag ko. Parang na-drain ang life force ko sa mga sinabi ni Rhian. Pagkalabas ko ay nandoon na din si Mika. Nakasandal sa kotse niya while talking with Rhian. "Labs!" Ngiting ngiting sabi ni Mika at lumapit sa akin kaya nginitian ko siya. Yumakap ako sa kanya because I badly needed this. "May problema ba?" "Hindi ako nakapresent kanina, sumama pakiramdam ko." Yun na lamang ang i-dinahilan ko kahit more than that pa ang dinadala ko. "Kumain ka na ba? I'll treat you out." I saw Rhian smirked. "Wala akong gana mahal." Malambing kong sabi kay Mika. If she loves my girl, then so be it. At the end of the day, akin naman si Mika. She checked my temperature pa to see if I'm really okay. "Sure ka ha? Tara." She held my waist and when she turned towards Rhian she pulled me closer towards her. "Rhi, si Raine pala, girlfriend ko." Pagpapakilala ni Mika. "Nice." Rhian even smiled. "Mauuna na kami." Pumasok na kami sa kotse at nagdrive na nga si Mika. Tiningnan ko naman siya and wonder kung anong nakita niya sa isang hamak na katulad ko. Tama naman din si Rhian, she deserves more and not someone like me. Pero I just can't give her up just because of that, mahal ko si Mika, mahal na mahal. "Hey." Kunot noo niyang sabi nang tingnan niya ako. "Bakit ka umiiyak?" Nagpanic ako at agad napapunas ng luha, hindi ko napansin. "Tell me anong problema." She looked worried. "Wala 'to." Sagot ko. "Mood swings siguro." "Rad, you do know that you're lying sa maling tao, right?" Natawa ako. Oo nga pala. She held my hand at bahagyang pinisil ito bago hawakan nang mahigpit. "You can tell me everything mahal." She sound worried. "Natatakot ako mawala ka." "Bakit ganyan iniisip mo? Bago pa lang tayo pero hiwalayan na agad naiisip mo. Rad, mahal kita and I'm willing to go against all odds for you." She looked so serious, enough to calm me down for a while. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa balikat niya to find peace somehow. Nang makarating kami sa apartment ko ay nagpaalam na ako sa kanya but she stood still. "Ano, uhm." She paused. "Kasi ganito, nagpaalam ako kay Beatriz." Napakamot naman siya sa batok niya at ngumiti awkwardly. "Can I stay here for the night?" Natuwa ako at nayakap siya sa saya. I don't have to spend the night without her. "O fcourse you could." Hinatak ko naman na siya papasok. "You really are excited huh?" Pang-aasar niya pero di ko siya kinontra kasi totoo naman. "Maliligo ka ba? Mag-iinit ako ng tubig for you." Tanong ko sa kanya. "Okay, kunin ko muna gamit ko. Ang excited mo naman kasi." Nahiya naman ako bigla pero di ko na siya sinagot at hinanda na lang ang pangligo niya. After niya maligo ay naligo na din ako to freshen up. Nanood lang kami ng TV. Siya naman ang nakahiga ngayon sa lap ko kaya parang mas gusto ko siya tingnan kaysa sa pinapanood namin. "Malapit mo na ako matunaw, mahal." Sabay poke niya sa ilong ko. "Hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari?" Tanong ko at nagpout. Tumawa naman siya at naupo na saka ako tiningnan mata sa mata. "Nakakainis na talaga na hiwalay agad nasa isip mo. Depende sa gagawin mo but rest assured, I'm always here for you, mahal." She gave me a forehead kiss. "Kung gusto mo pa ng assurance, maybe this would do."  She held my face and closed the gap between us. I can feel the love and it made me smile. I returned her feelings with all I can give. "Okay na?" Tanong niya. "More pa." Sagot ko at natawa siya but she still kissed me anyway for a good 10 second kiss. "Inaantok na ko labs." She pouted so I gave her a peck at tumayo na saka kami nagtungo ng kwarto. Umunan ako sa kanya and faced her. "Stay with me ha?" "Alam mo, ang paranoid mo. Good night labs and yes, I'll stay." She then engulfed me in a hug. Mika gave me a warm hug, I like warm hugs. Therefore I conclude, I love Mika. Natawa pa ako sa naisip ko at niyakap din siya. I'd do everything just to prove others na I deserve this weirdo. I deserve every inch of her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD