Beatriz
I'm out with Jovs, Raine and ate dahil nagdecide silang sa labas na lang kami kumain. I wonder what happened to these two at sobrang clingy ngayon ni Raine kay ate. I mean yes they're awfully sweet naman when they're together pero ngayon lang talaga siya naging super clingy.
"Mukha ngang lab na lab niya ate mo." Side comment ni Jovs patungkol sa dalawa.
"Yeah, kaya wag ka na umasa." Sabay batok ko sa kanya.
There was this hot chick na kung makatingin kay ate ay malagkit kaya agad ipinaling ni Raine ang tingin ni ate sa kanya.
"Bakit?" Tanong ni ate na walang kamalay malay how Raine's look could kill the girl.
"Wala." Sagot ni Raine at hinawakan na ang kamay ni ate. "Wag kang lalayo sa akin. Baka biglang may dumagit sayong haliparot." That made me and Jovs laugh, clueless pa rin si ate.
"Ate Mikaaaa!" Napatingin naman ako sa sumigaw and saw Jia.
"Jia baby." She engulf Jia in a hug when she stood. "Kumusta? Long time no see, I'm glad nakarating ka."
"Sabi ni Miggy sama na daw kami. NagCR lang siya." Sagot ni Jia.
"What? You invited him too?" Kunot noo kong tanong referring to Miguel, bakit hindi niya ako sinabihan agad nang nakahindi ako diba.
"Siya ba yun?" Bulong na tanong ni Jovs kaya tinanguan ko lang siya nang bahagya.
"Bakit?" Tinaasan ako ni Jia ng kilay. "May problema ka ba don?"
"Kung mag-aaway kayo, pwedeng sa ibang araw na lang?" Masungit na tanong ni Raine.
"Tss."
"Ji, si Jovs pala, bestfriend ko. Jovs eto si Jia saka yung friend niyang si Miguel." I snorted when ate said the word friend, friend my ass.
Sa isang eat-all-you-can na kainan kami kumain, libre na daw ni ate kaya palakpak tenga naman itong si Jovs. Iba talaga nagagawa ng libre.
Nakakainis lang dahil sa six seater kami naupo. Ang ending tuloy e napapagitnaan namin ni Miguel si Jia. Sinamaan ko naman nang tingin si Jovs at sinipa ang paa niya, ang epal e. Tinawanan lang ako ng bruha.
How did this happen?
It was all ate's idea.
"Beatriz." ate called. "How are things between you and Jia?"
"Ewan ko ate. Hindi ko na alam kung anong gagawin."
"Bakit mo ba kasi biglang iniwasan si Jia noon?" tanong niya that made me look away.
"Because she likes you." natawa naman siya bigla sa sinabi ko. Tumabi naman siya sa akin at inakbayan ako.
"Saan mo naman nakuha yan? Minsan alam mo, kung anu-ano pumapasok sa isip mo." ginulo naman niya ang buhok ko.
"Sabi niya yung gusto niya may gustong iba e." kunot noo kong sagot kay ate. "Gusto mo na si Raine nun diba." I pouted.
"Masama talaga mag-assume." iiling-iling niyang sabi. "Go get her. Stop being a lame ass kid."
Napatingin naman ako kay ate bigla at nginitian niya ako sabay itinuro niya si Jia gamit ang kanyang mata. Umiling ako kaya naman sinamaan niya ako nang tingin.
"So gaano na kayo katagal ni Miguel?" tanong bigla ni Jovs.
"Ha? Hindi naman kami." natatawang sabi ni Jia. "Pero malay mo malapit na." she smirked and I'm already having this irky feeling.
"Psh it will be sooner than later." Miguel laughed his cocky ass off.
Kumain na lang ako nang tahimik at hinayaan sila mag-usap. I am annoyed at how sweet Jia and Migual are.
"Bea, gusto mo?" tanong ni Jia sa akin while handling me some dessert.
"Ako gusto ko." sagot ni Miguel at ngumanga, wow nagpasubo pa. "Ikaw gusto mo?" sinubuan naman niya si Jia.
Napatingin ako kay ate with hopeless eyes. Nginitian niya lang ako nang tipid saka siya may binulong kay Raine. Tumingin naman sa akin si Raine and smiled at me mouthing 'bawi ka'. Tumingin naman sa akin si Jovs at inabot ang isang bowl, and gestured alukin ko din daw si Jia.
"Ji gust—" kinuha ni Miguel ang hawak ko.
"Mukhang masarap 'to." sabi niya pa.
Napakunot ang noo ko and they've become sweeter. Nakakainis pa how Jia responded sa paglalambing ni Miguel. f**k it, f**k this lunch date.
"I'm going." sabi ko at tumayo na saka mabilis na naglakad palabas.
"Beatriz!" I heard ate shouted pero di ko na nilingon pa.
Napapikit na lang ako nang mariin nang makalabas ako. Huminga muna ako nang malalim at naglakad pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak sa wrist ko at iniharap ako sa gawi nito.
"Ano bang problema?" tanong ni Jia with worried look.
"Ikaw. Ikaw ang problema." sagot ko without minding the people around us but I said it in a very low tone.
"Ako?" kunot noo niyang tanong. "Anong ako? Wala naman akong ginagawang masama sayo." inis niyang sagot.
"Just f**k off Jia! Leave me. Get lost!"
She gritted her teeth at nakita ko naman namumuo na ang luha niya. I didn't really mean to shout at her.
"Ji I'm so—" hahawakan ko sana ang kamay niya but she brushed it off.
"I'm so done with you Beatriz. Loving you sucks."
Nagitla naman ako sa sinabi niya. She walked away at ibinangga ang balikat niya sa braso ko. I wanted to run after her. Gusto kong itanong kung tama ba yung narinig ko but someone stopped me from doing so. Nakita ko naman si Miguel na mukhang dismayado.
"You really didn't have to do that. You mean so much to Jia. Mauuna na din ako, salamat kamo sa pagkain." he tapped my shoulders at sinundan na si Jia.
I saw how he brushed Jia's tears away, bumalik na lang ako sa loob. Ate smiled at me and tapped the space beside her kasi lumipat na si Jovs, napabuntong hininga na lamang ako nang makaupo ako at umakbay sa akin si ate.
"Aayusin natin to okay?" wika niya at napatango na lamang ako.
"Nilalayasan niyo lang yung pagkain, kayo talaga." iiling-iling na sabi ni Raine habang kumukuha ng pagkain. "Oh kainin mo 'to nang magkaroon naman ng laman yang katawan mo." sabay salpak niya nang kinuha niyang pagkain sa bibig ni ate. I pouted. "Inggit ka? Tanong niya.
"Konti lang." sagot ko.
"Konti lang daw." kontra ni Jovs kaya inirapan ko siya. Narinig ko ang pagtawa niya. "Oh baby ito na." sabay akma niya akong susubuan.
"Wag niyo na ngang pagkaisahan." sabi ni ate kaya yumakap ako sa kanya.
"Labyu ate." wika ko.
"Love you too bunso." then she pat my head. "Aayusin natin 'to. I promise you."
*****
Mika
Pinauwi ko muna si Beatriz kay Jovs Pinapapunta pa kasi ni Marco si Rad sa Restau nito. I can't leave my girl alone there baka hindi na makabalik sa akin at ibahay na ni Marco e.
"Hi babe, what are you doing here? Taking your girl out on a date?" Tanong ni Rhi nang makapasok kami.
Nakita ko naman sa peripheral view ko kung paano napairap si Rad. "Come on Rhi, stop calling me babe, well atleast not infront of my girlfriend." I laughed half-heartedly at naramdaman ko na ang pagkurot sa akin ni Rad. Napangiwi ako at pinigilan ang pagtawa. I didnmt mean it naman.
"I'll take note of that." Rhi looked at Rad with authority, which I kind of hated kaya I held Rad's waist.
"Love, punta ka na muna kay Marco, kakain lang ako ng dessert. Gusto mo ba? I-oorder kita." tanong ko.
She smirked as she hug me sideways at tiningnan ako nang mapang-akit. "I'll have you for dessert tonight, love." she winked as she gave me a quick peck at naglakad papunta sa office.
Gusto ko sanang matawa how Rhi's ear turned Red, my Athena surely loves to piss her off. Naupo naman muna ako at namili na nang oorderin. Tinanong ko na rin si Rhian kung gusto niya at hindi naman siya humindi.
"Bakit si Raine? Anong meron sa kanya?" Tanong niya bigla.
Tiningnan ko si Rhi sa mata "Hmm, I don't even know. Maybe nagustuhan ko yung pagiging independent niya? She's a strong woman, that's what attracted me the most, I think." Sagot ko at uminom.
"I can do that too and I'm sure I'm way better than her. Bakit hindi ako? Bakit hindi na lang ako ulit?"
Napaiwas ako nang tingin. I don't want to do this pero if they keep looking down on Rad, wala na akong pakialam kung may masasaktan pa ako. "Give me a reason bakit hindi siya?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Hindi siya magugustuhan ng mama mo." Pinakabullshit na sigurong reason na narinig ko ang sinabi niya.
"And so?" Naiinis na ako, paulit ulit na lang. "I don't f*****g care if I won't get everyone's approval. I don't need you or others to be happy for me. I don't care, as long na masaya si Rad." Halos magsalubong na ang kilay ko habang sinasabi iyon.
"Mika, I'm much better than her."
"And who are you to say that? Pera lang nilamang mo sa kanya Rhi. She's much better than you and if you'll ask me again I'll choose Rad over you even at her darkest, even at her lowest."
"Rhian!" Bati bigla ng isang babae at tumabi rito. Doon ko lang napansing si Aby iyon. So she really likes Marco for her friend huh? Tinaasan niya ako ng kilay. "Sabi ko na nga ba wala kang kwenta para sa kaibigan ko. Manloloko." Bungad niya.
Wow. Napataas ang kilay ko at natawa in disbelief. "Una sa lahat kausap lang ni Raine si Marco at nandito ako dahil sinamahan ko siya."
"Leave her alone."
Napapikit ako nang mariin, bakit hindi na lang silang dalawa ang magsama tutal parehas naman silang kontrabida sa relasyon namin ni Rad? Inihilamos ko naman ang palad ko sa aking mukha bago umismid. "Bakit ko gagawin yun kung ikakalungkot ni Raine iyon?"
"Talaga? Ano pa silbi naming kaibigan niya?" Sagot ni Aby.
"Hahaha!" I laughed sarcastically pero nagpupuyos na talaga ako sa galit. "Kaibigan? You call yourself a friend with the way you're acting? Bakit si Marco gusto mo para sa kanya? Because? Mayaman siya? Gwapo and everything? Quit that concept. Excuse me."
"Maghihiwalay din kayo." Rhian said na hindi ko na pinatulan.
Tumayo na ako at kinatok si Rad sa office ni Marco. Binuksan naman din ito agad ni Raine kaya tinanong ko kung pwedeng makiupo. Marco asked me kung ginugulo daw ba ako ng kapatid niya, napaiwas na lang ako nang tingin at sinabihan silang wag na lamang ako pansinin.
They were talking about something na hindi ko na rin naintindihan sa sobrang inis. I barely get this pissed pero my patience is running thin for people na lagi na lang kumokontra sa buhay ko. Napatigin na lamang ako kay Rad, and just the thought of us breaking up, gusto ko na agad manakit.
"Love?" Wika niya with confused look.
"Hmm?"
"Okay ka lang?"
"Ah oo." I dismissed kaya kumunot ang noo niya.
"Sir, mauuna na kami. Mukhang sinusumpong na 'tong baby damulag ko." That made me pout.
Napailing naman si Marco. "Alagain si doc." Natatawa niyang sabi. "Mag-ingat kayo."
"Mauuna na kami." Sabi ni Rad saka tumayo.
Itinayo naman din niya ako. Nasa may table pa rin yung dalawa. Nagpunta muna ako sa cashier para magbayad, si Rad naman ay nilapitan si Aby. If she heard what Aby said earlier baka mag-away nanaman sila.
Nagpaalam na din siya nang masettle ko ang bill ko. Nagpara na ako ng jeep dahil pinadala ko ang sasakyan kanila Bea, I still want to do things with Rad. I held her hand nang makaupo na kami and leaned my head on her shoulders.
"May problema ba?" Tanong niya.
"Pagod lang siguro." Ayoko naman siyang mag-alala. I don't want her overthinking anymore. "Can you stay sa bahay tonight? Just for tonight?"
"Sure, kukuha muna ako ng gamit sa bahay."
Tumango na ako at sinabing matutulog muna ako. Nagising ako ng malapit na kami sa kanto nila.
"Rad, ano kasi uhm, I've always wanted to do this." Sabi ko at tumawa, okay naman na ako kahit papaano. "Piggy back kita." I grinned.
"Nakakahiya, para tong sira." Natatawa niyang sagot.
"Dali naaaaa."
"Malayo pa lalakarin natin. Baka mabigatan ka."
"Papasan o hindi?" I pouted, baka gumana.
"Ang cute mo, sarap mo itapon." Sagot niya at pumwesto na sa likod ko.
Pumasan na nga siya sa likod ko, natigilan lang ako saglit nang may kung anong pumasok sa utak ko kaya natigilan ako.
"Bakit di ka pa umuwi agad?" tanong ng babae.
"Syempre para bayad sa mga kulang kong oras." sagot ng kausap niya. "Akin na yang bag mo."
"Wag na, pagod ka din naman eh." tugon niya.
"Pero pag inalok kong ipiggy back ride ka, sige ka naman?" natatawa tanong ng isa pa.
"Oo naman." tumawa din siya.
"Oh edi halika na, ipipiggy back ride na kita."
Sumampa naman ang babae.
"Ayos diba? Ayaw ipadala yung bag pero magpapapiggy back ride. Ayos." natatawang reklamo ng isa.
"Thank you." at sinandal niya na ang mukha niya sa balikat nito.
I shook my head, these flashes are annoying. Akala ko matagal ko nang natanggal ito sa akin, ang annoying kung babalik sila.
Kumuha na nga agad si Rad ng gamit niya pati na din ang gagamitin niya pagpasok bukas para daw deretso na siya.
"Hala ayoko na." Bigla niyang sabi nang makasakay na kami ng jeep.
"Ha?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "Bakit?"
"Nahiya ako bigla." At nagtakip siya ng mukha. Natawa ako, baka naalala niya iyon.
"Naalala mo yung first kiss mo noh?" Bulong ko sa tenga niya kaya agad niya akong hinampas.
"Wag mo na nga ipaalala!" Ah, she really gets cuter kapag naiinis siya kaya tumawa ako. "I hate you."
"Talaga ba?"
She nodded saka ngumiti, baliw din paminsan. "Paano pala si Jia at Bea?" Tanong niya.
"Yayain mo si Jia sa bahay mext weekend."
"And?"
"Excited?" Binatukan naman niya ako. "Alam mo nakakasakit ka na talaga ha. Kung di lang kita mahal, itatapon kita ngayon sa jeep."
Nagmake face naman siya bago tumawa. "Love you too."
"Athena, can I ask you one thing?"
"Hmm, ano ba yun?"
"Promise me na whatever happens, ano man marinig mo, you'll stay with me." I looked at her with pleading eyes. Ayoko mawala si Rad sa akin just because ayaw ng mga taong nakapaligid sa amin.
She smiled. "Promise." Sagot niya at isinandal na ang ulo niya sa balikat ko.
I held her hand, and I'll be holding on to her promise as well.