Chapter 3

1127 Words
Heather God! This man makes me lose my mind. When he gets close to me, my sanity goes out the window. We just made out earlier and we are not even dating each other. Ang pinakaingat ingatan kong first kiss ay nakuha na nya. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat at ang dibdib ko ay walang tigil sa pag pintig ng mabilis. At ngayon naman ay sinasabing nagpapractice na syang maging ama para sa magiging anak namin sa hinaharap. "What?!" Singhal ko kanya. Kinabig ko pasara ang pinto ng makalabas kaming tatlo at automatic na naglock iyon. Ngumisi sya. "O bawal ang high blood. Ang aga aga ang init na naman ng ulo mo." "Wait, did you turn off the oven?" Biglang tanong ko sa kanya. "Yes. I did." Kapit nya sa kamay si Lexi at naglalakad kami papuntang elevator. "Are you sure?" Paninigurado ko sa kanya. "Oo nga. When I took the tray of cookies out, I automatically turned off the oven. You worry too much." He caressed my cheek. Hinuli ko iyon at inalis dahil para akong kinukuryente. Pero ng gawin ko iyon ay inakbayan naman nya ako at hinigit palapit sa kanya. Hindi ako makawala kaya hinayaan ko na lang kaysa magpagod pa ako. He even kissed the top of my head at sisipol sipol pa ang walanghiya. "Your car or mine?" Tanong ko sa kanya. "Mine. I am already parked outside. Besides, I want to drive for you." He winked at me. Kung may hari ng kaharutan ay may nanalo na. At si Lucas Guevarra na iyon "Fine, let's take your car." He opened the door for me and then he opened the door for Lexi and buckle her in. I was still putting on my seatbelt when he tugged my seatbelt to make sure it's safe then leaned over to steal a quick kiss. "Luc!" Sikmat ko sa kanya. Nasa likod lang si Lexi ay kung ano anong kaharutan na naman ang ginagawa. Tatawa tawa naman syang pinisil ang tungki ng ilong ko. "Sungit." "Ready to go baby girl?" Nilingon nya si Lexi sa likod ko at pasimpleng humalik sa leeg ko. "Tsk! Nakakailan ka na Luc ha akala mo hindi ko nahahalata?" Singhal ko sa kanya sa mahinang boses. Kung wala si Lexi ay kanina pa ito nakatikim sa akin. Ng sermon o maraming halik? Aish! "Ano na naman? Behave nga ako eh." Katwiran nya sa akin. "Hay sus! Behave ka pa nyan? Paano pa kapag hindi ka behave?" Gulat na sabi ko sa kanya. "Baby, you haven't seen anything yet." He winked at me and stole another kiss then shut the door beside me. Lumigid sya at maya maya sumakay sa driver's seat. He drives an Escalade. Sasakyan pa lang pang pamilya na. Aish! Ano ba itong pumapasok sa isip ko? We went to the mall and like he said, went straight to the arcade. Parang nakawala sa kural ang dalawa at walang habas sa paglalaro. Dala ko ang bag ni Lexi at siguradong papawisan sa kakalaro. Pinanood ko silang dalawa. "Stop cheating Ninong!!" Reklamo ni Lexi "I am not cheating. I am just really good at this." Naglalaro sila ng galaga. Tumikhim ako. "Ay malamang nga! Sa tanda mo ng yan naglalaro ka pa ng galaga? Ilang taon kang nagpractice? Trenta??" Pang aasar ko sa kanya. "Grabe naman! Trenta agad?! Mukha na ba akong ganun katanda?" Hindi nya ako nililingon at naka focus sa laro. "Yes! | Cheater!" Magkasabay nilang sabi. Nakakatawa silang panoorin. Nang matapos ang laro ay busangot ang mukha ni Lexi. "Ninang, he cheated." Maktol nya sa akin. Inalo ko naman sya. "Don't worry baby girl, Ninang will kick his ass." Nakangiting sabi ko sa kanya "Oh Ninang! You said a bad word!" Sh*t! Patay ako kay Ate Nikki. "I mean I will kick his butt. Forget what I said okay and watch Ninang from here. Luc, if you lose — you are treating us for lunch and dinner. Lexi's choice." Nag fist bump kami ni Lexi. "You really think you'll win against me?" Mayabang na sabi nya sa akin. Ngumisi ako. "You're no match for me Guevarra." Bumulong sya sa akin. "If I win this game, you're mine Sevilla." Napalunok ako. Inirapan ko sya. "You lose, I date someone else." Umasim ang mukha nya. "That's not a fair trade. Besides, you already made your bet. Lunch and dinner if I lose." Saka kumindat sa akin. "Fine, some other time we will play again. Let's do it." sabi ko sa kanya. "Kick his butt Ninang!" Lexi was cheering for me. "Ah! I'm hurt baby girl! You should cheer for Ninong." Hinipo pa nito ang dibdib sa tapat ng puso nya at kunyaring nasaktan. "Hmp! Cheater!"  Namaywang pa ito at binelatan si Lucas. Napahagalpak ako ng tawa. "Nice parenting Guevarra." "You ladies are ganging up on me. Wait until your baby brother comes out baby girl and it's going to be 2 versus 2." Sabi nya sa amin. Nangatwiran naman si Lexi. "Oh Ninong.. he's still a baby. He can't laro with you yet here in the arcade." Umilig iling. "She's got a point." Sabi ko kay Lucas. Umangil naman ito at sinabing maglaro na kami. "Game on Sevilla. Prepare to lose." He has not seen me play yet. "Tss.. You are going to need all the four clovers you can find to win against me Guevarra. I rule Galaga. Hahaha!" Ang ingay naming tatlo at si Lexi ay hindi magkaintindihan sa pag cheer. Nag gigirian kami at halos magpantay ang score namin. Nang matapos ang laro ay malaki na ang lamang ko sa kanya at syempre ako ang panalo at nakanganga sya sa akin. "How did you manage to that?" Manghang tanong nya sa akin. Nagkibit balikat ako. "Natural talent. Paano ba yan, talo ka." Sabi ko sa kanya. Ngumisi naman sya. "Laro lang yan. Kahit matalo pa ako ng paulit ulit kung lagi naman kitang kasama, panalo na rin ako araw araw." Pagkatapos ng mga linyahan nya ay kumindat pa sa akin. Juskupo ang puso ko! Nahulog na yata, nasaan ba at ng mapulot ko. "Ang galing mo Ninang!" Yakap ni Lexi ang hita ko. "Ninang will teach you how to play so you can beat Ninong next time okay?" Sabi ko sa kanya saka niyuko at binuhat. "Now tell Ninong where you want to have lunch." Iniharap ko sa kanya si Lexi. "Ninong, I want Jollibee!" Nalukot ang mukha ni Luc, alam kong hindi sya mahilig sa fast food. "Okay baby girl. Jollibee it is." Saka kinuha sa akin si Lexi. "Come to Ninong, mabigat ka na baka mapagod si Ninang." Lumipat naman si Lexi sa kanya at yumakap sa leeg nya. Inakbayan ako ni Luc palabas ng arcade. Mistula kaming isang masayang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD