XXIII:

1816 Words
Mika Hindi ko iniwan si Rad sa buong stay namin dito sa amin. Ayokong magkaroon ng chance si mommy to ruin our relationship pero I think inevitable pa din like ngayon, tinanong niya si Rad kung pwede sila mag-usap which my girl accepted without even thinking twice. Sinubukan ko pa silang pigilan pero nginitian lang ako ni Rad.  "Ate, can you sit down? Nahihilo na ako sayo." Sabi ni Beatriz. "I can't calm myself, ayoko mawala si Rad sa akin." Napahawak naman ako sa dibdib ko at biglang bumukas ang pinto kaya niyakap ko siya. "Love di mo ko iiwan diba?" Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Pinagsasasabi mo? Pinapili lang ako ng mommy mo kung anong magandang interior ng kusina niyo. Gusto niya daw ipabago." Sagot niya. "Told you hindi ka dapat nagwoworry nang sobra." Sabi pa ni Beatriz. "Saka anong iiwan? Bakit kita iiwan?" Takang taka niyang tanong at binatukan ako. "Paranoid lang yang ate ko. Ano? Let's go na. I really miss Jia na." I held Rad's hand at nagpaalam na sa parents ko. Mom looked at us saka kami nginitian, which felt weird pero hindi ko na lamang binigyan pansin at nagtungo na sa sasakyan. Alam kong may mali kaya kakausapin ko na lamang si Rad mamaya. Tahimik lang siya sa byahe namin, nakatingin sa labas na parang malalim ang iniisip. I reached for her hand and brushed the back of it with my thumb kaya napatingin siya sa akin. "You okay?" Tanong ko sa kanya. "I am." She smiled and intertwined her hand with mine. "Anong sinabi ni mommy?" Lunok laway kong tanong. "Wala, may dapat ba siyang sabihin?" Walang buhay niyang sagot. I sighed, she cannot hide anything from me, with one look I would know if she's lying. She knows that very well pero nakuha niya pa ring magsinungaling. "Rad." I paused when she looked at me with sadness, nakaramdam ako nang sakit sa mga mata niya. "You cannot lie to me, you know that." "I know." natawa naman siya. "Pero bakit mo kailangan itago? Alam ko naman na ayaw niya sa akin. Narinig ko kayo nung Pasko, so bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" Napabuntong hininga naman ako. "Yun ba dahilan bakit ka umiyak?" "It doesn't matter. Ang tanong ko, bakit hindi mo sinabi?" muli naman siyang tumingin sa labas. "Kasi ayokong masaktan ka." sagot ko. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba Mika, pwede nilang sabihin na ayaw nila sa atin, I wouldn't give a damn pero iba na 'to, pamilya mo na ito Mika." bakas ang lungkot sa kanyang boses. Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak before looking at her. "Handa akong ipaglaban ka, Rad, even if it is against my parents." "Everyone is looking down on me Mika. Halos lahat gusto tayong paghiwalayin, lahat sila sinasabing peperahan lang kita. Nakakasawa sa totoo lang." she sighed at humigpit naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Gusto kong malaman mo na minahal kita hindi dahil sa pera mo, wala akong pakialam dyan. Minahal kita because you are amazing in many ways, at ikaw lang nagparamdam sa akin ng ganito. I never imagine myself being this happy again ever since my parents left, and it really is you that made me feel alive once more." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti sa sinabi niya. Nasasaktan man ako dahil sa mga sinasabi nila kay Rad ay masuwerte pa rin ako na malakas siyang tao for sticking up with me. Huminto na ako sa tapat ng tinutuluyan niya. Lumabas na kami at bago niya buksan ang pinto ay nilingon niya ako. I felt scared of what she was about to say, naramdaman ko ng hindi maganda iyon dahil sa tingin niya kaya wala pa man siyang sinasabi ay nanikip na agad ang dibdib ko. "Mika." the way she called my name this time send heartaches. "Athena, please don't." pagpigil ko sa sasabihin niya, ayoko. Ramdam niya na rin siguro na alam ko na ang sasabihin niya. She cupped my cheek and brush it lightly before showing a faint smile. "I love you, I really do but I have to do this, Mika." napakagat labi naman siya. Hinawakan ko na lang ang kamay niyang nasa mukha ko at napayuko. "Rad, we can do this. You don't have to leave me." I pleaded while sobbing. "I need time for myself, Mika. I need to assess everything. I'm not giving up on us, babe, but let's take a break for now." "Athena, please." "I love you, I do. Ingat ka." she smiled while her lips quiver. Niyakap ko siya nang mahigpit, hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Wala pa nga kaming isang taon e. Nakakainis naman, malapit na oh, ilang araw na lang. "Love." Sambit ko. "Mika, love, please. I need this." sabi niya habang kumakawala sa yakap ko, and when she did, muli niyang hinawakan ang pisngi ko. "Promise, I'll be back." she tiptoed and kiss me softly bago tuluyang pumasok sa tinutuluyan niya. Damn, it stings. "Beatriz." sabi ko while waking Bea up na nasa backseat. "Oh?" gulat na gulat naman siya. "Why are you crying?" Umiling lang ako. "Can you drive?" She sighed at hindi na nagtanong pa. ***** Hawak hawak ko lang ang phone ko ngayon dito sa clinic. Naghihintay ng text niya like what I did sa mga nakaraang araw pero wala ni isang text akong natatanggap, walang reply. Naisipan ko na rin ipaayos phone ko dahil baka hindi ko lang natatanggap ang mga text niya. Haay, this s**t is making me crazy.  "Buddy." wika ni Jovs nang makapasok siya "Hey, what's up? Napadaan ka?" tanong ko. "You know, aalis na din ako ulit in a few days, want to have some drink? Si Bea na lang magsundo sa atin, nakausap ko naman na siya." "Great, I think I need some alcohol." Kumuha muna ako ng Apple at tinanggal na ang coat ko. Wala naman na akong appointments for today kaya okay lang siguro kung maaga akong aalis. "Woah, ngayon na? Inom na inom ka na ba?" natatawa niyang tanong. I sighed. "Yeah, I badly needed some drinks." sagot ko at inakbayan siya. Nagpunta kami sa isang bar, agad naman kaming umorder ng isang bote ng Whiskey. Hindi kami nag-usap agad, nagpapakiramdaman na para bang hinihintay namin kung sino ang unang magsasalita sa amin. "How are you?" tanong niya. "I'm all f****d up." I laughed bitterly. "Ghad, hindi ko na alam gagawin sa buhay ko kung wala si Rad." "Ano bang nangyari?" "She asked for some time. Gago, di ko na alam. Sobra kong mahal na hindi ko kayang ibigay yung oras na hinihingi niya. Sinubukan kong puntahan sa tinutuluyan niya pero wala siya dun. Mukhang nabasa niya gagawin ko, even sa trabaho niya, nag file siya ng leave. f**k, everything is a mess." "And you are a one big mess, Mika, not so you." tinawanan lang ako ng walang hiya. Hayop. "Paano kung tuluyan niya akong hiwalayan dahil ang dami namang hadlang? Jovs, di ko kaya." halos maiyak naman ako sa aking iniisip. Binatukan naman niya ako kaya nahilo ako, siraulong 'to. "Ikaw na din nagsabing mahal na mahal ka niya, anong kinakatakot mo?" "Na hindi niya ilaban yung kami." I paused at tinungga ang inumin ko. "Mahirap gawing mundo ang tao lang, nakakabaliw pag umalis." natatawa kong sabi bago umiyak, kaasar. "Halika nga dito." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Bullshit. Kinuha ko ang phone ko and tried to call her. It's ringing pero hindi niya sinasagot. This is annoying. I called Jia and Den pero wala daw siya dun. "Stop that." sabay kuha niya ng phone ko. "It's our time, wag mo na muna isipin si Raine." "I can't, she's all I can think of." Tumawa naman siya. "I have never seen you like this, and not even in my wildest dreams I would see you this low." Napailing naman ako. "Alam mo, nagdadrama ako dito tapos ganyan mga sinasabi mo." natawa na lang ako bang mapait at muling uminom. "Kailan alis mo? Kailan din balik mo?" nalulungkot na ako agad dahil matagal tagal nanaman kaming hindi magkikita. "Di pa nga ako nakakaalis pinapabalik mo na ako agad, isang kiss nga dyan." I pouted at agad naman siyang tumawa. "Ewan ko, baka 2 years ulit, wag mo ko masyado mamimiss ha." Napairap na lamang ako sa kahanginan niyang taglay, but atleast, it helps me forget for awhile. "How are things between you and Gretch?" bigla kong naitanong at siya naman ang biglang napainom. "I guess hindi mo pa rin napapasagot?" It's my time to laugh at her. "Shut up." she hissed. "Pero hindi ko susukuan, mahal ko e." "Same buddy, same. Cheers?" "Cheers." sagot niya as she clunk her glass on mine. ***** I tried not to think of her anymore. She needs time yun na lamang ang paulit ulit kong iniisip. Pinapaalalahanan ang sarili ko na saglit lang ito, hindi rin magtatagal ay babalik siya. Pero napakahirap pala, lagi akong dumadaan sa tinutuluyan niya pero no signs of her. Nagtungo ako sa restaurant ng mga Reed, hoping she's back. "Marco." tawag ko nang makita ko siya. "Hey." saka siya nakipagfistbump. "Long time no see ah, what brought you here?" "Si Raine?" napataas naman ang isa niyang kilay na para bang takang taka siya sa tanong ko. "Nandyan ba siya ngayon?" "Wala, kanina pa siya nakaalis." sagot nito sa akin, no lies. Napatingin ako sa relo ko at napabuntong hininga. "Nagpalit siya ng shift?" "Yes, nung makabalik siya inagahan ko na ang pasok niya. May problema ba? She really seemed spacing these past few days." "Oh? Mika? Napadaan ka?" tanong ni Rhian. "I don't have time for shits, Rhi. Thank you, Marco. Mauuna na ako." inis kong sabi dahil isa din siya sa nag-iisip nang masama kay Rad. I rode my car at ibinagsak ang pinto ng kotse ko. Hindi na pinansin ang pag tawag ni Rhian sa akin. I don't give a f**k kung sasabihan niya ako na snob, kasalanan nilang lahat 'to. Kasalanan nilang lahat 'to. "Ate." tawag sa akin ni Bea nang makauwi ako. "Not now, Beatriz, sorry." agad agad akong umakyat at nagpunta sa guest room, mas gusto ko matulog mag-isa. "Ate." katok niya sa pinto na nilock ko. "Ask Jia to come over kung hindi ka makatulog." sagot ko if that's what she's worrying about. "Baliw. Nasanay na ako nang konti kakaovernight mo kanila Raine." Upon hearing her, agad akong napapikit kasabay nang paninikip ng dibdib ko. Miss ko na siya. Kinuha ko ang isang unan at niyakap ito, ang sakit na ng puso ko. "Oh, s**t, sorry. If you need me ate I'm here okay? Like you have always been there for me, love you." wika niya. I opted not to respong anymore. I reached for my phone at tinext si Rad. My Queen ❤️  Mikaela: Hi Loveeee, sobrang miss  na kita.  Please come  home soon, I love you. M: I'm going crazy. M: Uwi ka na, di naman  ako galit. 168 hours na  kitang hindi nakikita,  that's 10,080 minutes.  Sobrang tagal na niyan. M: I really miss you.    Napapikit na lang ako and felt a tear drop on my cheek. Gustuhin ko man i-assure si Rad na whatever happens ay hindi ko siya bibitawan ay hindi ko rin magawa because she just won't let me. No one has the right to tell you who you deserve, and I'll keep on telling her that I would choose her no matter what happens.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD