Chapter 2

1276 Words
Lucas "I'll get it out before the cookie burns at magalit si Lexi. Close the door behind you baby." Dali dali akong humakbang papuntang kitchen at hinagip ang mittens para hanguin ang cookies saka pinatay ang oven. Kalalapag ko lang ng mainit na tray sa ibabaw ng kalan ng batiin ako ng inaanak ko. "Hi Ninong!" Bati ni Lexi sa akin na walang expression ang mukha. Nakaupo sya sa dining at kumakain. "Hi baby girl." Lumapit ako sa kanya habang tinatanggal ang mittens ko sa kamay. "Give Ninong a kiss." Ini-umang ko ang pisngi ko sa kanya. Sumimangot sya sa akin at hindi ako hinalikan. "Ayaw." Mainit ang bait. "O bakit? Anong problema ng batang maganda?" Lexi looks so much like his father except for her eyes. Parehas silang bilog na bilog ang mata katulad ni Nikki. "Hmp! You came in and you didn't bati me. You lampas me." Conyo na agad magsalita. Apat na taon pa lang. Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry baby girl. Kasi baka masunog yung cookies sa oven so I went there first." Lexi pouted. "Hmp! But you talked to Ninang Hope for a looooooooong time!" Umikot pa ang mata katulad ni Nikki. Manang mana talaga sa kanyang ina. Nag squat ako sa sahig at nangalumbaba sya. "Selos ba ang baby girl ko? I'll tell you a secret." Ngumiti ako sa kanya. Bigla syang na excite pero nakakunot noo pa rin. "What is it?" I cleared my throat. "I will tell you pero kiss mo muna si Ninong sa cheek." "Arte!" Sabi nya sa akin pero nagkiss naman sya sa pisngi ko at nagtuloy sa pagkain. Marunong ng mag attitude. Nagulat ako. "O sino naman nagturo sa iyo nyang arte arte na yan?" "Si Ninang Hails!" Nakangising sabi nya sa akin. Napangiwi ako. Si Hailey talaga walang katulad. "Ninong what's the secret? Tell me tell me!" Minadali pa ako. Nang ibulong ko sa kanya ay sinabing "Okay Ninong I will help you." Nag fist bump kami. Si Heather ay nakamasid pala sa amin mula sa salas. "Ano naman ang pinagbubulungan nyo dyang dalawa?" "Nothing Ninang. It's a secret." Nagtaklob pa ito ng bibig at impit na tumawa. Ang cute ni Lexi. Gusto ko na rin tuloy magkaanak. Kailangan ko na talagang paspasan si Heather. "Sume-secret na ang baby girl namin." Nakangiting sabi nya kay Lexi. Pagkatapos ay binalingan ako. "Hoy Guevarra, baka kung ano anong tinuturo mo dyan malilintikan ka sa akin." Tinaasan pa ako ng kilay. Napakasungit naman talaga ng baby ko hanggang ngayon kaya nahihirapan akong dumiskarte. "Maka Guevarra ka naman dyan para kang others. Pwede namang Luc.. o kaya.. baby." Pasakalye ko sa kanya. Humalukipkip sya at sinamaan ako ng tingin at narinig ko ang matinis na hagikhik ni Lexi na tumayo at kumuha ng ilang piraso ng cookies at hinagip ang water bottle nya. "Ninang sa room mo lang ako. I want to watch tv. I'm done eating na." Nagtatakbo na sya papuntang kwarto at isinara ang pinto. "Now where were we? Yes, yung tawag mo sa akin." I moved towards her at sa kauurong nya ay nasukol sya sa couch at napaupo. "Errr — what d-do you th—think you're d—doing?" Nauutal din pala ang isang ito. Akala ko palaging composed. Ngumiti ako at dinukwang sya sa couch. "I am not doing anything. See?" Itinaas ko pa ang mga kamay ko. But my body is an inch away from her. I can almost hear her heart beating fast. I leaned over and caged her. Nasa pagitan ng balikat nya ang mga braso ko. "Y—you're t—too cl—close.." Nakatunghay sya sa akin at ang mga labi nya ay mukhang nang iimbita. "Relax. I'm not going to do anything without your permission." Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at hindi sya kumilos. Narinig ko ang paghigit nya ng hinga ng ikiling ko ang ulo ko at inilapit ng kaunti pa ang mga labi ko. Kapag umiwas sya hindi ko sya hahalikan. But she sat there and closed her eyes. She was waiting for me to kiss her. Tinawid ko ang pagitan namin at inilapat ang labi ko sa labi nya. I kissed her gently. She tasted like chocolate when I ran my tongue on her lower lip and her lips parted a bit. So sweet. Nagpapak siguro sila ni Lexi kanina habang gumagawa ng cookies. I was surprised to find out I was her first kiss. At this age, I can't believe it. I heard she dated back in high school and for sure she dated in Boston. I touched every corner of her mouth. "Ohh.." I heard her moan. She put her arms around my neck at ng maupo ako sa couch ay hinigit ko sya palapit sa akin. Binuhat ko sya at iniupo sa hita ko. She was wearing moss green linen shorts and a white sleeveless blouse. My hand was cupping her neck while my other hand is caressing her thigh. I nuzzled her neck, lightly bit and and she even moaned louder so I went back to her mouth at baka biglang lumabas si Lexi kapag narinig sya. I am getting a hard on at siguro kung hindi kami nagbebaby sit ngayon ay nakagawa na rin kami ng baby. Kung saan ko hinigit ang lakas ko ay hindi ko alam. I ended the kiss and hugged her. We were both running out of breath. She was about to get up when I stopped her and asked her to stay. "Luc, baka lumabas si Lexi at makita tayo. Bitaw na." Namumulang sabi nya. I caressed her slightly sore lower lip with my thumb. Napagigil yata ako ng halik kanina. Napangiti ako at lalo syang niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa braso nya. "Bakit ka ba kasi nanghahalik!?" Sinubukan nyang ipiksi ang braso nya kaya napasubsob ang mukha ko malapit sa dibdib nya. "Luc! Ano ba!?" Nagpigil naman ako ng tawa dahil sa kaiiwas nya ay lalo akong napapalapit sa mga parte nya na pilit nyang inilalayo. "Ang bango ng baby ko." I gave her a small bite on her arm. Sinamaan nya ako ng tingin at tinakluban ng palad nya ang kalahating mukha ko. "Tumigil ka nga. Puro ka kaharutan ang aga aga pa Lucas!" May halong inis na. Kanina lang ay nasasarapan sa halik ko. Paano pa kaya kapag nagbuntis si Heather? Baka mas matindi pa sa tantrums ni Nikki. "So pwede na mamyang gabi?" Pangungulit ko sa kanya "Ang alin?" Kunot noo nyang tanong sa akin. "Mangharot. Sabi mo ang aga aga pa kaya sabi ko pwede na mamaya gabi dahil hindi na ma— awww!" Naputol ang pangangatwiran ko ng pingutin nya ang tenga ko. "Puro ka kalokohan! Bitaw na." sabi nya sa akin. "Bibitaw na nga." Umupo sya sa tabi ko at tinawag ko si Lexi. "Baby girl! Can you come out here for a bit please?" Bumukas ang pinto at lumapit si Lexi. "Yes Ninong?" "Do you want to go to the arcade?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Papagudin ko si Lexi para mamaya plakda na at masosolo ko si Heather. Luc you are so smart! Namilog ang mga mata ni Lexi at na-excite. "Really Ninong? Okay, okay I'll go change now!" Nagtatakbo ito at hinagip ang bag nyang may pamalit. Nagpunta sa kwarto at maya may ay lumabas ng nakabihis. "I'm ready. Let's go na!" "Huling huli mo talaga ang kiliti ng isang yan." Sabi ni Heather sa akin na naiiling at kinuha ang shoulder bag nya. Nag lip gloss lang at walang make up. Napakaganda pa rin kahit simpleng simple ng get up. "Nagpapractice na ako. Papasa na ba?" tanong ko da kanya. With furrowed brows, she asked. "Papasa saan?" Tumikhim ako. "Maging ama sa mga magiging anak natin." Kilig overload in the house!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD