Mika
I chose to wore something comfy, dress with some stripes and a sneakers. Beatriz wore the same outfit pero contrast lang ng color ng akin. She adores me that much.
"Ate, tara na." Bugnot niyang yaya sa akin dahil asar talo nanaman kay Jia. Nagtext kasi siya, kunyari wrong send pero hindi naman pinansin ni Jia. Natatawa na lang ako sa kanila. "Paano pala yung isa mo pang isasama? Sino ba yun?"
I smiled. "Sunod na lang daw siya, may inaasikaso pa kasi."
"Halika na." She grabbed her bag at nagtungo na sa kotse.
Bago ako umalis ay inayos ko muna ang buhok ko, running my fingertips on it, kahit wala naman nang iaayos pa ito. Sinundo na din namin si Rad, she was wearing a white dress na floral ang laylayan, how cute my love is. Nagulat naman din siya na nakadress ako, like what? I like dress as much as I love her noh. Nagdala lang ako ng denim jacket dahil sa Tagaytay ang convention namin.
"Anong meron sa ganito?" Tanong ni Rad.
"Wala. Di ko nga alam bakit pa kami pumupunta sa ganito." Sagot ni Beatriz at umob-ob sa lamesa. Nakakatawa talaga ang kapatid ko kapag wala sa mood.
"Pagpasensyahan mo na 'to ha." Natawa naman ako as I pat Beatriz.
"Mam, snacks po?" Biglang lapit ng waiter at inalok kami ng kornicks at chips.
"Gusto mo?" Tanong ko kay Rad dahil busog pa naman ako.
"I'm fine." She smiled and gestured no.
"Mamaya na lang." sabi ko sa waiter.
The convention went on at nang matapos naman ito ay may small party silang inihanda. Kung hindi lang dahil sa award ni Beatriz ay hindi kami pupunta sa ganito e. Mas maganda kasing present ka, dedication pa rin iyon sa work mo.
"Mahal, kukuha ako ng food, gusto mo ba?" Tanong ko kay Rad dahil anong oras na din.
She pouted at hinimas ang tyan niya. "Yes please, hindi na bumalik yung snacks e." Natawa naman ako.
"Kukuhaan ba kita ng lahat ng nasa menu?"
"Sasamahan na lang pala kita."
Tumayo naman siya at inangkla ang braso niya sa braso ko. Nakailang balik din siya sa kakatingin ng mga pagkaing nakahanda, hindi ata makapagdecide kung anong kukunin. Hinayaan ko lang siya at kumuha na ako ng plato ko at kumuha lang ng mga gusto kong kainin. She went for a salad na lang at desserts. Di niya daw feel magkanin ngayon.
I was about to eat nang makaramdam naman ako ng kamay sa balikat ko kaya napaangat ang tingin ko. "Hi." bati niya sa akin.
Tumayo ako para makipagbeso sa kanya. "Uyy long time no see, Leah." sagot ko sa kanya.
"Looking young as ever ha." sabay poke niya sa pisngi ko. "Kaya ang daming nagkakagusto e plus you really are famous now. " iiling iling niyang sabi kaya nahiya naman ako bigla.
"Huy issue ka."
"Hahaha! Hindi ah, hindi mo lang talaga alam. I should go, call me pag free ka." Then she winked, playful as ever.
Nakakunot naman ang noo ni Rad nang makaupo akong muli kaya tinanong ko kung okay lang ba siya, tumango lang siya. Tinanong ko kung gusto na niyang umuwi, tinanong ko kung ayaw niya nung food pero agad naman siyang iling. Okay lang daw siya at wag ko daw alalahanin. Tiningnan ko si Bea at nagshrug lang siya bago ako ismiran. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Maya maya pa ay may tumabi naman sa akin. Napantingin ako dito at saka niya ako nginitian nang matamis.
"Kumusta? Ang tagal na since we last met." sabi sa akin ni Liz.
"I'm good." masaya kong sabi sa kanya. "You look good tonight, lalo tayong sumeseksi ah.." I wiggled my brows. "So may lucky guy na ba?"
"Haha, you're still funny, Mika. That's what I really like about you wayback then." natawa naman ako. Liz was an old fling, kaso busy talaga kaya hindi na rin natuloy. "Kaso wala e. Hindi pa biniyayaan."
"Come on, for sure pila manliligaw mo niyan, mapa-lalaki man o babae." because maganda naman talaga siya. Hinampas naman niya ako saka panandaliang hinilig ang ulo niya sa balikat ko.
"Ehem ehem." Napatingin naman ako kay Bea.
"Why?" tanong ko at nginuso naman nito si Rad.
"Magsi-CR muna ako." sabi ni Rad kaya tumango lang ako.
May dumaan namang waiter kaya kumuha ako ng dalawang wine glass mula rito at inabot ang isa kay Liz. Nakipag cheers muna siya bago uminom. Nagpunta din kami sa mga kabatch namin noon at nagkwentuhan lang kami.
"I really missed you guys." sabi ni Liz at inangkla ang braso niya sa braso ko.
"You two are really good together." komento ng isa.
"Oo nga, bakit hindi na lang kayo?" nagtawanan naman sila.
There I felt eyes watching me kaya parang kinilabutan ako agad. I slowly removed Liz's arm without offending her. Sakto naman ang pagdaan ni Rad kaya iniharang ko ang kamay ko sa daraanan niya at humawak sa may bewang niya.
"Sorry, I'm already with this angel." I smiled and pulled Rad closer to me. "Si Raine nga pala, girlfriend ko." Nagpipigil ako nang ngiti dahil di pa rin ako sanay. "Ah mahal, mga kabatch ko nga pala sila."
"Aww, shet broken agad si Liz."
"Dapat kasi noon pa, taken na tuloy."
Napailing ako. "Come on guys, respeto na lang din, my girlfriend is here." I really did feel disrespected, for them to talk about that, not even considering my girl's feeling, not even saying hi.
"Mika..." pagpigil sa akin ni Rad.
Nginitian ko na lang siya and held her hand. "Excuse us." sabi ko at nagtungo na lamang sa table namin. "Okay ka lang?" Tanong ko nang makaupo kami. Niyakap niya kasi ang sarili niya.
"Oo." Malamig niyang tugon.
"Psh." I hissed at hinubad ang suot kong jacket saka ito pinatong sa kanya. "Mas malamig ka pa sa panahon." I whispered at inirapan niya lang ako.
I pouted at tiningnan si Bea, she smirked. I sighed na lang and leaned my head sa balikat ni Rad. Tumawag naman sa akin ang magaling kong kaibigan kaya nagpaalam akong susunduin ko muna siya sa labas. Nang makita ko naman siya ay agad naman siyang lumapit sa akin at binigyan ako nang isang mahigpit na yakap.
"Gago, namiss kita." bati niya. Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sa akin. "Asan na siya?"
"Wow? Mas gusto mo pang makita girlfriend ko kaysa sa akin." iiling-iling kong sabi.
"Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo sa totoo lang."
"Sawa daw pero namiss naman." sagot ko at umakbay na sa kanya.
We walked our way sa loob papunta sa table namin. Nang makarating kami sa ay nginitian ko naman si Rad.
"Si Bea?" tanong ko dahil wala siya sa table.
"Nag CR lang." I nodded.
"Mahal, bestfriend ko nga pala si Jovs. Jovs, girlfriend ko si Raine."
"Nice to meet you, tama nga si Mika, sayang nauna siya sayo." Napailing naman ako. Inabot naman ni Jovs ang kamay niya kay Rad which my love took with a smile.
"Hi, nice to meet you too."
Hahalik pa sana si Jovs sa kamay ni Rad pero binatukan ko siya. "Umayos ka nga."
"Ang KJ mo." tangi niyang sagot at uupo sana sa tabi ni Rad pero hinawakan ko ang kwelyo niya at pinaupo siya sa katabing upuan ng akin.
"Yow nigga!" bungad ni Bea nang makita si Jovs.
"Hey yow conyo!" nag special handshake naman sila.
Natawa naman si Rad "Ganyan ba sila?" tanong niya sa akin kaya tumango ako.
"Galit ka pa?" tanong ko and reached for her hand pero she didn't let me hold it, pinalo niya ang kamay ko, sad.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Tss."
Masaya namang nagkwentuhan ang dalawang ugok. Napacross arms na lang ako dahil hindi na ako kinausap ni Rad, ano bang ginawa ko? Pinakilala ko naman siya ng maayos sa mga kabatch ko ah?
Nagyaya na din sila umuwi, si Jovs daw ay sa bahay matutulog, maigi na din dahil kay Rad ako matutulog ngayon. Nang makarating na kami ng apartment ni Rad ay sinundan ko naman na din siya agad pero bago pa ako makapasok ay pinagsarhan niya na ako ng pintuan.
"Uy Rad." sabay palo ko nang mahina sa gate nito. "Dito ako matutulog diba."
"Umuwi ka na." sagot niya.
Napakamot na lang ako sa aking ulo. Nang lingunin ko ang dalawa ay tawa naman sila nang tawa.
"Aww, walang labing labing." Sabi ni Jovs.
"You really are insensitive paminsan ate." Bea laughed annoyingly.
"Dito na lang kaya ako matulog noh?" singit ni Jovs kaya agad ko siyang sinamaan nang tingin.
"Tumigil ka nga." Pumasok na ako ng kotse.
"Takot kang maagaw ko siya sayo?" she smirked.
"No. Why would I? Kung hindi kita kaibigan, hindi pa rin. Ganun ako kamahal ng girlfriend ko."
"Ohh, super confident.."
Napailing na lang ako. I grabbed my phone and composed a text message.
To: Mahal ko ❤️
Raaaad, I'm not sure where I went wrong but sorry kung may nagawa akong di mo nagustuhan. Love yooouu babe. Sorry :(
Nahiga na lang ako sa likod ng kotse at itinakip ang forearm ko sa aking mata.
"If you don't have a clue what you've done wrong, she's jealous. Dami mo chicks kanina." sabi ni Bea dahilan para mapaupo ako.
"Talaga?" ngiting ngiti kong tanong then I looked at Jovs. "See? Sabi sayo mahal ako ng girlfriend ko." I grinned stupidly.
"Nabuang na." sabi ni Jovs marahil mukha nanaman akong tanga sa sobrang lapad nang ngiti ko. "If ever nagkaroon ako ng chance if you two break up, I'll go for her."
This is really what annoys me. Masyado siyang mayabang na akala mo kaya niyang makuha lahat. "Di kami magb-break. Mahiya ka nga sa balat mo. Magmumukha kang madumi pag katabi siya."
Natawa sila pareho pero hinayaan ko na lang sila. Muli na lang akong napangiti knowing Rad is a jealous type of person din pala, napakacute. Bago pa kami tuluyang makabalik ay nagreply si Rad.
Mahal Ko ❤️
Balik ka dito ☹️
Love youuuu.
Lakas ng topak
mo. Sige wait lang.
"Beatriz, balik tayo kanila Rad." Sabi ko.
"Ayyy, ayiee. Bati na sila." Pang aalaska niya at napailing ako.
"May labing labing na. Ang bilis naman, walang thrill." Singit ni Jovs.
Hindi ko na lang sila pinansin. Nang makapasok ako sa tinutuluyan ni Rad ay agad naman siyang yumakap sa akin kaya yumakap ako pabalik habang tumatawa. My jowa is having mood swings.
"Selos ka? Bakit?" Pinisil ko naman ang pisngi niya.
"Bakit kasi ang daming may gusto sayo?" Tanong niya.
"Ano naman? Ikaw naman ang gusto ko. Ikaw lang." yumakap akong muli sa kanya nang mas mahigpit. "My eyes are set only for you, my love. Only for you."
Binuhat ko naman si Rad papunta sa kama niya at marahan siyang ibinaba doon. I nozzle my nose on hers at parehas kaming napangiti na parang tanga. Hinawakan naman niya ang leeg ko to pull me in for a kiss.
"I hate you. I hate you dahil feeling ko mababaliw ako pag nawala ka sakin. I hate you for making me feel this way. I hate you, I hate —" I kissed her to cut her off.
"Masakit ha." Tumawa naman ako. "Rad, di kita ginayuma ah, in your own accord yan." Biro ko at ngumiti naman siya. Hinawi ko naman ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya. "I can stare at you all day."
"Gusto ko yun." Sabi niya at tumawa. Tinap naman niya ang space sa tabi niya kaya nahiga na ako dun. "Sobrang clingy na ba ako?" Tanong niya.
"Okay lang, hindi naman annoying e. Infact, I like this side of yours. You've been alone for long, I know you always show people that strong and independent side of yours kaya I'm lucky to see the real you."
Umunan naman siya sa braso ko at yumakap. "Baka bago ako magsawa sayo e sawa ka na sa akin?" Tumawa naman siya at pinanggigilan ang tagiliran ko.
"Hinding hindi ako magsasawa sayo." I smiled and brushed her hair using my fingertips. "Matulog ka na nga. Selosang to."
"Psh. First time ko, hindi ko pa kayang kontrolin." Sagot naman niya.
"Palusot mo."
Natahimik naman siya, at tiningnan ako nang may ngiti sa kanyang labi. Minsan naiisip ko na mas weirdo siya kaysa sa akin e. Bigay ko na kaya apelyido ko sa kanya?
"Mika."
"Hmm?"
"Mahal na mahal kita."
"Alam ko." Sagot ko at tumawa kaya sinabunutan niya ako.
"Leche ka. Bwisit."
Natawa na lang ako at hinawakan na ang kamay niyang nasa ulo ko pa. "Ang cute mo."
"Tigilan mo ako." At pinitik niya ang noo ko before kissing me softly.
"Mahal na mahal mo nga ako." Sabi ko nang humiwalay siya at tinawanan; inirapan naman niya ako. "Hehe, I love you more babe." Pinisil pisil ko naman ang pisngi niya, she's not even minding kahit mukha na siyang ewan pero kahit anong lamukos ko sa mukha ng babaeng 'to e parang walang panget na anggulo. "Bakit ang ganda mo?"
"Syempre, maganda jowa ko." Sagot niya.
"Matulog na tayo, nagkakalokohan na tayo dito e." Iiling-iling kong sagot habang tumatawa.
Minsan talaga may saltik tong girlfriend ko pero ganun pa man, she makes my world go round and my life a lot happier.