Kabanata 10 Mayaman Mabilis akong binigyan ng costume ni Theia ng makita ako. Si Berna ay umuusok ang ilong dahil sa tagal ko daw. Ano namang magagawa ko e, walang masakyan sa village ni Joules. Tsaka hindi pa naman talaga ako late e. I have still thirty minutes to prepare. Nang makuha ang damit mabilis akong pumasok sa banyo at nagpalit. Pagkatapos ay sinunod ko ang light make-up. When I look at my face on the mirror, I smiled satisfiedly. Lumabas ako at lumapit agad sa mga kaibigan. Ang sabi sa akin ni Theia ay magsisimula na ang birthday party anumang oras ngayon. Sakto ng makalabas ako ay pinapasok na kami upang magsimula sa trabaho. I plastered my beautiful smile while entering the bar. Usok na galing sa mga sigarilyo ang bumungad sa amin. I walk slowly and turn my head to the who

