XVIII:

2101 Words
RAD Mas maaga akong nagising kaysa kay Mika kaya naman nagbalak akong ipagluto siya pero nang buksan ko ang aking ref ay wala pala itong laman. Napailing na lang ako at nanghinayang dahil ito sana ang unang pagkakataon na maipagluluto ko siya. Naligo na lang muna ako since may pasok pa kami parehas, sa labas na lang kami magb-breakfast, nakakahiya naman kung itlog lang ang ihahanda ko sa labanos ko. Paglabas ko naman ng cr ay naka tapis lang ako at nang makita ako ni Mika ay nasamid siya dahil umiinom siya.  "Goodmorning." Nakangiti kong sabi at patuloy pa rin siya sa pagpalo sa dibdib niya. "Goodmorning din." Sagot niya nang makabawi siya pero di ako tinitingnan. Napansin ko namang namumula ang tenga niya. "Oh? Anyare sayo?" Pang-aasar ko sa kanya. "Hilig mo manghawak diba?" At pinisil ko ang pang-upo niya dahilan para paluin niya ang kamay ko na ikinatawa ko. "Rad, magbihis ka na nga." Utos niya at namumula na ang mukha niya. "Cute cute mo." Sabay halik ko sa pisngi niya at nagtungo na nga sa kwarto ko para makapagbihis. Nang makalabas naman ako ay hindi pa siya naliligo. Nakaupo lang siya sa may couch. "Di ka papasok?" "Papasok, pero sa bahay na ako maliligo. Ihahatid na lang muna kita." "Sa labas na tayo magbreakfast, walang laman ref ko e." I pouted, gustong gusto ko pa naman sana siya ipagluto. "Then let's go sa grocery mamaya, let's fill your fridge since I'll be coming over na ng madalas." Napatakbo ako sa tabi niya. "Talaga?!" "Yes. Napag-usapan na namin ni Beatriz ito. I was surprised na she didn't threw some tantrums nga." Natawa naman kami. "Thank you." Sobrang thankful ako sa simpleng gestures niya. "Baka naman magsawa ka kagad sa akin niyan ha." I shook my head vigorously saka yumakap sa kanya. "Asa ka. Uyy, bibili tayo mamaya? Pero hindi ko pa sahod." Ayoko naman galawin yung savings ko. "Don't even try to offer na sagot mo." Banta ko sa kanya when she was about to speak. "Okay, so here's the deal. Hati tayo? Pautangin muna kita?" "That would do." Piningot ko naman ang ilong niya. Tumayo na ako and helped her up. Sa restau na kami ng mga Reed kumain, wala siyang pake kahit di pa siya naliligo, mabango naman din siya. Hindi siya maarte, even with her luxurious life, she never boast it. Kahit nga ata maligo sa germs itong taong 'to ay okay lang sa kanya. Sobrang humble at reachable ng taong 'to. "Goodmorning babe, himala at kumain ka ngayon dito." Bati sa kanya ni Rhian. Napaiwas ako nang tingin nang umismid siya. "Treat mo?" Tanong niya kay Mika that caught my attention. "No." Sagot ko. "I could afford." Mika had a confused look. "I can —" "Mahal, let me treat you okay? Love you." Nginitian ko siya. Ang saya din magpakasweet kay Mika sometimes especially to piss her rude ex-gf. "Teka nga ang dungis mo." Sabay pinahiran ko ang labi niya bago siya ngitian nang matamis. "Nakakahalata na ako Labs ha." Pagsita ni Mika. "Bakit ang sweet mo lately? May kasalanan ka ba?" Natawa ako at umiling. "Grabe ka, halos ayoko na ngang umalis sa tabi mo tapos pag-iisipan mo ako ng ganyan?" I pouted. I saw Rhian na umirap, serves her right. "I'm done." "Uuwi ka na?" Tanong ni Rhian. "Yes. Tapos pupunta akong clinic." "Puntahan na lang kita doon." Rhian playful twirled her index sa buhok ni Mika which my girlfriend removed with care. "I really don't think that's necessary Rhi. Medyo loaded ako ng appointments today, maybe some other time." Tumayo naman na si Mika and offered her hand sa akin to help me up saka umakbay sa akin. "See you some time around." Paalam niya kay Rhi. Sinenyasan ko naman yung nasa cashier na ihahatid ko lang si Mika sa labas. Rhian really looked pissed kaya ngumisi na lang ako. Paulit ulit man ipamukha sa akin ng mundo na hindi kami bagay ni Mika, I wouldn't give a damn. "Ingat ka ha?" Bilin ko sa kanya. "Of course, text you na lang." she smiled as she pat my head at pumasok na sa kotse niya. I waved goodbye at pumasok na din sa loob to settle our bill. Inabot ko na ang card ko and as I wait, bigla naman akong kinabahan. I know I shouldn't mess with her pero hindi ko hahayaang tapak tapakan niya lang ako because of my status in life, it shouldn't concern her. If she wants Mika, she better not get too personal sa trabaho ko. After ko magbayad ay nagtungo na din ako sa kitchen para magready sa shift ko. "Oh, ang aga mo ha." Sabi ni Chef Da. "Sa bahay kasi natulog si Mika. Ipagluluto ko sana siya kaso walang laman ang ref ko kaya dito na kami kumain." Natatawa kong sabi kay Chef. "How pathetic." Napalingon naman kami sa nagsalita. Nginitian ko na lamang siya at inayos na ang pagkakatali ng apron ko. Ayoko na lang magsayang ng energy kay Rhian. She doesn't deserve any of my attention, plus I don't want to ruin my day. Maganda ang simula ng araw ko and hindi ko na gugustuhin madagdagan ang negative vibes. "Oopsieee." Sabi ni Chef Da nang umalis si Rhian. "Di pa siya over sa girlfriend ko." Bulong ko kay chef. "Hayaan mo na yun, wala naman siyang magagawa." Nakipag-apir naman si chef. Wala naman talaga siyang magagawa kundi tanggapin na may bago na ang ex niya. Exes are really annoying. ***** Mika Bago ako pumasok sa clinic ko ay kinatok ko muna si Bea. Sinalubong naman niya ako nang yakap. "Ate uuwi ka naman mamaya diba?" Nakasimangot niyang tanong. Natawa ako at ginulo ang buhok niya. "Oo, maggrocery lang muna kami ni Raine. Anong oras ka na nakatulog?" "Hmm around 3 am na din." Natawa naman siya. "Paano pag nag-asawa ka na? Paano na ako nito?" "Matagal pa yon, wag na muna isipin." Sagot ko at tumawa. Nagpaalam na din ako at binuksan na ang clinic ko. Hindi naman ako loaded talaga for today, I have spare time pero hindi ko na gusto yung aura nung dalawa kanina kaya naman I have to brush her off. Isa pa, I really don't want Rad to feel threatened. Agad na ko na din naman siyang sinundo pero hindi na ako lumabas ng kotse ko, baka nandun nanaman si Rhian at maging uncomfy nanaman si Rad. Lumabas lang ako nang makita na siyang papalabas. "Laaaabs." Excited siyang nagtatatakbo papunta sa akin kaya naman I opened my arms for a hug. "Miss you." Ah, sobrang clingy, napakacute. "How's my bibi ha?" Tanong ko at tumawa. "Nakakastress." Sagot niya kaya humalik na lang ako sa sentido niya. "Tara na, para madami tayong time mamili." She nodded at sumakay na kami ng kotse. Nakipagtalo pa ako sa kanya nang makarating na kami sa grocery. Gusto ko kasi bumili ng madaming cereals at gatas para may stock sa kanila pero itinuktok niya yung hawak niyang gulay sa noo ko. "Cereals na nga lang lagi mong kinakain, magsi-Cereals ka pa palagi sa bahay ko? Aba naman Mikaela." Sumimangot ako dahil pinapagalitan niya ako. "Masarap kaya." "Sa bahay niyo ikaw mag Cereals, kumain ka ng masustansya sa bahay ko." Tinulak niya na yung cart, the argument is over. Talo tayo. "Rad, isa lang please?" Baka sakali. Tumigil naman siya at tiningnan ako nang masama. "Please." I grinned sheepishly. "Papayag na yan yieee. Love you." At nilagay ko na yung isang malaking Cereals at 2 gatas. "Hay nako." Hindi na siya kumontra. "Thank you, labs." Sabay halik ko sa pisngi niya. "Ako kakain niyan, hindi ikaw." Natawa na lang ako at umakbay sa kanya. "So kumain ka ng cereals, kumain na din ba ako ng Cereals kapag kin—Aray!" "Ang harot mo talaga!" Tumawa na lamang ako at nagpunta na kaming cashier. Ipinaalala pa talaga niyang utang niya iyon. Hindi na ako nakipagtalo, a happy girlfriend is a happy relationship, I always keep that in mind. When we got home ay tinulungan ko na din siyang ilagay iyon sa ref niya. Mukha namang happy siya dahil first time daw mapuno ang ref niya. It must have been really lonely for her to be alone. Tiningnan ko naman siya saka iniyakap ang mga kamay ko sa bewang niya mula sa likod. I rested my head on her shoulders. "Bakit?" Tanong niya at iniyakap ang braso niya sa braso ko. "You are a very strong person for enduring everything." "I have to Mika. My parents did everything to raise me kaya I don't want to waste it." Hinarap naman niya ako and rested her head on my chest as she hugs me. "I'm happy lumaban ako, kasi nakilala kita." "Di ka na mag-iisa, Rad. Maybe hindi physically but do know that I would always be here for you. Always." I kissed the top of her head at pinisil na ang pisngi niya to lighten the mood. Nanood na lang kami ng tv before calling it a day. Hinatid niya ako sa labas, saka ko naalala na may sasabihin pala ako. "Rad, pwede ka naman this weekend diba?" Tanong ko. "Weekend is Mikaela Aira Weird's day." She smiled before winking. Landi naman pero napangiti ako at napatakip ng bibig dahil she caught me off guard sa hirit niya. "May doctor's convention kami, we could bring plus one so, would you like to go with me?" "Anywhere with you." "Great! Mauuna na ako. Lock your doors ha? Goodnight." I kissed her cheek at lumulan na din ako sa aking sasakyan. Wala pa si Beatriz nang makauwi ako, balak ko sana kunin yung plus one niya kung wala siyang isasama. Tinanong ko na din si Rad kung may isusuot na siyang damit, meron naman daw siyang hindi masyadong nagamit pang damit doon. Hindi na din ako nagyayang bumili dahil hindi naman formal ang pupuntahan namin. Nang makarating si Beatriz ay sumalampak agad siya sa kama namin. "What happened?" "Wala ate, nagkayayaan lang kami uminom, ang sakit na ng ulo ko." Pinaayos ko siya nang higa at pinaunan sa lap ko. Hinilot ko naman ang sentido  niya. "May isasama ka ba sa convention?" Tanong ko. "Wala. Ikaw ba?" "Uhm si Athena syempre." I chuckled. "But I'm planning na magsama pa ng isa, I'm sure matutuwa ka din." "Siguraduhin mo lang ha." Sakto namang tumawag si Rad nang makatulog na nang tuluyan si Bea. Dahan dahan ko namang ibinaba ang ulo nito at inayos ang higa niya bago ko sagutin ang tawag ni Rad.  "Hi." Bati ko at agad namang napangiti. I walked my way sa veranda ng kwarto namin at sumandal sa railings nito. "Missed me already?" natatawa kong tanong. I heard her sniff from the other line kaya nag-alala ako. "What happened? Umiiyak ka ba?" "Nakakaiyak kasi 'tong pinapanood ko." I sighed in relief sa narinig. "Pero oo, miss na din kita." Muli akong natawa, how could a fierce independent human being like Rad be childish around me? "Bakit ang cute mo? Please don't be like that. You know I'd come rushing towards you isang sabi mo lang." di alintana ang pagod, mapuntahan lang siya kapag gusto niya. "I won't ask something that absurd, Mika. Magagalit si Bea sa akin." Saka siya tumawa. "Sinabi ko lang naman din kasi, ang assuming mo." "Okay." Pabalang kong sagot. "Bakit hindi ka pa natutulog?" "Iniisip kasi kita, yiee kilig yan." And I did kaya napailing ako. "Gusto ko lang mag ask nang favor." "At ano naman yan?" "Hmm can you ano —" she paused, I waited patiently, baka nahihiya sa sasabihin or ano. "Ano na lang pala, tanong na lang." "Sige, kahit ano." Saka ako tumawa sa kabaliwan niya. "Maganda ba ako?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Without a doubt." "Mas maganda kay Rhi?" "Hmmm..." actually di ko na kailangan mag-isip, gusto ko lang siyang asarin. "Mikaela." May himig nang pagbabanta niyang wika kaya napahalakhak na ako. "Of course, labs. Walang duda." Napatingin naman ako sa relo ko, anong oras na din.  "Matulog ka na, mahal. Sunduin na lang kita bukas." "Goodnight laaaabs." "Goodnight my queen." Narinig ko pa ang hikab niya. "Love na love kita." At narinig ko pa na parang may pinanggigilan siya. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. "I love you too." She ended the call at may nagflash naman bigla na unknown number. Kaya sinagot ko ito agad. "Hoy!" Bungad niya. "What the fuck." I hissed. "Sakit mo sa tenga kahit kailan. Nakauwi ka na pala ng Pinas." "Kani-kanina lang din. I've been calling you kanina pa. "I was talking with my queen." Sagot ko. "So how's the girl?" "What girl?" Kunot noo kong tanong. "Yung ipapakilala mo sa akin." "She's fine. Kung hindi lang ako nauna dito baka ligawan mo pa e." Natatawa kong biro sa kanya. "You always lose naman pagdating sa akin, malay mo if I try iwan ka niya diba." "Hahalik sayo mga kamao ko kapag nagkataon, she's mine." I know nagbibiro lang siya but I should mark what's mine. "Haha! Same old Yeye. I'll see you soon. Goodnight." "Goodnight asshole." Hindi pa rin talaga nagbago ang taong iyon. Minsan tinatanong ko din ang sarili ko paano ko natiis maging kaibigan niya. Napailing na lang ako at nahiga na din. I hope they would get along just fine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD