Jia
Hindi ko alam kung bakit ako umoo sa paanyaya ni Raine na overnight kanila doctor Weird. Sabi niya wala naman dun si Bea at si ate Mika ang nagyaya kaya nahihiya ako humindi. Napabuntong hininga na lamang ako nang pindutin ko ang doorbell nila. Binuksan ni manang ang gate at pinapasok ako sa loob.
"Tagal mo." Bungad sa akin ni Raine.
"Ano bang meron?" Tanong ko. "Si ate Mika?" Wala kasi siya dito.
"Nasa taas pa. Miss ka na daw ni Mika." Natatawa niyang sabi kaya namula naman ang pisngi ko. "Hoy, bat ka namumula. Siraulo ka." Sabay hampas niya sa akin habang tumatawa pa rin.
"He, tigilan mo ko. Uhm wala talaga si Bea ha?" Paninigurado ko. "Nakakainis na talaga siya."
"Bakit ba? Alam mo gusto ko na kayo pag-untugin. Nung nakaraang taon hindi kayo mapaghiwalay, ngayon naman hindi na kayo mapagsama ng hindi kayo nag-aaway."
"Siya naman unang umiwas e."
"Bakit ba siya umiwas?" Napairap ako sa tanong niya.
"Aba hindi ko alam sa weirdong iyon." Inis kong sabi. "Akin na lang si ate Mika." Nagwiggle pa ako ng brows ko habang nakatingin sa kanya.
She raised her middle finger. "Asa ka."
"Dali na. Bibigay ko na sayo bahay ko."
Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Si Mika, para sa akin lang."
"Uy andito ka na pala." Sabi ni ate Mika habang pababa ng hagdan. She was wearing a short shorts. Kumikinang ang legs niyang mahaba.
"Hi ate." Ngiti kong bati sa kanya. "Huy ang sexy ni ate." Bulong ko kay Raine at nagshrug naman siya.
"Alagang alaga e." Pagyayabang niya. "Joke lang. Oo nga, lumalaban sa akin. Ayaw pakabog ng ate mo."
Nagpunta naman kami sa kusina para kumain, I was about to talk tungkol sa nangyari nung nakaraan pero sabi ni ate Mika ay okay na daw iyon, naiintindihan naman niya.
"Jia, lagay mo na muna dun sa kwarto yung gamit mo." Sabi ni Raine after namin kumain.
"Saan ba?"
"Dun sa pangalawang kwartong makikita mo." Sagot ni ate Mika. "Labs, samahan mo na nga muna. Ako na magliligpit."
Kinuha ko na nga muna ang gamit ko, may hindi ako nararamdamang maganda pero isinantabi ko na lamang iyon at nang makapasok ako sa kwarto ay binuksan ko ang ilaw. Inilapag ko naman ang gamit ko at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Sinubukan kong buksan iyon pero hindi ko mabuksan.
"Huy, Raine!" Sigaw ko.
"Goodluck, Ji!" Rinig kong sagot niya. Hindi ko alam para saan yon. Naintindihan ko na lamang nang makita ko siya paglingon ko.
"Beatriz..."
"Hindi mo mabubuksan yan. It's locked from the outside." Naupo naman siya sa kama.
"You planned this didn't you?" Kunot noo kong tanong sakanya and slammed the door hard. "Buksan niyo 'to!"
"Sasayangin mo lang lakas mo. Why don't you take a seat instead?" Then she tapped the space beside her.
"Ayoko." Mariin kong tugon at naupo na lamang sa sahig and leaned my back on the door. "Let me out."
"It's not my decision to do that. Kinuha ni Raine ang phone ko." Sagot niya kaya naman chineck ko ang phone ko.
"Shit." I hissed, nasa may dining table ang phone ko. "Ayoko makasama ka." Napayuko na lamang ako while resting my head sa braso kong nakapatong sa aking mga tuhod.
"Jia about what you said—"
"I don't want to talk about it, Beatriz. Not now, not ever."
May kumatok naman. "Jia?"
"Ate Mika! Buksan niyo 'to please." Wika ko at inikot ikot ang doorknob trying to open it.
"You guys need to talk. Ayusin niyo na yan."
I sighed at napatingin kay Beatriz. Nakikita kong may lungkot sa mga mata niya ngayon. Bakit naman siya malulungkot? Kasi nakakulong kami dito ngayon? Ayoko naman ding makasama na siya.
"I'm sorry, Jia." Napayuko naman siya. "I'm really sorry for shouting at you. I didn't—"
"If not only for ate Mika magwawala na ako dito. Stop saying bullshit. What now? You didn't want to hurt me? You already did, Isabel. The moment na iniwasan mo ako, sinaktan mo na ako." I looked away, ayoko siyang tingnan sa kanyang mga mata.
"Honestly, it really annoys me how you act when ate is around. I get it you like her and nainis ako, nainis ako because nagseselos ako and I don't want my relationship with ate to go down hill just because I'm jealous." Napakunot ang noo ko sa narinig, wala akong naintindihan miski isa.
"Ano?"
"Wala." Sabi niya at nahiga sa kama saka tumalikod sa akin. "Kung nasi-CR ka or what may banyo dito, di naman nila bubuksan yan hanggat di tayo okay."
Napabuntong hininga na lamang ako at naupo sa swivel chair at idinukdok ang ulo ko sa lamesa. Ghad, I hate the atmosphere in here. Too much tension but all I really wanted is to be with her. Paano naman mangyayari yun kung may Maddie na siya at bakit nila ginawa 'to? Hindi ba nila kinonsider feelings niya?
Napaangat naman ako nang tingin and saw a picture frame, it was a photo of us. Recent lang, since recent lang naman kami naging friends talaga. All smiles kami parehas but what catched my attention was the way she looked at me. Parang ... I don't want to assume things kaya iniwas ko na lamang ang tingin ko. Maybe before everythig ends here, I should let her know what I really feel kahit may iba pa siyang gusto. Atleast wala akong regrets.
"Beatriz." Kinalabit ko siya. I really can't stay mad for long sa taong 'to.
She slowly turned my way. "Yes?" Napaupo naman siya.
"Si Maddie?"
"Ha?"
"Is she okay with this?" Tanong ko at naupo din, halos isang metro din ang layo ko sa kanya.
"Si Maddie, she's just a friend."
Natahimik naman kami pareho, hindi ko alam paano sisimulan yung gusto kong sabihin. Gusto ko sanang tumakbo agad palabas pagkasabi ko sa kanya dahil ayokong mapahiya.
"Diba you already like someone?" Tanong ko.
"Ikaw din naman diba?" Sagot niya. Napairap na lang ako kasi di naman niya sinagot nang maayos ang tanong ko. "Anyway," she reached for my hand na ikinagitla ko. "I'm really sorry. Hindi ko lang talaga ma-take how sweet you and Miguel are. I hate every second of it."
"Bakit?" Tanong na biglang lumabas sa bibig ko, mas nagulat naman ako when she slowly intertwined our hands.
"Can we stay like this for a minute?"
Napatango na lamang ako, for a second I know masaya ako. The feeling of her hands, gusto kong maramdaman araw-araw. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya pero hindi ko pa rin siya magawang tingnan. Huminga na lang muna ako nang malalim, heto na, sasabihin ko na.
"Gusto kita." Pag-amin niya bago pa ako makapagsalita kaya natigilan ako. "Sorry hindi ako kasing tapang ni ate. Hindi rin ako kasing galing niya, hindi ako si ate na crush mo pero gusto kita. Gustong gusto kita."
"Teka lang." pagpigil ko sa kanya.
"Ha?"
"Di na ako makahinga." Sagot ko at agad naman siyang nagpanic pero pinigilan ko siya. "Di na ako makahinga sa kilig." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Actually. Halika nga dito."
Hinila ko siya at niyakap. Naniniwala akong alam ni ate Mika ang nararamdaman ni Beatriz, kung sinabi niya sana ng mas maaga edi sana hindi na nagkandagulo gulo pa. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Bea at hinawakan ang pisngi niya.
"Gusto din kita." I smiled before kissing the corner of her lips.
"T-te-teka." Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"So I guess ang manhid natin parehas."
Napailing naman siya. Kwinento ko naman din ang about sa usapan namin ni Miguel and same lang din pala sila ni Maddie. Nakakatawa kaming dalawa.
"Halika na, labas na tayo dito." Sabi niya as she offered her hand para tumayo na kami. "Ate! Okay na kami!" Kinalampag naman niya ang pinto. "Ate? Huy! Usapan natin mag aantay kayo sa labas ah? ATEEEE!"
"Baka naman bumaba lang."
"Maghintay na lang tayo."
Wala naman kaming ibang nagawa kundi ang maghintay nga.
*****
Rad
"Sigurado ka ba? Akala ko dito lang tayo sa labas?" Tanong ko kay Mika dahil nagyaya siya sa kwarto nila.
"Inaantok ako Rad, mamaya pa naman yan." Sagot niya at nag-inat.
Nagtungo na nga kami sa kwarto niya at agad siyang sumalampak sa kama. She's been restless these past few days sa hindi ko malamang dahilan. Kahit tanungin ko siya ay wala naman siyang sinasabi, miski kay Beatriz wala siyang nabanggit. Tinabihan ko naman siya at pinaunan sa braso ko, hindi pa rin siya nagbabago, she groped me kaya agad kong pinalo ang kamay niya and she pouted. Ganyan talaga siya pag stressed siya. She settled near my mound at dinama ang lambot nun, sira ulong 'to. I brushed her hair para tulungan siyang makatulog, hindi naman ako nabigo dahil ilang minuto pa lang ay nakatulog na siya. Ipinikit ko na lang din ang aking mata at niyakap siya. Bahala na si Bea at Jia doon sa kabila.
"Ang lamig." Wika ko nang magising ako dahil ang lamig nga at di kami nakapagkumot.
Kinuha ko ang kumot na malapit kay Mika at ikinumot ito sa amin. She really do look like an angel when she's sleeping peacefully. I run my fingertips on her hair, napailing na lang ako when her lips curved upward a little bit. I leaned for a quick kiss. Tiningnan kong muli si Mika, she really is so cute kaya hindi ko napigilan muling humalik sa kanya. I kissed her softly and let my lips brush on hers.
"Mm" she moaned kaya napalayo ako agad pero nakapikit pa rin siya. She unconsciously bit her lip.
Sexy.
I kissed her for the nth time and this time she responded. "Rad." She huskily whispered between our kisses, which was way too sexy for me to handle. "Rad!" Napahiwalay naman siya bigla. "Akala ko panaginip s**t, sorry. I didn't mean to take advantage." Namumula pa siya.
I rolled over and smirked at her. "Actually, I was the one taking advantage." Natatawa kong sabi and gave her a quick peck. "Malamig, love."
Tumawa naman siya. "Edi papatayin ko aircon, ang harot mo ha." At kinurot pa ang tagiliran ko.
"As if I'll let you do that."
Muli ko siyang binigyan nang masuyong halik. She smiled inbetween and held my waist as she responded, even overpowering me and taking the lead. She lowered her kisses and sucked the hell out of my shoulders.
"Doctor Weird's one and only." She winked.
"Siraulo ka." Sabay pitik ko sa tenga niya.
"Matatago mo naman yan! Ang arte!" Reklamo pa niya at kinagat ako. "Dagdagan ko yan e."
"Shh, daming satsat." Sabi ko then continued where we left off.
Umikot siya and smirked devilishly, tapos biglang bumukas ang pinto. I saw Beatriz and Jia already out of the room. Agad namang naisapo ni Jia ang palad niya sa kanyang noo.
"Hay, ang aga pa para maglandi. Buti na lang binuksan ni manang yung pinto." Sabay irap ni Bea kaya tinulak ko na si Mika at bumangon.
"Nagsisimula pa lang naman kami. Kakagising ko nga lang e." Sagot ni Mika at tumawa. "Okay na kayo?"
"More than okay." Sagot ni Bea at hinawakan ang kamay ni Jia.
"Success!" Sabay nakipag-apir sa akin si Mika. "Aalis kayo?"
"Bibili lang kami ice cream, sige na. Ituloy niyo na yan." saka tumawa si Jia.
"Sige pakilock nung pinto. I'll make someone my Queen tonight." Mika smirked as she looked at me. They did just as what Mika said.
"I'm glad that they're okay."
"If Only Bea confessed way back then, edi hindi na sana sila nagkagulo."
"Mahirap kaya umamin, sa sarili ko nga hirap akong umamin e."
"Nahirapan kang aminin sa sarili mong gusto mo na ako?" Nakakaloko ang mga ngiti niyang binigay.
I nodded and pouted. "You know, you gave me weird feelings, feeling na first time ko lang maramdaman. I'm clueless, malay ko ba sa love love love na yan. E ikaw ba?"
"I knew right then and there you were the one." Oh ghad. Napatakip ako agad ng unan nang mainternalize ko ang sinabi niya, siraulong Mika 'to. "Hahahaha! Ang cute mo pag kinikilig." Sabay kiliti niya sa akin.
"Mikaaaaa!" Nasipa ko na siya sa kakakiliti niya pero ayaw paawat.
Yumakap naman siya. "Pero seryoso, I've been in a relationship. Madaming flings but sayo lang, sayo ko lang naramdaman na 'siya na, siya na talaga'."
Feeling ko naiiyak na ako, sa tagal ko ba naman mag-isa siya na lang talaga nakapagparamdaman sa akin ng sobrang pag-aalaga at pagmamahal. "Love you, weirdo."
Yumakap naman siya sa akin at humalik sa noo ko. "You're all I need my love. Love you tooooo." At pinanggigilan niya ako. "Tuloy na natin?"
Napailing na lang ako at natawa before kissing Mika once again.