XXII:

2469 Words
RAD Being in a relationship with doctor Weird, madami mang sinasabi ang iba tungkol sa amin, marami mang kontra ay hindi naman alintana yun. Masasabi kong masaya ako, Mika is everything I could ask for. Nakaupo ako sa mini couch niya dito sa clinic habang nakatitig sa kanya ngayon, nakakamiss rin pala dito, the place where it all started. "Matutunaw na ako Ms. Dawson." Seryoso niyang sabi at nag-angat nang tingin. "Wow, parang mas gusto ko yung mrs. Weird." I smirked before winking and saw her pursed her lip. Naitakip naman niya sa mukha niya ang hawak niyang papel. "Teka naman yung puso ko." Sabi niya habang nakangiti nang makarecover siya at humawak sa dibdib niya. "Love youuu." "Tagal ka pa?" I pouted dahil may date pa kami. "Love, ang aga mo naman kasi?" Natatawa niyang sabi. "Hanggang 5 pa ako diba." 2 pm kasi ako pumunta at 3:30 pa lang. "Bakit ba? Bawal ka ma-miss?" Inirapan ko siya, 3 araw na kasi kaming hindi nagkita dahil galing ako sa isang seminar sa Vigan. "Nagtanong lang, grabe ka naman. Di mo ba alam kung gaano ako kalungkot?" Sumimangot siya at nagpacute. Tumayo naman ako at nilapitan siya saka naupo sa lap niya. "Gaano kalungkot?" I twirled my index sa kanyang buhok. "Di ako makakain, love." Natawa naman ako at binatukan siya, ang arte e. "Aray ha." Sabay kurot niya sa pang-upo ko. "Di ka naniniwala?" Natatawa tawa niyang tanong. "Hindi, ikaw pa ba?" Sagot ko at yumakap sa kanya, namiss ko din naman itong damulag na 'to. "Ate!" Biglang pasok ni Bea at inirapan naman kami nang makita niyang nasa ganoong pwesto. "Ang landi naman talaga ng dalawang 'to." Iiling-iling niyang sabi. Yumakap naman sa bewang ko si Mika and leaned her head in my chest. "Huwag kang epal, namiss ko siya." "Whatever. Nagyayaya si negra kumain. You two good ba?" Napatingin naman sa akin si Mika, she's asking with her eyes. "Yeah, we're good." Sagot ko. "I'll stay over na lang in your place." Sabi ni Mika kaya tinanguan ko naman siya. May kumatok naman kaya tumayo na ako dahil malamang pasyente iyon ni Mika. Sabi ko ay sa clinic muna ako ni Beatriz para hindi na siya maistorbo. "How are things between you and Jia?" Tanong ko. "We're doing fine I guess, we're taking things slow naman. I mean, the feeling is mutual pero we're back to square one. Get to know each other and see if we're compatible." She smiled. "Ate mo wala ng ganun ganun e. Inangkin na kagad ako." Natatawa kong sabi sa kanya. "Ah, she loves you deeply. You know naman na lagi ka niyang kinukwento sa akin right?" Namula naman ang pisngi ko, nope, hindi ko alam kaya umiling ako. "Really?" Taka niyang tanong. "Her eyes shines whenever she talks about you. I can see na sobrang happy siya with you. I'm really happy for ate din." "I love her more than anything in this world." Nginitian ko naman siya. We talked about things hanggang kumatok si Mika sa pinto. 5:15 na natapos ang huli niyang pasyente. Niyaya naman na niya kaming umalis na. Kinita na lamang namin si Jovs sa lugar na ibinigay niya. Naupo na kami agad. Kumukuha na ng food yung magkapatid kaya naman naiwan kami ni Jovs sa table. "Kumusta?" Tanong niya. "I'm fine, ikaw ba?" Sabay higop ko sa binigay na soup sa akin. "I'm doing good naman, san ka ngayong Pasko?" "I'm spending Christmas with Mika." I smiled at tumingin kung nasaan si Mika. "Your smile." She paused. "What about it?" Taka kong tanong sa kanya. "You really do love her huh? What a lucky girl Mika is." She said with a bored look na hindi ko maintindihan kung masaya ba talaga siya para sa kaibigan niya o hindi. "I do, I really do. Hindi ka ba masaya for Mika?" Umismid lang siya. "Let's just say na miserable lang ako ngayon." Humalakhak naman siya bago umiling. "Minsan naiinggit ako how perfect my friend is, she gets everything, while I on the other hand, kahit anong gawin ko ang hirap kunin ng mga gusto ko." Uminom naman siya ng tubig. I really don't know kung anong pinagdadaanan niya. Minsan natatakot na lang ako sa aura niya pero mukha namang mabait siya. Mabigat lang siguro talaga ang pinagdadaanan niya ngayon. Dumating naman ang magkapatid kasama ang mga kinuha nilang pagkain. Mukha namang okay si Jovs when Mika is around, you wouldn't know na may ganun siyang sentiments sa kaharap niya. Kahit ano naman sigurong pinagdadaanan niya, she still wishes the best for her friend, right? They're best buddies after all. "Labs, gusto mo?" Tanong ni Mika habang inaabot sa akin ang niluto niyang Hipon. "Ano ba yung tanong mo? Kung gusto kong kumain or kung gusto kong ipagbalat ka?" Natatawa kong tanong sa kanya kaya tumawa din siya. "Both." sagot niya kaya napailing na lang ako at kinuha iyon para balatan ang mga hipon. "Ate, kailan pala tayo uwi?" Tanong ni Bea. "Ewan ko." sagot ni Mika sa kanya. "Nakapagfile ka na ba ng leave?" Tanong naman niya sa akin. "Kasama siya?" Tanong ni Bea. "Alangan naman mag-isa lang siya magcelebrate?" "Ay oo nga pala. Kaya nagalit sayo si mommy e." "Beatriz." Mika said in a serious tone. "Oops, sarreh." Napatingin naman ako kay Mika at tinaasan siya ng kilay. Ang sabi niya noon ay okay lang naman tapos ngayon nagalit pala sa kanya? She told me not to worry about that dahil maliit na bagay lang naman daw iyon. Kahit ganoon pa man ang nangyari ay hindi maiwasan ng puso ko ang matuwa, hindi pa naman kami ng panahon na iyon at magkaibigan lang kami pero nag-effort siya. How lucky am I? ***** It's already the 24th, kinakabahan ako because I'm finally meeting her family for the first time. Hinawakan naman niya ang kamay ko. "You okay?" Tanong niya saka pinisil ang kamay ko. "Okay lang ako, medyo kinakabahan lang." sagot ko. "Labs, di ka dapat kinakabahan." "Baka kasi hindi nila ako magustuhan for you." I pouted. "Raine, don't worry that much." Sabi ni Bea na siyang nagdadrive ngayon. "Saka gabi pa naman sila makakarating, makakapagprepare ka pa for them." Ginulo pa ni Mika ang buhok ko bago niya suklayin at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Napabuntong hininga na lamang ako at yumakap kay Mika. Since I'm doing most of the dishes today, I'll make sure na it would be one of the best. Sabi ni Mika ay matulog daw muna ako para may energy ako mamaya since mahaba pa naman ang byahe. I took that opportunity dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip na baka hindi ako magustuhan ng parents niya. Nang makarating kami sa kanila ay kumain muna kami ng pananghalian. Nilibot muna namin ni Mika ang paligid, gosh they really are wealthy, nakakapangliit pero I don't need these things naman. Nagtungo kami sa kitchen para simulan na ang mga gagawin, Mika and Bea offered some help na pinaunlakan ko naman. Madami daming dish din iyon. "Pagod ka na?" tanong ni Mika at sinubuan ako nang kinakain niyang Cereals. Cereals nanaman ang kinakain niya, hindi na nagsawa. "Medyo, malapit naman na matapos 'to." Napatingin naman ako sa orasan nila, mag aalas singko na rin pala. "Uyy parang ang sarap niyan." Wika niya nang maamoy ang niluluto kong sauce ng Pudding. "Makakalimutan mo pangalan mo." Biro ko sa kanya at yumakap naman siya sa likod ko. "I'm good with that basta hindi ikaw malimutan ko." Sabay halik niya sa pisngi ko. "Ugh guys, why do I always have to see you na naglalandian?" Napalingon naman kami kay Bea at napairap naman ito. "Really? Umay or inggit?" Sabi ko at tumawa kami ni Mika. "Soon ako naman." "Oo na, sige na umalis ka na dito." Sabi ni Mika kaya natawa ako. "Ako muna kakain nang niluto ni Rad." Napailing na lang ako at tinapik na ang braso niya dahil tapos naman na din ito. Gusto niya na daw kumain agad kaya wala na akong nagawa kundi ipaghain siya. Naglagay ako sa mangkok ng pudding at nilagyan ng sauce. Nagscoop na din ako ng ice cream at naglagay ng walnut doon. "Mag-ingat ka ha. Mainit pa yang pudding." Sabi ko kay Mika na agad agad sumubo kaya napaso. "Ayan naman kasi ang kulit." Inis kong sabi sa kanya at kinuha ang kutsara. "Akala ko kaya na ng ice cream." Sagot niya pa at tumawa tawa. Umiling na lang ako at kumuha ng pudding saka ito hinipan. Kumuha na din ako ng ice cream at sauce saka isang maliit na walnut para kumpleto yung flavor niya. "Say ahhhh." "Ano bata?" Tumawa naman siya at sinubo na yung binibigay ko. "Ah shet wabs ang sawap. Papakasalan na talaga kita." Nahampas ko naman siya sa nasabi niya, mas mahal niya ata ang luto ko kaysa sa akin. Iniwan ko na muna siya para makapaligo. Nagsimba na rin kami after at nang makarating kami sa bahay ay may nakita akong matandang lalaki. "Dad, nakauwi ka na pala. Si mom?" Kinabahan naman ako sa narinig at nagkatinginan kami ng dad niya. "G-good evening p-po." Bati ko. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa. "Magandang gabi din sa iyo hija." Hinawakan naman ni Mika ang kamay ko at ngiting ngiting naglakad papunta sa dad niya. "Raine, daddy ko. Dad si Raine po, my girl." I felt Mika's grip on my waist tigthened as she pulled me closer. "Nice to meet you, sir." Sabi ko at nilahad ang kamay ko. He took it before smiling at me. "Nice catch." Sabay kindat nito kay Mika. "I wonder how Isabel is doing?" He smiled. "Dad, Beatriz is far from getting there. You know mana sayo yun." Natawa ako at napailing sa sinabi niya. "She cooked for us by the way." "Well let me judge kung papayagan ko siyang makapasok sa pamilya natin. I badly need a cook for us. You and Isabel are horrible in the kitchen." Ang cute nilang mag-ama. Nagpatuloy lang ang biruan nila and her dad is really proud na dyosa ang nabingwit niya. His compliments made me blush, hindi naman ako sanay. Alas gis na din nang dumating ang mommy ni Mika kasama ang mga pinsan nito. Pinakilala niya na din ako sa mga kamag-anak niya. Iisa lang ang tinatanong nila kay Mika, anong gayuma daw ba ang ginamit niya sa akin. Ginatungan ko na lamang din kaya pikon na pikon ang Labanos ko, napakacute niyang nilalang kapag naiinis na. Maya maya ay nagkantahan na sila, mag aalas dose na din kaya nagtungo na kami ni Mika sa may dining para ihain ang mga pagkain. "Merry Christmas!" Sigaw ng mga tao at nagtakbuhan na sa dining. "Merry Christmas, love." Sabi ni Mika at nginitian ako nang matamis. "2nd Christmas together,  I wish for more to come." I smiled at her hopefully. I don't want us to end, not now, not ever. "Mikaela let's talk." Sabi ng mommy niya. Wala man lang itong reaksyon nang ipakilala ako sa kanya ni Mika kanina kaya natatakot ako. Tinawag ako ng dad ni Mika at pinaupo sa tabi nito. "Ang sarap ng luto mo hija. Pasadong pasado." Sabi nito ng may napakalaking ngiti. "Ikaw nagluto nito?" Tanong ng pinsan ni Mika. "All of them. Tumulong lang kami ni ate nang kaunti." Sagot ni Bea. "Sobrang swerte ng ate mo Bei." "Pag nagbreak kayo ni ate Mika I'm here ha." "Pag kayo narinig ni ate Mika uuwi kayong pilay." Nagtawanan naman kani. I excused myself dahil naiihi na ako. Bigla ko naman narinig ang usapan ni Mika at ng mom niya. "Why? Why can't you be happy for me? Mahal ko si Raine mom." "I like Rhian more." "Pero hindi ikaw ang makikisama mom. It's my life, hindi naman pera ang habol niya." "Wala akong tiwala sa babaeng yun." "Will I ever win? Mom, I feed myself, ako lahat nagbabayad ng bills ko, may ipon ako. Anong mali kung si Raine ang pipiliin ko?" Napahawak na ako sa aking dibdib. Bakit pati mommy niya ay ayaw sa akin? Mukha ba talaga akong pera? Does my eyes glimmer a dollar sign for them to think that way? I don't need money, minahal ko si Mika because of how she made me feel, not of what she gave me. "Saan naman pupulutin yan? Ano? Magpapatayo siya ng carenderia? Mika, I gave you everything hindi para palamunin ang babaeng iyon." Oh my ghad. I'm tearing up. Sobrang sakit na nang mga naririnig ko. "Mom, Raine is the most amazing girl I have ever met. Bakit kasi hindi mo siya kilalanin?" "Enough of this Mikaela. You are going to leave that girl." Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila at sa kwarto na lamang ni Mika nag CR. Hindi na rin ako nagkaroon ng lakas para bumaba pa. Iniyak ko na lamang ang sakit na nararamdaman. Pucha naman oh. ***** Mika Napailing na lang ako sa kinahahantungan nang usapan namin ni mommy. Pauli-ulit lang naman ang sinasabi niya. "Mom, alam kong you want the best for me but the thing is." I paused and sighed. "I don't need them anymore. Gusto ko lang maging masaya and Raine can give me that without even trying." "Let's end this conversation Mikaela. Merry Christmas." Napapikit na lamang ako nang mariin at bumalik na sa dining pero wala si Rad doon. Niloloko nila akong pwede nang mag-asawa si Rad dahil ang sarap ng luto niya kaya abot tenga ang ngiti ko. Ah, my girlfriend is the best.  "Beatriz, nasaan si Rad?" "NagCR ate ah?" "Ha? Di ko naman nakita." "Ate nakita kong umakyat." Sabi ng pinsan ko. Nagpaalam muna akong aakyat muna ako at nakita ko si Rad na nakahiga na sa kama ko. Mukhang pagod na dahil siya rin naman gumawa halos lahat. "Love?" Tinapik ko naman siya at nag groan lang siya. "Kumusta? Kaya pa? Kakakain mo lang matutulog ka na agad, masama yan." "Hmm, masama pakiramdam ko." Hinawakan ko naman ang leeg niya to check her temperature. "Halika nga dito." Pinaunan ko naman siya sa bakikat ko at agad siyang yumakap sa akin. Narinig ko pa ang pagsinghot niya. "Bakit ka umiiyak?" "Masakit lang ulo ko, love." "Teka nga, halika akyat tayo."  Tumayo ako at itinayo rin siya. Nagpunta kami sa rooftop para magpahangin. Wala namang view doon pero dahil may fireworks naman ay may makikita pa rin siya kahit papaano. She leaned on the railings kaya yumakap lang ako sa likod niya. I let out a big sigh, this should be a happy occassion pero it was ruined dahil ayaw sa kanya ni mom. "May problema ba?" Tanong niya. "Wala naman." I placed my chin on the crook of her neck. "Gusto ko lang ulit ulit sayong mahal kita, Athena." I felt her hand slightly tapping my head. "I love you more, doctor Weird and handa akong gawin lahat for you." I heard a hint of sadness sa sinabi niya. "Merry Christmas pala ulit." Hinarap naman niya ako at inabutan ng maliit na box. "Hala, you really didn't have to." Napataas naman ang kilay niya. "Ayoko namang kiss lang regalo sayo." Natatawa niyang sabi and pulled my collar for a mind blowing kiss. Shet sarap. "More?" Natawa ako. "Later." I winked at binuksan ang bigay niya. "Awww." My heart melted, she gave me a watch. Michael Korrs, ang ganda. "Ang mahal nito." "Ano naman?" She laughed. "Mas mahal kita." Napailing na lang ako "Ikaw talaga." Ginulo ko naman ang buhok niya saka siya niyakap. "Thank you. " Bumalik na kami sa pwesto namin and watched the fireworks. She's worth it, she's worth fight for.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD